[KAIMIRA]
Nakapikit ang mga mata ko habang tinitiis ang hapdi. Nandito kami ngayon sa ER ng hospital 'di kalayuan sa pinanggalingan namin kanina. Napapangiwi ako habang binabalot ng bandage ang kamay kong nabubog. They also gave me a tetanus shot even when my wound isn't that serious. I am not human after all. Nakabalot din ng bandage ang paa kong nabagsakan ng mga bote kanina.
"Kaimira!" A manly voice called my name that caught my attention. A man in mid-50s is rushing towards my direction.
"Tito Horus.." I am quiet surprised to see him here instead of my Dad. I'm sure nakarating na kay Daddy ang balita pero ni text or call wala akong na receive. Malamang ay busy siya, palagi naman.
BZZT.. BZZT..
Scum
6:03 P.M 03-17-2022
Hey, you okay? I heard of what happened. Me and Dad can't come over right now but Mom is on her way to visit you there.Hindi ko na nireplyan pa ang text ni Kuya. Aaminin ko na medyo nagtatampo ako sa kanila. Pero at least siya naalala ako i text.
"Are you okay? Are you badly hurt?" Sunod-sunod na tanong ni Tito Horus. Umupo siya sa monoblock chair na nasa tabi ng kama na hinihigaan ko.
"I'm okay po, it's not that serious."
"I was on my way for a business meeting when I received my son's text message so I headed here instead." Napangiti ako ng mapait. Halatang nagmamadali nga siya dahil pumapatak ang pawis niya mula sa noo hanggang baba.
"Alam kong ginagawa niyo lang ang trabaho niyo pero hindi niyo dapat hinahayaan na masaktan kayo."
"I told her that it would be better to stick together but she was so stubborn." Isang lalaking may bitbit na bottled water ang humawi sa bed curtain. Akala ko kay Tito niya iaabot ang tubig dahil hinihingal ito pero sa'kin niya inabot.
"Uhm, fine. Mukhang si Tito ang kelangan uminom ng tubig."
"No, I'm okay. You should worry about yourself not me." Hindi na ako nagpumilit pa at ininom ang tubig na inabot ni Cyrus.
"Before I got him killed he told me something."
"Who?"
"That keeper slash snatcher, duh." Sabi ko nga. Pasensya na, Cyrus ha? Parang galit pa eh.
"He said that Faro is just around us, silently watching as everything is going according to his plan."
Alam naman naming lahat na talagang nandiyan lang si Faro sa paligid. Kung sino ay wala kaming idea. Maliban sa yinyang mark niya sa kanyang pulso ay wala pa kaming ibang lead sa kanya.
"Wala parin ba kayong ibang lead kay Faro? The council is trying to do a separate investigation but we have so much on our plate already. Kayo ang inaasahan namin."
Nagkatinginan kami ni Cyrus. Hindi kasi namin binabanggit sa kahit sino sa council ang tungkol sa yinyang mark. We can't trust anyone, even our own parents. It's not that we suspect them but better be safe than sorry.
"As of now, nothing much. Aside from the fact that he is leading the evil doings in this place, in this world rather. I wonder what is he thinking. A clever villain like him won't gain anything from pushing keepers to be criminals. He's up to something." Cyrus is right. We're missing something here. Hindi ko malaman kung ano talaga ang motibo niya.
"Let's think of him as a man who is dreaming to build an empire. He can't build an empire without allies and armies." Tumango-tango ako sa sinabi ni Tito. Tama siya. Maaaring sinusuportahan ni Faro ang mga keeper na 'to sa paggawa ng kasamaan para pumanig sila sa kaniya. A King needs a battalion of soldiers for its kingdom.
BINABASA MO ANG
Battle of The Lords
FantasyThe five elements that keep the world in order and balance are in the hands of the five Kingdoms: Pyro, Oceanus, Aeria, Terra and Aether. These Keepers are looking after the world and humans. But a conflict between the Lords will arise that could b...