Chapter 2

7 0 0
                                    

                Naggagawa ng mga beauty experiment si mama. Nang biglang dumating dumating  ang step dad ko.

“Honey, pakinggan mo ito. Magaling siya. Pwede maging next icon ng Slap fm” Sabi ng step dad ko. Pinakinggan naman ni mama.

“Tama ka nga honey! Nakakarelate ang mga sinasabi niya. Pwede siyang maging next icon ng Slap fm, Ay tanong mo na lang kaya si Kate.” Sagot ni mama.

“Si Kate?” tanong ng step dad ko. “Oo, parang bonding niyo na bilang magtatay. Sagot ni mama.

                 Umakyat na and step dad ko. Kumatok sa aking pintuan. Binuksan ko ang pinto. Nagulat ako kasi hindi ko akalain na pupunta siya sa kwarto ko. Tinanong niya ako kung kamusta na daw ako. Sagot ko naman sa kanya “Ok lang”. Isinara ko na sa pinto ko pero kumatok  siya ulet tapos dirediretso siya at umupo sa kama ko.

  “Kate, nakakatuwa lang isipin na parehas tayong nakikinig kay Radio Rebel at parang nagbobonding na tayo.” Sabi niya.

Hindi na ako nakasalita kasi kinakabahan ako dahil nagd-DJ pa ako kaya ngumiti na lang ako sa kanya. Makalipas ilang minuto nagtaka siya tumigil ang tugtog ni Radio Rebel. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko kaya bumalik ako sa pagd-DJ. Nung nagsasalita ako nagulat ang step dad ko sa akin. Nakakanganga siya.  Nagplay ako ng kanta sa fm station. Tumayo ako at tumingin sa kanya.

“Ikaw si Radio Rebel? WOW! Di ako makapaniwala, akala ko mahiyain ka. Dapat malaman ito ng mama mo kasi ikaw ang next icon ng Slap fm.” Tuwang tuwa niyang sinabi. Samantalang napatahimik ako. Bumaba siya kay mama para sabihin iyon. Makaraan ang ilang minute umakyat si mama sa kwarto ko tuwang tuwa.

“May gosh anak ikaw na ang magiging next icon ng Slap fm. I’m so proud of you!” sabi ni mama.

                Hindi talaga  ako makapagsalita noon. As in wala miski isang salita ako lumabas sa aking bibig.

(KINABUKASAN)

                Pagkatapos ng pasok ko dumiretso kami ng step dad ko sa Slap fm. Ilang minuto makalipas, nasa Slap fm na kami. Inaayos na ng step dad ko ang schedule ko sa pagiging DJ. Pagkatapos niyang ayusin ang schedule ko nilibot naming ang Slap fm. Tinuturo niya sa akin ang mga nagging DJ na doon.

“Yan, Si DJ Papa Martin. Siya ang papalitan mo. Malilipat siya tuwing weekend.” Sabi ng step dad ko. Lumingon siya pero laking gulat niya na nawala ako. Hinanap niya ako. “KATE! KATE!” sigaw niya.

                Sa sobrang kaba ko ay nakapasok ako sa Café Room. Nakita ko ang assistant ng mga nagd-DJ doon. 

“Hey! Kilala kita ah. Ikaw ung bata nung Christmas Party na napakahiyain. Alam mo ba nagulat ako noong nalaman ko na ikaw si Radio Rebel. BTW I’m Liz” Sabi niya. Nagtago agad ako sa likod ng ref. Pagkalingon niya, nakita niyang wala na ako sa likod niya. Sabi niya “Kate?”

“Sa harap pa lang ni Jeremy hindi na ako nakapagsalita, ito pa kayang nasa maraming tao na nakikinig sa akin?” sinasabi ko sa sarili ko.

“Kate, lumabas ka kung saan nakikita kita.” Sabi ni Liz.

Pinayuhan niya ako. “Tara sumama ka sa akin papakita ko sa iyo ang studio mo.” Sabi ni Liz. Sumama ako sa kanya hanggang makarating kami ng studio 4. Kinakabahan ako nung nakarating na kami. Binuksan ni Liz ung pinto. Pumasok ako, laking gulat ko nung nakita ko ung studio ko.

“Wow as in wow! Grabe! Studio ko talaga ito? Oh My Gosh, ang laki niya at kumpletong kumpleto siya sa gamit.” Sabi ko.

“Oo. Simula ngayong sa iyong sa iyo na ito. Ito ang upuan mo.” Sabi niya. Edi syempre umupo na ako dun. “Eto ang microphone mo, ung Headphone mo at ito ang List ng mga kantang maari mong patugtugin.” Dagdag niya pa.

“Grabe! Ang daming kanta nito. Parang milyon na ang mga kanta dito ah.” Sobrang saya kong sinabi.

Tinuro na ni Liz sa akin ang lahat ng gamit doon na maaari kong gamitin. Ilang minute mago-on air na ako.

“You’re up……….. In………………..

5…….

4…….

3…….

2…….

1…….”

Sabi ni Liz. Nagbuntong hininga muna ako.

“Good Evening. Good Evening to all. This is your Radio Rebel. Moving from my bed to this studio is kinda hard but this place was awesome…..”

“This your Radio Rebel signing off”

.Nothing Is Impossible.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon