Torn between Rivals4

951 22 3
                                    

[07]

 

Pabalik na ako sa cafeteria after kong mag C.R.

“Jessie!” Natigilan ako nang marinig ko ang boses na iyon. Hindi ako lumingon, basta huminto lang ako sa kinatatayuan ko. Si PJ lang ang tumatawag sakin ng Jessie dati. Pamilyar ang boses, pero hindi ko alam kung ikukunot ko ba ang noo ko o ano ba?

Nakarinig ako ng mga yabag palapit sakin. Nagimbal ako nang makita ko kung sino ang lalaking tumawag sakin at bigla na lang akong inakbayan. Nakangiti siya at ang yabang talaga ng dating. Napakunot ang noo ko nang ngitian niya ako. “Anong itinawag mo sakin?!” Iritang tanong ko.

“Jessie! Di ba Jessica naman ang pangalan mo? Fretzie Jessica Velarde?” Nakakaasar talaga yung ngiti nang James na ‘to! Ang yabang kasi ng dating! Grr!

“Pa’no mo nalaman ang pangalan ko?! Stalker ka ba!?” Sigaw na tanong ko. “At pwede ba! Wag mo nga akong akbayan! Isipin pa nila nagde-date tayo!” Reklamo ko habang tinatanggal ang braso niya sa balikat ko. Nang matanggal ko ang braso niya, umakbay na naman siya. Bwisit na lalaki ‘to!

“Una, hindi ako stalker. Ang gwapo ko kaya! Kaya secret admirer! Pero since, kilala mo na ako admirer na lang!” Nakakairitang ngumiti na naman siya. Loko talaga ‘to! “Pangalawa, swerte mo nga kung isipin man nila na nagde-date tayo, eh. Gwapo naman ako!” Pagmamalaki pa niya.

“Ang hangin!!! Grabe!” Maktol ko na lang, tapos inirapan ko siya. Tapos may naalala ako. “At bakit mo nga pala kausap si Kyra! Eh, iba naman ang department niya! Wag mong paglalaruan si Kyra dahil friend ko siya!”

Nag grin bigla si James. “Uy! Selos!!!” Malakas na pang-aasar niya. Hinampas ko  siya sa balikat. “Wag ka nang magselos! Tinanong ko lang naman sa kanya kung anong pangalan mo, eh. Wag kang mag-alala! Di ko siya pinopormahan! Ikaw lang!” Pagbibiro niya. Hinampas ko ulit si James.

“Sira-ulo ka! At ba’t naman ako magseselos! Ang kapal talaga ng mukha mo! Kay Kyra ka na nga lang! Kahit ipagkalat mo pa sa buong mundo na girlfriend mo siya, ayos lang!” Sigaw ko, tapos nagsimula na akong maglakad papasok nang cafeteria.

“Sus! Alam ko namang nagseselos ka, eh!” Pangungulit pa din ni James. Tapos sinundan niya ako. Tumigil ulit ako nang nasa pinto na kami ng cafeteria, tapos hinarap ko siya.

“Bakit mo ba ako sinusundan?!” Pasigaw na tanong ko. Grabe! Nakakairita at nakakayamot talaga ang isang ‘to!

Tumaas yung kaliwa niyang kilay. “Sinong may sabing sinusundan kita? Nadito kaya ang mga kasama ko.” Tapos nag smirk naman siya. “Ikaw, ha. Nagfi-feeling ka na sinusundan kita!” Pang-aasar na naman niya.

Walastik talaga! Nakakaasar! “Bahala ka nga! Ewan ko sa’yo!” Sabi ko tapos naglakad na ako diretso kina Lauren. Nakakainis!!! Grabe!!! Ang lakas ng topak ng James na yon!

Teka! Pa’no niya nalaman na kilala ako ni Kyra!? Stalker talaga ang isang iyon! Bwisit!!! Kumukulo ang dugo ko sa lalaking yon, eh!

“Oh, ba’t ka naman nakasimangot?” Tanong agad ni Empress nang umupo ako sa tabi ni Lauren. Siya kasi ang nasa harap ko.

Torn between RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon