Torn between Rivals 8

753 25 6
                                    

[15]

 

...Fretzie’s POV...

 

Dahil sa curiousity ko kung anong mayroon kina JG at Chloe, gustung-gusto ko tuloy malaman kung bakit siya hinarang kahapon ni Chloe. Hindi ko nga rin ma-explain pero super curious talaga ako.

Ka-text ko na nga si JG kanina dahil tinanong niya kung anong gusto kong pag-usapan dahil nga sinabi ko sa kanya kanina na mag-usap kami bukas. Wala naman akong nasabing matino... Sabi ko wala lang. Ano kaya yun? Natakot ata ako na malaman na may relasyon siya... Tsss...

Teka lang! Saan namang lupalop ng mundo nanggaling yon?! Bakit naman ako matatakot na malaman na may relasyon sina JG at Chloe??! Grr!

Curious ka lang, Jessie! Uh... I mean, Fretzie pala! Haaay!

“Fretzzzzzzzzz!!!!!! May bisita kaaaaaaaa!!!!!!” Narinig kong malakas na sigaw ni mommy. Napabalikwas tuloy ako at dali-daling tumayo. Lumabas nga ako ng kwarto ko at bumaba sa may sala.

Si Ivan lang pala... Teka, bakit LANG?! Eh, mahal ko itong lalakeng ‘to!!!

“Anong ginagawa mo dito, Ivan?” Tanong ko agad sabay upo sa single couch. Samantalang si Ivan naman ay nakaupo sa mahabang sofa.

“Bakit ka ba nandyan? Dito ka nga sa tabi ko.” Sabi niya, tapos sinenyasan niya ako na maupo sa tabi niya. Tumayo naman ako at umupo sa tabi ni Ivan. “Ayaw mo ba akong makita?” Sabay tanong niya.

“Uh... Hindi, ah! Sinong may sabi?!” Parang ninenerbiyos na sabi ko. “Teka lang, ako ang unang nagtanong, ha! Bakit ka nandito?” Ganti ko naman.

Ngumiti muna siya... Heaven... Haaay. Ang gwapo talaga ng nilalang na ito. “Gusto ko lang dalawin ang bestfriend ko. Masama ba yun?”

“Wala akong sakit.” Medyo seryosong sagot ko. Natigilan kaming pareho. “Eh, may dala ka bang chocolate?!” Pag-iiba ko ng usapan, para naman hindi na mailang si Ivan. Ano ka ba naman kasi, Fretzie!

Ngumiti ulit si Angel... Eh, Ivan pala... Kasi naman! Para na akong nasa heaven kapag nangiti siya! Kapag ganito ang bestfriend mo, mai-in love ka talaga, eh! Ginulo niya ang buhok ko. “Wala, eh. Nakalimutan ko.” Sagot naman niya.

Tumawa ako habang nakatitig lang siya sa akin. “Okay lang. Joke lang naman yun. Hehe. Pero sa susunod, wag mong kakalimutan, ha?” Biro ko na naman. Hindi mo naman siya manliligaw, Fretz! Bakit naman siya magdadala ng chocolate para sa’yo?! Tsss.

“Okay. Promise, hindi ko kakalimutan.” Sincere na sabi ni Ivan.

“Joke lang ulit yun.” Sabi ko naman sabay tawa.

“Well... Seseryosohin ko yun. Anyway, I want to give you something. Buti na lang nabanggit mo ang chocolates.” Nginitian niya ako. “Hazelnut pa rin ba ang favorite mo?” Tanong pa niya. “Oh! Favorite mo din nga pala ang Macadamia, di ba?”

Torn between RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon