Chapter 3

4 1 0
                                    

“Zandra? Hexia?” Taka naming tawag sa kanila.

Sila yung dalawang imaheng nahagip ng ilaw ng flashlight ko kanina.

“Paano kayo nakapunta dito?” Tanong ni David.

“Eh kasi hinahanap namin kayo kanina. Pumunta kami sa tambayan natin kaso wala kayo doon buti na lang nakita namin si Mang Elmer kaya tinanong namin kung nasaan kayo tapo ayun inihatid na kami dito. " Litanya ni Zandra habang tatango-tango lang si Hexia.

Kaya pala..

Napagpasyahan na naming umalis at lumabas para makabalik sa puwesto namin kanina nang—

BLAG!

Biglang sumarado ang pinto.

Agad kaming napatingin sa pintong iyon at nagtataka kung paano. Wala namang malakas na hangin.

Agad naming pinuntahan ang pintong iyon at pilit naming binubuksan pero ayaw magbukas.

Sinubukan naming ulit at mas nilakasan pa ang pwersa pero katulad ng una ay hindi pa rin mabuksan.
“Shit.”

Katulad ko, napamura na din ang ilan.

Nilibot ko ang tingin sa paligid pero talagang sobrang dilim.

Hindi pwedeng wala kaming gawin. Kailangan naming umuwi.

Napagdesisyunan naming humanap ng paraan at pwedeng daanan para makalabas sa kakaibang silid na ito.

Naghiwa-hiwalay muna kami upang mapabilis ang paghahanap.

———

Ilang segundo—minuto—at oras na ang lumilipas pero wala pa rin kaming nakikitang pwedeng pagdaanan. Masyadong kulong ang silid na ito. Miske bintana o siwang manlang, wala.

Wala pa rin kaming naiisip na paraan.

Ang lawak ng silid na ito pero wala manlang mapagdaanan ng hangin.

“Zhian? David? May nakita na ba kayo?” Rinig kong tanong ni Prince. Sya yung kasama ko ngayon.

"Wala pa nga eh.” Sagot nila.

“Kayo ba? Trisia, kayo? May nahanap na ba?” Dagdag tanong pa nila.

'Wala' rin ang naisagot ng ilan.

Naisipan na muna naming magtipon-tipon muna kami nang mapagod para makapagpahinga na muna.

Dito muna kami sa isang sulok tumambay para makapagkahinga.

“Teka..” Napalingot ako kay Zhia nang bigla siyang magsalita.

“Parang kulang tayo?” Dagdag pa nito.

Agad ko namang tinapat sa mga kasama ang flashlight ng phone ko para makita kung sino ang kulang.

Zandra.. Zy.. Trev.. Trisia.. Lion.. Zhia.. David.. Hexia.. Shin.. Zhian.. Prince—

Hindi pa ako tapos sa pagtitingin ng makarinig kami ng malakas na sigaw.

Boses lalaki.

C-calyx..












The Hotel Of MarchescaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon