Ang pagpayag

10 6 0
                                    

Talong araw ng pabalik balik si Yeros para ipagsibak ng kahoy,iigib ng tubig,taga sadol ng lupa,taga dilig at taga lako ng kanilang gulay.

Natutuwa si Susa dahil lahat yon ay mahusay nyang natatapos at mabilis ding natatapos.

May pag-asa itong magtagumpay na makuha ang tiwala ng lola.

Pero may alin langan parin naman sya kay Yeros,hindi nya pa alam ang buong pagkatao nito.

Dinalhan nya si Yeros ng tubig ng dumating ito galing sa paglalako ng gulay.

Nang iaabot nya ito,tumingin ito sa kanya tulad ng lagi nyang ginagawa at ngingiti.

Nag-uusap sila sa kanilang titigan.

Aalis na sana si Susa ng biglang nay sumigaw galing sa labas.

"Lola woyang! Lola woyang!"

Tingin nya bata ito.

Sumisigaw ito ng pagkalakas lakas

Kaya binuksan nya ang pinto ng tarangkahan.

"Oh ano yon,kaloy?"

Huminga muna ng marami ang bata bago nagsalita

"Nasaan po si Lola Woyang?"

Taning ni Kaloy

"Nandito,bakit?"

"Sabi po kasi ni inay inay na hihinga daw ako dito ng malunggay"

Tumaas naman ang kilay ni Susa

"Ano pa?"

Tanong nya

"Yon lang po"

"Aba kaloy,hihingi ka lang naman pla ng malunggay pero hinanap mo pa si lola ahh"

"Ehh gusto ko po sya kumuha eghhh"

"Sya pa kukuhain mo,ehh hindi na maabot ito ni lola"

Napatingin si Kaloy sa puno ng malunggay na sobrang taas.

"Ayy ang taas nga nyan hehehe"

"Ito lang maabot ko,kaya mo ba yang akyatin?baka mahulog ka?"

"Oo naman ate Su-

"Wag na,ako nalang,baka mahulog ka bata"

Sabi ni Yeros

"Sino po kayo?"

Napatingin naman ang binata sa dalaga

"Kayo po ba ang tinutukoy nila inay na pogi na manliligaw ni Ate Susa?"

Mayabang nitong tanong

May pagkapelyo din kasi si Kaloy,kahit gusgusin naman ito.

Pero hindi nila ito sinagot

Nagsimula ng umakyat si Yeros

"Baka mabali yan,mahulog ka pa"

Anya ni Susa

"Ate yan ba? sabi nila inay pogi daw he hindi naman"

Tiningnan sya ng dalaga

"Talaga?"

Medyo natatawa nitong tanong

"Mas pogi naman ako dyan ehhh tingnan mo"

Bago ito ngumiti

Napangiti nalang si Susa

"Oo na pigi ka na"

Tumingin ito sa itaas

Pababa na si Yeros

"Ayos na ba toh?"

Tanong ni Yeros

Ala ala ng unang Pag-ibig (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon