Chapter 4

6 0 0
                                    

“KATE! Nakita mo ba ito. Ang kagrupo mo sa play ay sina Jeremy at Margo” sani ni Stacy.

               Lumapit ako kay Jeremy. Hindi ako makasalita, umuurong ang dila ko.

“Hey! (tumingin sa damit ko) I love that band, You First.”sabi ni Jeremy sa akin.

“Really? Love them too.” Sagot ko naman.

“You should listen to RED LETTER DAY!” sabi niya sa akin.

                Dumating si Margo binigay ang script naming at sinabi kung anong role namin. At sinabing walang maguusap yungkol sa mga banda. Focus muna sa play at magstart ng praktis mamayang lunch.

(LUNCH TIME)

               Sabay kaming dumating ni Jeremy, kasunod lang naming si Margo. Sa auditorium kami nagpapraktis. Nakailang ulit na kami pero hindi pa rin nakakabuo. Kaya nagyaya si Margo sa kanila pero hindi ako pumayag na pumunta sa kanila. Sabi ko “Sorry meron kaming dinner ngayon with my whole family.” Nagpraktis kami ulit. Kinut ni Margo yung scene naming ni Jeremy na makadikit ang noo.

“Ok cut. Parang may hindi maganda diyan ehh.” Sabi ni Margo. Nilipat ako sa may likod, malayo kay Jeremy. May gusto akong sabihin pero d ko masabi.

“Wait. Kate may gusto ka bang sabihin?” sabi ni Jeremy.

“Everything is fine, right Kate?” sabi naman ni Margo.

               Nagsalita ako kung ano ang nais kong sabihin sa tulong ni Jeremy. Nasagot ko si Margo at nasabi “you’re my no. 1 fan”. Nainis si Margo at umalis sa auditorium at sinabing may praktis kami ng lunch time bukas.

               Dumiretso ako sa Studio ko para maglive. Makaraang ilang minute nagsimula na ako. Madame ang mga callers na tumatawag. Pagkatapos ko silang bigyan ng payo ay tumungo na ako sa pagtutugtog ng kanta, nasabi ko ang “you’re my no. 1 fan”. Hindi ko naman akalain na nakikinig si Margo. Kaya pumunta siya sa bahay naming.

(KUMATOK SI MARGO SA PINTO)

“Hi. Mrs. Vivian. Andyan po ba si Kate?” tanong ni margo.

“Sorry, Iha wala siya ngayon eh” sagot ni mama.

“Mga anong oras po kaya siya makakauwi? May group project po kasi kami” tanong pa ni Margo.

“Hindi ko alam eh. Gusto mong itry tong experiment ko na cuticle remover?” sagot ng nanay ko. Hindi na nakapalag si Margo.

(KINABUKASAN)

                  Lumapit agad sa akin si Margo. “Ikaw si Radio Rebel” sabi niya. Nagulat ako pero Todo deny ako sa kanya. Kaya pinagpasyahan niya na magpaparty sa bahay niya lahat pwede punta. Kung sino man ang hindi sumipot magkakaalaman na kung sino si Radio Rebel.

“Margo. Hindi ako ….” Sabi ko. Bigla siyang sumingit. “Hindi ka uhmm?” sabi ni Margo. “Later, 7pm.”

              Pumunta na lahat ng mga estudyante at ilang minuto na lamang ay wala pa ako. Nagtaka na sina Margo noon. Laking gulat niya nung umattend ako.

“I’ll keep my eye on you.” Sabi niya sa akin.

              Nasa living room na kami lahat ni Margo at oras na para mag-on air si Radio Rebel.

“Tatawag ako kay Radio Rebel” sigaw ni Margo.

              Nakausap niya si Rebel. Ilang minute ay nagtataka na siya kung bakit paulit ulit ang mga sinasabi ni Rebel. Tumingin siya sa living room at nakita niya nawala ako. Umikot ako sa buong bahay ni Margo para lang hindi niya malaman hanggang nakarating ako sa kwarto niya. Bigla niya binuksan ung pinto ng kwarto niya.

“Anong ginagawa mo ditto?” tanong ni Margo.

Sabi ko. “Tinitignan ko lang mga litrato mo.”

“Ok na yan, umalis ka na ditto.” Sabi niya.

               Bumaba na kami para pakinggan ung grupo ni Jeremy na kumanta. Lumapit ako kina Stacy. (Kumakanta sina Jeremy) Dumaan si Margo na sinasadyang sanggain si Stacy at nabasa siya.

“Anong problema nio? Binasa niya ako”. Sabi ni Margo.

“Hindi ko sinasadya yun Margo” sabi ni Stacy.

“Alam mo Margo ikaw may problema. At hindi yun sinadya ni Stacy. Aksidente lang iyon.” Sabi ko.

              Bumalik sa loob ng bahay si Margo para magpalit ng damit.

“Parang nahahawaan ka na ni Radio Rebel ah. Thank You ah.” Sabi ni Stacy.

               Niyakap niya ako at nagpasalamat ng nagpasalamat.

(TUMUTUGTOG SINA JEREMY)

.Nothing Is Impossible.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon