Chapter 1

10 1 0
                                    

"Hoy 'wag na lang kaya natin ituloy?" Biglang tanong ni David na ikinalingon namin sa kaniya.

"Oo nga bumalik na lang tayo, malapit ng dumilim oh." Segunda ni Lion.

Mga duwag ba sila?

"Kalalaki niyong tao, mga takot ba kayo ha? Wala pa nga tayo sa kalagitnaan ng gubat nagrereklamo na kayo." Sita ni Trisia.

Napatawa na lang kami sa mga mukha nung dalawa, para kasing pinagsakluban ng langit at lupa dahil hindi napagbigyan. Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad kahit na medyo mahirap lakarin dahil sa mga nagsisitaasan ng mga damo hindi na din masyado makita ng malinaw yung daan.

Napagkasunduan kasi naming magkakabarkada libutin itong na gubat malayo sa bayan.

Katulad ng sabi ni Lion, nagsisimula ng dumilim. Nagsisimula na ding lumamig. Napahawak ako sa magkabila kong balikat nang may biglang naglagay ng jacket doon. Napatingin ako kung sino ang may-ari non, si Prince pala. Nginitian ko na lamang siya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Nadako ang paningin namin sa isang imahe sa di kalayuan.

Ano ito?

Isang bahay? Mansion?

Nang palapit na kami sa imaheng iyon ay nahagilap ng mata ko ang nakaukit sa may labasan doon.

Hotel?

Pinasadahan ko ng tingin ang Hotel na iyon. Tila parang iba ang ihip ng hangin sa lugar na ito.

Parang may kakaiba.

"Papasukin ba natin? Huwag na kaya?" Ramdam ko ang takot sa boses ni Zhian. Siguro katulad ko ay pansin niya din na merong kakaiba sa hotel na ito.

"Pati ba naman ikaw duwag?" Iritadong tanong ni Trisia, kahit kailan talaga napakamaldita. Sinamaan na lang siya ng tingin ni Zhian.

"Pasukin na lang natin. Sayang naman yung pinunta natin dito kung hindi natin papasukin." Suhestiyon ni Trev na ikinapayag naman ng ilan.

Nagsimula na kaming pumasok. Nasa bukana palang kami parang may ayaw magpapasok.

Hanggang sa loob ay masukal padin.

Madilim.

May kakaibang hangin.

Nakakakilabot.

Masyadong malaki at malawak ang hotel, hindi namin malilibot kung magkakasama kami lahat kaya naisipan naming hatiin sa tatlong grupo...

David
Lion
Zhia
Shin

Zy
Zhian
Trev
Trisia

Brix (ako)
Prince
Calyx

Binuksan ko ang phone ko para maging ilaw sa mga dadaanan. Alas sais na pala.

Nagsimula na kaming maglibot kada grupo. Flashlight lang ng aming cellphone ang natatanging ilaw na meron kami.

Sa tagal ng paglilibot namin nakarating kami ng grupo ko sa 2nd floor. Kung sa labas ng hotel na ito ay kakaiba na ang pakiramdam ko, mas bumigat pagkatungtong namin dito sa 2nd floor. Parang may nakamasid sa amin, madami.

"Ayos ka lang ba?" Napatingin ako kay Prince, katabi nya si Calyx na nakatingin din sakin. Nginitan ko sila at tumango.

"Oo ayos lang ako."

"Kanina ka pang parang di mapakali." Sabat ni Calyx.

"Wala 'to."

Nadako ang tingin ko sa room 013, parang may kakaiba sa kwartong yun. Kinikilabutan ako.

Unti-unti akong lumapit don kasabay ng paglakas ng kabog ng dibdib ko. Nagsisimula ng mamawis ang kamay ko.

Dahan-dahan kong pinihit yung doorknob-

"AAAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!"

The Hotel Of MarchescaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon