Nagkatinginan kaming lahat ng marinig ang sigaw na yun. Agad na napakapit sakin si Zy, bakas sa mukha ang takot.
“Sino yon?”
“May iba pa bang nandito bukod sa atin?”
“Hanapin na lang kaya natin kung saan galing yung sigaw na yun.” Suhestiyon ni Zhian kaya pumayag na lang kami.
Tahimik kaming naghiwa-hiwalay ngunit hindi pa man kami ganoong nakakalayo sa pwestong pinanggalingan namin nang makarinig kami ng malakas na kalabog na parang may bumagsak.
Tangina.
Ano yon?
Nagmasid-masid ako sa paligid, ngayon ko lang napansing madaming gamit ang nakatambak dito.
“Guys, ano 'to?” Rinig kong tanong ni Lion. Dumiretso kami sa pwesto niya, kasama niya sila Shin.
“Alin ba pre?”
“Ito.” Pansin naming tinutukan nya ng liwanag ang parang likidong nagsisimula ng gumapang sa sahig.
Napakunot ang noo.
Marahan akong pumababa para malaman kung anong klasing likido ito. Walang pagaalinlangang inilapat ko ang mga daliri sa likidong iyon at dahan-dahang inamoy.
Medyo amoy malansa..
Pansin kong mapula ang likidong ito.
Dugo?
Tangina pano?
Hatalang sariwa pa ang dugo dahil hindi pa ito natutuyo.
Sinundan ko ng liwanag ng flashlight ko kung saan ang pinagmumulan ng sariwang dugo na iyon.
Cabinet?
“Boys.” Tawag ko sa mga kasama naming lalaki kaya napatingin sila sakin.
“Makikisuyo naman ako, pakibuksan nga yung cabinet na yun.” Turo ko sa pwesto non.
Hindi naman sila nagreklamo at agad na pinuntahan ang cabinet na tinuro ko.
Hindi nagtagal ay binuksan na rin nila ito—
Putangina.
Laking gulat namin ng makita ang laman non. Napaatras ang mga lalaki matapos nilang buksan ang cabinet na iyon.
Rinig ko ng nagiiyakan ang mga babae.
Medyo lumapit ako at tiningnang maigi ang laman nito.
Isang katawang wala ng buhay at napapaliguan ng dugo.
Bali bali ang bawat piraso ng katawan at pinilit na pagkasyahin sa maliit na cabinet.
Nang medyo mapalapit pa ako ng kaunti napansin ko ang suot niya..
C-calyx.
Medyo napaatras ako habang nakatingin sa katawan niya.
“W-wala na si Calyx.” Ani ko.
“Ano?” Takang tanong ng katabi ko, si Hexia.
“Tingnan niyo yung damit nung bangkay.”
"K-kay Calyx yan."
Mas lalo pang nagsiiyakan ang mga babae sa natuklasan namin. Ang mga lalaki ay gulat ma'y pinapatahan na ang mga babae.
-----
Palaisipan pa rin sa amin ang nangyari kay Calyx. Kung paano umabot sa ganon. Kung anong dahilan kung bakit siya pinatay.
At lalo na..
Sino ang pumatay?
BINABASA MO ANG
The Hotel Of Marchesca
Mystery / ThrillerIsang magbabarkada ang napagkasunduang maglibot sa kagubatan hanggang sa matagpuan nila ang isang hotel, abandonadong hotel. Isang hotel na nasa kalagitnaan ng kagubatan. Isang hotel na napapalibutan ng masusukal na mga damo Papasukin kaya nila ang...