Alisha Point of View
“Sandi, ito na iyong paper’s sana tama na iyan pagod na ako mag-revise,” ani ko kay Sandi at binigay ang research paper bago umupo sa tabi niya.
Nakakainis naman kasi two weeks nalang at tapos na itong Special High journey namin kaya masyadong busy. Kailangan pa naming taposin ang research namin, mabuti nanga lang at medyo nagbago na si Sandi hindi na siya ang lalaking walang pake sa school works.
“Hindi ka ba natulog?” tanong niya at tumango lang ako.
Sino ba ang makakatulog kung hindi mo pa natatapos ang research paper.
“Ibinigay mo nalang sana ito sa akin,” ani pa nito at napabuntong hininga, “Oh! Siya take a nap first,” dugtong nito at binigay sa akin ang kaniyang jacket.
“Aanhin ko ’to?” nagtatakang tanong ko naman.
“Gamitin mo pang tabon ng ulo mo para hindi ka masilawan,” ani niya pa sa akin.
Tss! Kikiligin na sana ako pero wala man lang ka sweet sweet sa katawan ang lalaking ’to, dapat kasi siya ang maglagay nito.
“What? I said take a nap now may defense pa tayo mamaya,” ani niya, napairap nalang ako at tiyaka natulog sa upuan.
Pero sa totoo lang hindi naman talaga ako nag puyat sinabi ko lang iyon para happy.
Habang nakahiga ako ay pasimple ko naman siyang tinitingnan kung ano ang ginagawa niya.
Patuloy lang ito sa pag re-type ng papers na binigay ko hangang sa biglang tumunog ang cellphone niya at mabilis niya naman itong kinuha sabay tayo.
Nagtataka naman ako kung sino iyon, tawag ba iyon? Bakit hindi nalang niya sagutin dito iyon eh hindi ko naman maririnig?
“Tss! Sino ba iyon?” mahinang tanong ko sa aking sarili at dahan-dahan na tumayo para sundan siya.
Sinilip ko muna sa may bintana rito sa aming apartment kung nasaan siya pero hindi ko siya makita. Tss! Nakalayo na ata.
Dahan-dahan ko naman na binuksan ang pinto pero laking gulat ko ng makita ko siyang nakatayo sa harap ng pinto at nakatingin sa akin.
“A-ah! B-babalik na a-ako sa l-loob.” na-u-utal na tugon ko naman.
Akma na sana akong aalis pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila papunta sa kaniya.
He hug me?
“S-sandi?” pagtawag ko sa pangalan niya pero imbes na sumagot siya ay mas lalo niyang hinigpitan ang pag yakap.
“When the time is right, can you please tell me if I am still the one who make your heart beat fast, the one who makes you smile every time you saw me?” tanong niya kaya mabilis naman akong nag-angat ng tingin sa kaniya.
I genuinely look into his sparkling eyes, I smile and hold his fluffy face. “Alam mo, muli kung binuklat ang librong aking isinulat, aking nabasa ang istorya na kung saan tayo’y nag-umpisa at ngayo’y napagtanto ko na hindi pa pala ito natatapos,” at bahagya akong tumigil at muling ngumiti, “maari mo ba akong samahan upang tapusin ang istoryang ating sinimulan?” dugtong ko.
Mabilis naman niya akong hinila palapit sa kaniya at mahigpit na niyakap.
“I'm ready to write a new chapter of my life but now I want you to be part of it.” sagot niya kaya napangiti nalang ako.
Oh! Gosh! So ano kasiyahan na ba ito?
I didn't expect it!
“You're still my male lead from the very beginning,” ani ko at niyakap pa siya.
YOU ARE READING
Silence of our Love [Complete]
RomanceI know you admire someone, especially during your high school days; I'm sure you experience that, and like you, I liked someone too. I'm not sure why I liked that man and up to this day is that I would still like him; the strange things is, I am not...