Jhoana
Sinundo na ako ni mich kasama sa loob non si jia na nasa front seat katabi ng driver naming si ate mich
To: beibeh ko
Beh, sinundo na ako ni ate mich nandito na din si ate jia, I'll update you later pag pick up time na I love you and good afternoon"Buti pinayagan ka ate ji?" Tanong ni mich
"Mabait naman si miguel eh tsaka magiging busy na din tayo siguro dahil na din sa volleyball" sabi ni ate jia, and mich and I agree at it
Nakarating na kami sa coffee shop and umorder na sila ate ji, ako naman naghanap ng ma uupuan,
"Hi jho" napatingin naman ako sa nag salita and its maddie
"Oh hi maddie kasama ka din diba sa amin?" Tanong ko sa kaniya and she smile at me
"Yeah, sorry late ako kakadating niyo lang ba?" Tanong niya sa akin
"No just in time lang naman, kakadating lang din naman namin" sabi ko and nag punta na sa amin si ate jia and mich and they hug maddie, girls chika pala ito, naupo na din sila at nag kwentuhan na kami
"Yon nga tinatanong din ako kung mag sisimula na ba ako mag trabaho, basta sinabi ko na lang na eenjoyin ko muna yung free time ko no! Mag hahanap muna ako ng jowa" sabi ni mich
"Ako hindi naman ako pinilit, tsaka mahirap din no priority ko din yung volleyball" sabi naman ni maddie
"Eh kayo any priorities aside from volleyball?" Tanong ni ate jia
"Family, and friends" sabi ko
"Same lang ako kay jhoana no! Pero dagdag niyo na lang si zolo" sabi naman ni maddie sa amin
"Edi kayo na may jowa" sabi ni mich nagtawanan naman kami
"Eto naman si jho walang jowa ha" sabi ni ate jia
"Di pa nga yata nakakamove on kahit 2 years na ang nakakalipas tama ba 2 years nga" sabi naman ni mich
"Mukha ngang wala pang balak mag paligaw eh" sabi ni maddie, natawa na lang ako sa mga pinagsasabi nila and biglang tumunog yung cellphone ko na malapit kay mich, teka baka si bei yon tinignan ko naman si mich parang sinasabihan gamit yung mata like wag niyang pakialaman look, dahan dahan kong nilapit yung kamay ko papalapit sa cellphone ko at hindi inalis yung tingin kay mich pero mabilis siya dahil malapit lang siya sa akin at nakuha niya na yon
"Uy! Bigay mo sa akin yan" sabi ko sa kaniya
"Ate ji basahin mo bili!" Sabi ni mich and binigay kay ate jia yung phone pinilit ko namang kuhanin kay ate ji pero hinaharangan ako nila maddie and mich
"From beibeh ko, sige beh text me if susundin na kita enjoy your girl talks with ate jia,mich and kung sino pa ang nandiyan see you!" Basa ni ate sa text
"Atee!" Sabi ko sabay kuha ng phone ko nag pout lang ako sa kaniya
"Replayan mo na yan yung beibeh mo" sabi ni ate jia
"Wait sino ba yan?" Tanong ni mich
"Kilala niyo na kainis!" Sabi ko sa kanila natawa namn sila
"Oo nga binasa ko lang naman yung name eh any clue?" Tanong ni ate ji
"I think the clue is in the name" sabi naman ni maddie and nagulat naman yung dalawa
"OMG! Si bei!" Sabay na sabi nilang sabi
"Huy tumahimik nga kayo daming tao eh" sabi ko na lang nakakahiya kaya nag titinginan na yung mga tao
After ng asaran na yon tinext ko na si bei dahil aalis na din daw sila at mamimili pa, dumating na,an si bei
"Hi ate ji" sabi ni bei and bumeso sa kanilang tatlo, sila naman may mga pang asar na ngiti
"Oh" sabi ko kay bei sabay bigay sa kaniya nung inorder kong ice coffee sa kaniya
"Thank you" sabi niya sa akin
"Kain muna ikaw bei bago kayo umalis" sabi ni ate jia and tumabi sa akin si bei
"Ate ji, bisita daw kayo minsan sa bahay sabi ni dad namiss na daw niya makibonding sa inyo nila kuya miguel sama ka na daw mich and maddie"sabi niya at sumubo ng cake
"Awww namiss din ba ako ni alicia?" Tanong ni ate ji
"Hindi, wala namang sinabi yon eh, nga pala jho si jaja nag pahatid sa akin kela vanie at faith doon daw matutulog" sabi niya sa akin
"Ano! Ni hindi man lang tinanong kung papayag ako?" Sabi ko sa kaniya
"Eh pinayagan ko eh, sorry na" sabi niya sa akin
"Aish fine ano pa magagawa ko eh nandoon na siya" sabi ko sa kaniya after niyang kumain umalis na kami
"Teka bei hindi naman to yung daan papuntang bahay namin eh" sabi ko sa kaniya
"Hindi naman tayo uuwi doon ngayon, mag sasaya tayo ngayon at gusto ko din makapag relax relax ng wala si aliciang mapang asar" sabi niya
"Eh san tayo pupunta? Wala akong damit oh isa pa hindi tayo nag paalam" sabi ko sa kaniya
"Nag paalam na ako kay mommy and kay tita pinalayas ka na nga eh ayan oh damit mo sa likod" sabi niya sa akin and napatingin ako puro bag ko tsaka bag niya
"Ano to mag tatanan ganon?" Tanong ko sa kaniya
"Tanan? Hahaha beh may tanan bang pinagpaalam sa magulang? Tsaka isa pa di ko magagawang itanan ka no" sabi niya
"At bakit?" Sabi ko sa kaniya
"Kasi hihintayin ko yung tamang oras at panahon kung kelan handa ka na at handa na tayong magsama talaga at bumuo ng pamilya kasi hindi ko ipipilit yon agad agad na papakasalan kita tsaka mag iipon muna tayo ng saving natin para sa bubuuin nating pamilya at ang bahay na uuwian nating pamilya" sabi niya sa akin at hinawakan ang kamay ko
"Buti naman at ganyan setting ng utak mo hahaha" sabi ko sa kaniya
"Ay grabe settings? Ano to cellphone na mag shushutdown lang pag pagod na? Hahahaha" pag bibiro niya
"Ikaw talaga kahit kailan may pag kapilosopo ka" sabi ko sa kaniya
"Beh, hindi ko maipapangako sayo na magiging maayos yung relasyon natin pero sisiguraduhin ko na at the end of the day gagawan natin ng paraan para maayos yung maliliit na problema, wag mo lang ipagawa sa akin yung problema ni alicia at hindi ko talaga gagawin yon" sabi niya
"Opo sir! Aayusin natin to ng sabay" sabi ko naman sa kaniya at pinisil yung pisngi niya
"And nga pala hinto muna ako sa pag ba basketball" sabi niya sa akin and nagulat naman ako doon
"Teka bakit? Nakakatak na yung pangalan mo sa basketball world tapos hihinto ka?" Sabi ko sa kaniya at nakakunot yung noo ko habang sinasabi sa kaniya yon
"Idol ko kasi si dad eh sa totoo lang kaya gusto kong mag volleyball" sabi niya at mas lalong kumunot yung noo ko doon
"Ha? Bakit ba gusto mo ng lumipat? Pwede namang mag stay ka ha" sabi ko sa kaniya
"Pero pwede naman siguro yon hahaha ipapasok ko sabay palo tas ikaw cheerer tuwing gabi" sabi niya and I heard him chuckle. Napaisip naman ako sa sinabi niya at nung nagets ko pinaghahampas ko siya
"Aray!" Sabi niya sa akin
"Bwisit! Bwisit!" Sabi ko sa kaniya and umirap
"Hahaha sorry na labyow!" Sabi niya sa akin
"Tsk! Kalokohan mo!" Sabi ko naman sa kaniya "labyow too!"
BINABASA MO ANG
HOPIA PAMILYA (ad,jb,jd)
FanfictionHopia na kung hopia atleast may ship😝 Hindi po to real story and gagawin ko po sa story is one family lang po sila ok? Well kung tutuusin meron din namang ginagawang pamilya silang anim kaya try ko din gawan ng story try lang po eto don't expect na...