CHAPTER I

188 33 40
                                    

Alisha's Point of View

"Alisha!" Agad naman akong napalingon nang may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Bakit ka nandito?" nabibiglang tanong ko sa kanya. What the—huwag niyang sabihin na—

"I'm here kasi mag-aaral ako?" sagot naman niya. Nakakainis naman, sa lahat ba naman ng pinsan ko na puwede kong makasama mag-aral, siya pa?

"Stay away from me, Jed. Distance, okay?" sabi ko sa kanya at iniwan na siya.

"Welcome to Madisonville University!" isang malakas na tinig ang aking narinig mula sa speaker dito sa school.

Inikot ko muna ang aking paningin sa buong paligid ng university at pinagmamasdan ang napakagandang mga puno't halaman pati na rin ang mga building dito. Haist! Sayang nga lang at hindi makakapunta sina Sofia at Aiza rito. Paano ba naman kanya-kanyang university pa kami nag-aral. Si Sofia nasa Knight University at si Aiza naman nasa San Augustine University. Pero mabuti na rin siguro iyon, since we need to grow in our own way naman, at kahit na iba-iba kami ng paaralan magkaibigan pa rin kami.

Nakakapanibago nga lang na nasa Special High na ako, feeling ko nga ako lang ang hindi nag-mature rito. Halos lahat ng estudyante na nakikita ko, lahat sila ang matured tingnan, habang ako? Wala ito, ganda lang ang ambag. Funny!

SPECIAL HIGH - ito iyong isang buwan na pag-aaral ng mga estudyante para sa paghahanda sa college, lahat ng estudyante ng Madisonville ay dumadaan sa special high level bago makapag-college.

By the way, papunta na pala ako ngayon sa room ko. It's already seven thirty na rin kasi at eight ang umpisa ng klase namin, pero since day one ngayon alam ko na wala kaming ibang gagawin kundi ang magpakilala lang, gaya dati.

Malapit na ako sa room ko pero may bigla namang tumawag sa pangalan ko, kaya bahagya akong napahinto at palinga-linga upang hanapin kung sino ang tumawag sa pangalan ko.

"Claire?" Hindi makapaniwala na sambit ko sa pangalan ng best friend ko noong elementary.

Mabilis naman itong tumakbo palapit sa akin at niyakap ako.

"OMG! I didn't expect na makikita kita rito," ani pa nito habang nakayakap sa akin. Actually, hindi rin ako makapaniwala na makikita ko siya rito.

"Uy! Ano, teacher pa rin ba ang kukunin mo?" tanong ko naman sa kanya.

When we were in elementary kasi, sabi namin sa isa't isa magte-teacher kami pero malay mo nagbago ang pangarap niya. Akin nga e nagbago rin.

"Ano ka ba, hindi na. Business Management na ang kukunin ko, alam mo naman si mommy, sabi niya sa akin ipapamana niya ang business namin. So ano pa nga ba ang magagawa ko? Ikaw, ano kukunin mo?" balik tanong niya naman sa akin.

"Accountancy," sagot ko naman.

"Ay! Iba rin, matalino talaga—"

"Bobo ako sa math ano ka ba!" putol ko naman sa sasabihin niya at sabay kaming tumawa.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago."

"Ikaw rin," sagot ko at tumawa kaming muli.

"Tama na nga iyan, tara na at pumunta na tayo sa room. Classmate tayo, don't worry, na-check ko na kanina," ani niya at hinila ako.

Wala pa rin talagang pinagbago si Claire kahit ilang taon na kaming hindi nagkikita at nag-uusap, ganoon pa rin ang trato niya sa akin. Mabuti na rin at nandito siya, may kaibigan na rin ako.

"Ang ganda pala talaga rito, Ali, 'no?" ani sa akin ni Claire habang nililibot nang tingin ang buong classroom.

"Good morning, class!" Agad naman kaming napatayo lahat at sabay-sabay binati pabalik ang professor na pumasok sa classroom.

Silence of our Love [Complete]Where stories live. Discover now