CHAPTER II

77 30 23
                                    

Alisha Point of View

“Ali! Ikaw ha hindi mo pa sa akin kinu-kwento ang nakita ko kanina.” ano naman sa akin ni Claire habang nag-aayos ako ng gamit.

“Ano ba dapat ang e kwento ko?” tanong ko naman.

“Dhu! Hello, muntik na kaya kayong mag---”

“Shut up, aksidente iyon.” ani ko naman sa kanya pero batay sa nakikita ko sa kanyang reaction ngayon hindi ito naniniwala sa aking sinasabi.

Haist! Totoo naman kasi kung hindi kinuha ni Sandi ang cellphone ko hindi mangyayari iyon.

“Okay fine sabi mo eh, pero bess alam mo medyo ang saya ’no kasama natin sila sa iisang apartment?”

“Anong masaya roon? Kung alam mo lang totoong ugali ng mukong na iyan,” sagot ko.

“Bakit bess gaano mo ba siya ka kilala at iyong kasama niyang cute na lalaki,”

“Iba ka rin talaga ano?”

“Bess naman eh, sige na maging mabait ka naman kasi baka sabihin niyan amazona ka at isa pa lumabas na kaya tayo ng kwarto kanina pa tayo rito nagugutom na ako.” pagmamaktol naman ni Claire.

Ewan ko talaga sa babaeng ito ang payat-payat pero ang siba kumain akala mo talaga walang kain ng isang taon.

“Oh siya lumabas ka na kumain kana roon,” ani ko sa kanya.

“Ako lang? Ayaw mo na ba sumabay sa akin kumain, bess?” sabay pag-puppy eyes pa nito.
Seriously?

“Tigilan mo ako Claire, lumabas ka na hindi na ako kakain.”

“Ay wow! Diet?”

“Hindi naman, basta kasi umalis ka na ikaw nalang kumain doon.”

“Ayaw ko! Bakit ba ayaw mo lumabas dahil ba tamad ka o dahil---”

Knock... Knock...

Hindi naman natapos ni Claire ang sasabihin niya ng biglang may kumatok sa pinto kaya mabilis niya itong binuksan. Hindi ko naman nakikita kung sino ito kaya minabuti ko nalang na taposin ang pag-aayos ng aking gamit.

“Bess!” sigaw naman nito kaya napalingon muli ako sa kanya.

“Ano?”

“Kain na raw sabi ni cutie Sandi!”

“Sige kayo nalang.” ani ko naman at muling pinagpatuloy ang ginagawa.

Haist! Sanaol nalang nagluluto.

Wala na akong kahit na anong naririnig mula sa may pintuan kaya sigurado akong kumakain na sila ngayon. Ano kayang magandang gawin?

Habang nag-iikot ako rito sa kwarto ay nakita ko ang mga dala kung pagkain, actually bigay sa akin ito ni Sofia at Aiza sabi kasi nila ba-unin ko ito, akala mo talaga mag-iibang bansa ako.

“OMG! Bagay na bagay ito para sa do it your self cake.” ani ko naman sa sarili ko habang isa-isang kinukuha ang pagkain.

Isa-isa ko na ring binalik ang aking kinuha kanina sa paper bag at binitbit ito palabas ng kwarto upang umpisahan na ang pag-gawa nito.

Patay! Nasa kusina pala sila paano ako makakapunta roon?

“Akala ko ba hindi ka kakain?” muntik naman akong mapatalon sa sobrang kaba ng may biglang nagsalita sa likuran ko.

“Ano ba Claire!”

“Sus! Gutom ka ’no?”

“Hindi.”

“Weh? Ikaw talaga nahihiya ka pa alam ko namang gusto mo rin matikman ang luto ni Sandi.” pabirong tugon pa nito sa akin pero ngumiti lamang ako nang pilit.

“Shut up, Claire! Hindi hamak na mas masarap ako magluto ke’sa sa lalaking iyo---”

“Sinong lalaki si Alex ba?” bigla naman akong napatingin sa likuran ni Claire ng biglang magsalita si Sandi.

Tiningnan ko lang siya at nginitian din ng pilit.

“Shut up, Sandi!” sagot ko sa kanya at pumunta na sa kusina, haist!

Hindi ko talaga alam bakit nagustuhan ko siya noon—ngayon? Ay ewan ko. Pati sa feelings ko hindi na ako sigurado.

Naiinis kasi ako sa kanya na ewan ko ba, ano ba kasi itong feelings na ito ang sarap e tapon sa malayo ‘yung hindi na nahahanap para hindi na bumalik.

Isa-isa ko nang nilabas ang mga kakailanganin kung gamit at inayos isa-isa pero bigla namang may kung sino ang tumabi sa akin kaya dahan-dahan akong nag-angat ng tingin dito.

“Bakit ka nandito?” mahinanong tanong ko sa kanya. Haist! Ayaw ko tumanda ng maaga dahil lang sa kanya ano.

“I want to help you.” simpleng sagot niya lang din sa akin.

“I can handle this,”

“I just want to help isa pa I wait to taste you too...” napatingin naman ako sa kanya, “I mean, the cake?” tiyaka siya bahagyang tumawa.

Ngumiti na lang din ako ng pilit at pinapakalma ang aking sarili. “Alisha, kalma inhale—exhale!” pagpapakalma ko sa aking sarili.

“Oh! May sinasabi ka?” tanong niya pero umiling lamang ako at nagpatuloy sa aking ginagawa.

“Aray!” mahinang usal ko ng maipit ang aking kamay habang binubuksan ang condensed milk.

“Anong nangyari?” mabilis na ani niya at kinuha ang aking kamay.

“Tss! Walang pinagbago hindi ka pa rin marunong magbukas ng can foods,” komento pa nito habang binabanlawan ng tubig ang kamay kung mayroong kaunting dugo na dumadaloy.

“I can handle this, thank you!” ani ko matapos niyang hugasan ito. Babawiin ko na sana ang aking kamay ngunit mabilis muli niya itong kinuha.

“I'm not done yet,” ani niya at nilagyan ng band aid.

“Ako na ang magbubukas nito, just do other stuff.” dugtong nito tiyaka isa-isa ng binuksan ang mga condensed milk at iba pang gagamitin ko.

Ano ba ito! Kanina lang naiinis ako pero ngayon feeling ko kakawala sa katawan ko ang aking puso sa sobrang bilis ng tibok nito.

“Alisha, can I ask?” mabilis naman akong napatingin sa kanya ng bigla siyang mag salita.

“Ano iyon?”

“Do you love your self?”

Ha? Anong klaseng tanong naman iyan, dhu! S'yempre I do love my self, hindi mo na nga ako minahal noon, hindi ko pa ba mamahalin sarili ko?

“Hundred percent, yes.” malumanay na sagot ko naman.

“Oh! Then I think we love the same person.” ani niya kaya muli akong napatingin sa kanya.

“What?” tanong ko, hindi naman sa binge ako pero hindi ko kasi gets ang sinabi niya. Pasensya na matalino ako pero nagiging slow ako kapag siya ang kausap.

Ngumiti naman ito tiyaka hinawakan ako sa ulo at ginulo ang buhok ko, “Nevermind, tapusin mo na iyang e bi-bake mo. Naliligo lang ako,” ani niya tiyaka umalis.

Ay wow! Iba rin talaga. Iniwan nalang ako rito.

Grr! Ginigigil niya talaga ako bahala siya riyan iniwan niya ako p’wes hindi siya makaka-kain nito.

Silence of our Love [Complete]Where stories live. Discover now