KABANATA 3

2 1 0
                                    

"Arianne, ishot mo na yan!", sigaw ko sabay abot ng isang kopitang may laman na tequila.

Ramdam na ramdam ang tensyon sa loob ng dibdib ko. Hindi ko alam kung dulot ba ito ng tugtog mula sa bar, kung epekto ba ng alak na naghalo na sa loob ng pagkatao ko, o dahil alam kong nakatitig siya sa akin mula sa malayong pwesto niya.

Pinilit kong hindi mabahala sa titig niya. Pinilit kong magmukhang hindi apektado. Pinilit kong maging ibang tao, alang-alang sa ginawa ko sa gabing ito.



Lingid sa kaalaman kong hindi ako dapat apektado sa nangyari kanina, ngunit hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko magawang labanan ang mga titig niya.

Takot. Pangamba.

Isa sa mga hindi maipaliwanag kong damdamin, na parang isang batang nagsisinungaling at natatakot mahuli. I've never been so bothered like this in my entire life. And it frustrates me dahil hindi ko alam kung bakit. Was it the hormones in me?

Tumalikod ako sa gawi niya upang makaramdam ng kaunting kapanatagan. Tumatambol ang tibok ng puso ko, kasabay ng malakas na beat ng tugtog. Sabayan pa ng lalong paglakas ng hiyaw ng mga tao sa bar dahil sa pagpalit ng panibago at mas maingay na kanta.

"Marion..."

Isang pamilyar na tinig mula sa aking likuran ang narinig ko. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy na lamang sa aking pagsayaw.

I have never been this sensitive. All of these are not new to me, pero ngayon lang talaga ako nanghina ng ganito.

"Marion...", muli nitong bulong mula sa aking likuran. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya mula sa likod ngunit hindi ko ito binigyang-pansin at ininom muli ang drink na hawak-hawak.

I always dance kahit hindi ako lasing. I've been with showbiz people, businessmen, bachelors, ngunit ngayon ko lang talaga naramdaman ang matinding tensyon mula sa kasayaw.

Hindi ko pa rin ito nililingon. I'm scared. Natatakot ako sa mga mata niya. His eyes are damn possessive, hypnotizing, and it makes me feel weak.


Inari niya ang aking baywang na parang kanya at iniharap sa kanya. Napaawang ang aking bibig sa kanyang inasta ngunit nagpatuloy pa rin ako sa pagsayaw dulot ng excitement na bunga ng alak. I'll never drink like this again. Ever!


Hinarap niya ako sa kanya. And all I see is him, swallowing me emotionally. I can feel his anger. An anger that I can't explain why. Why does he feel angry with me? Did I do something that made him mad?

Oh well, boys like him are grumpy. Talagang ikaw ang mag-aadjust sa kanilang mga ugali. He's a never-ending tale of hate, control, and despise.

Nakakatakot ang kanyang mukha. It's too intoxicating and intimidating. He's too handsome. He's too serious.

"Stop drinking. You're tipsy.", pagpigil nito nang makakita akong muli ng alak sa countertop.

Nakaramdam ako ng pagkahilo ngunit hindi ko ito inalintana. Marahan akong naglakad palabas ng bar upang magpalamig. It's damn hot when I'm beside him.

Hinawakan niya ang aking palapulsuhan ngunit agad ko itong binawi sa kanya. I can feel his damn breathe kahit na malayo ako sa kanya.


The cold breeze of La Union started to get colder as the waves sways back and forth. Rinig ko pa rin ang tugtog na mula sa loob ng bar ngunit sigurado akong mas malakas ang tibok ng puso ko. Pareho naming hinahabol ang aming mga hininga; which suddenly made me want to memorize everything.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wintermelon Memoirs [Edited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon