Torn between Rivals 7

912 20 7
                                    

[13]

 

...Fretzie’s POV…

 

Nakakaasar! Grabe na ‘to! Hindi ko na kaya ang pandededma niya sa akin! Tatlong araw na niya akong hindi kinakausap o nginingitian man lang! Ano ba kasing problema niya?! Hindi na nakakatuwa, ha!

At bakit ba asar na asar ako dahil lang hindi niya ako pinapansin o kinukulit!? Dapat nga matuwa ako, di ba? Dapat maging masaya na ako at hindi na niya ako ginugulo! Pero kasi... Hindi ko alam! Siguro ayoko lang talaga nang may hindi ako kasundo... Haaay! Waaaa!

James Gabriel Kurt!!! Namumuro ka na sa akin, ha!

“James!” Napalingon ako nang marinig ko ang pangalan na iyon. Nakita ko si Enrique na umakbay kay James, medyo malayo sila sa akin, tapos napatingin sila sakin. Ngumiti si Enrique samantalang walang kaemo-emosyon ang mukha ni James. Grr! Tumalikod na ako at dumiretso sa room ko.

Nang makaupo ako sa pwesto ko ay matahimik na pinag-isipan ko kung pa’no ia-approach si JG. “Huy, Fretz!” Nagulat ako nang may tumapik sa balikat ko. Napatingin ako sa katabi ko.

“Bakit?” Tanong ko kay Lauren.

Nangunot ang noo niya, mukhang frustrated. “Anong bakit? Eh, pagdating mo mukhang malalim na ang iniisip mo. Ni hindi mo nga napansin si Ivan, eh.” Nabigla ako. What??? Nandito si Ivan???!

Iginala ko ang mga mata ko, tapos nakita kong nasa unahan ko pala si Ivan. “A-anong ginagawa mo dito?? Kanina ka pa ba dyan??”

Ngumiti siya. “Ano ba namang tanong iyan, Fretz. Mukhang malalim nga ang iniisip mo.” Sabi ni Ivan tapos nagsmile ulit siya. “Kanina pa ako dito. Hinihintay kasi kita, eh.” Tumayo si Ivan mula sa kinauupuan niya. “Labas muna tayo?” Yaya niya sa akin.

Huh?? Hinihintay niya daw ako! Bakit naman kaya? Teka... So, ayun nga. Tumayo ako, tapos hinawakan niya ang kamay ko.

“Lalabas lang kami, Lauren.” Paalam niya pa kay Lauren, tapos hinigit na niya ako sa labas.

Habang naglalakad kami, nakatitig ako sa magkahawak naming kamay. Waaa! Holding hands while walking!!! 5 points for Fretzie!! Nang makarating kami sa labas, umupo kami sa stairs. Hindi pa din niya binibitawan ang kamay ko, pansin ko lang. Pero... Hindi talaga iyon ang gumugulo sa isip ko, eh... May bumabagabag sa akin. Ayan na naman! Ume-epal na naman si JG sa utak ko, o! Pa’no ba niya nagagawa yun?!

“So... Ano bang iniisip mo?” Tanong agad ni Ivan. Napatitig na lang ako sa kanya.

“Ha?” Wala sa sariling tanong ko.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko, napatingin na lang ako sa kamay namin na magkahawak pa din. “May problema ba, Fretz? Wala ka talaga sa sarili mo.” Ngayon, natauhan na ako. Napatitig ako sa nag-aalalang mukha ni Ivan...

“O-okay lang ako...” Mahinang sabi ko. “Sorry, Ivan.”

Torn between RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon