'Alitha'Alitha's Point of View
Haruyy!! Bakasyon na naman... Tambak na naman ang mga gagawin sa araw araw. I mean gawaing bahay na gagawin sa araw araw -_-
"Alitha anak, pagka tapos mo kumain jan diligan mo yung mga halaman ha" See? Aish! Parang gusto ko lang matulog buong araw. Bakasyon naman eh. hihihi
"Boo!" Gulat sa akin ni Bryan. Pero hindi uubra sa akin yan, alerto pa 'to sa kuwago.
"Tss. Pahingi!" Inis na sabi nito. hahaha! mukhang nahiya bigla. We are just a friend okay? baka isa rin kayo sa mag-isip na we are couples. iw!
"oh ayan ubusin mo!" Agresibo kong kinuha yung tinapay sa plato at pilit na pinakain sa kanya. Agresibo kong sinusubo sa kanya yung tinapay habang iniiwas naman nya yung bibig nya.
Nang matapos akong kumain tumayo ako para pumunta sa likod ng bahay. Andoon kasi yung pangdilig sa halaman. Napa daan ako ng salas kaya naman agad akong nakita at nilapitan ni Chuchi. Alaga kong aso.
"Haluuu Chuchi.. nakatulog kaba ng maayos? achuuchuuchii" Halos pang gigilan ko na sya habang kina-cuddle.
"wrooff! wrooff!" Tahol ni Chuchi ng makita sa Bryan sa likuran ko. Nilingon ko sya at sinenyasan ng 'takbo na!' look habang naka ngisi. At ayun dahil sa kaba ay napa takbo sya pababa ng bahay.
Tawa ako ng tawa habang nakikita kong hinahabol ni Chuchi si Bryan. Hahaha! Bryan and Chuchi are not in a good terms. Noong maliit pa kasi si Chuchi laging inaaway o kaya naman inaasar ni Bryan iyang si Chuchi. Kaya ngayong dalawang taon na si Chuchi ay si Bryan naman ang laging nalalagot sa tuwing nag kikita sila.
---
"Ma.. Uuwi daw dito sila tita Nash?" Tanong ko kay mama habang nag didilig. Nasa bandang likod ko lang sya nag t-trim ng mga halaman.
"Oo... Siguro sa makalawa na, kaya mamaya mag lilinis tayo sa loob at labaa ng bahay" Sabi ni Mama.
---
"ilan na nga ba ang pamasahe ngayon?" Tanonf ni Bryan sa akin. Nandito kami sa abangan ng bus papuntang bayan. Malayo-layo rin kasi kami sa bayan.
"umm.. Sengkwenta na ata mula rito hanggang bayan" Sabi ko.
"ha?! ganun kamahal? ah edi hindi na ako sasama sayo! bahala ka jan, kakain nalang ako doon sa inyo" Reklami nito. Agad ko sya'ng kinulong sa braso ko ng tangkain nya'ng umatras sa laban. Este sa byahe!
"Siraulo ka, Subukan mong hindi ako samahan uupakan kita" Pananakot ko sa kanya. Kahit na mas matanda sya sakin ng Dalawang buwan feel ko mas matanda parin ako! hahaha!
"Oo na! Tss. Marami bang bibilhin?" Tanong nito. Bibili kasi kami ng ulam para mamayang gabi at para narin may ipapakain kami kila Tita Nash sa makalawa. Dito raw kasi sila mag babakasyon. Uuwi lang sila sa manila pag-ka tapos ng bakasyon. hahaha! gulo no? parang buhok mo!
Nakarating kami ng palengke at umay gulay inalay sa bangkay! Ang daming tao! Siguro iisa lang din ang pakay nila dito. katulad lang din ng sa amin. Pumila ako sa bentahan ng mga karne habang si Bryan naman nag hanap ng gulay.
"Aleng Ry mag 'kano po dalawang kilo?" Tanong ko kay Aleng Ry. Suki na ako nyan baka may pa discount.
"Three hundred eighty eneng" Sabi nya at binalot ang karneng binili ng mga ibang bumibili sa kanya. Mahal ng three hundred eighty! huhuhu!
Pero wala na akong magagawa kundi ang manghingi ng discount dahil suki narin naman ako eh!
Life nga naman parang buhay
"Aleng Ry.. baka naman po pwedeng may discount na, tutal marami namang namimili sayo eh at suki mo narin ako, hihihi" Pag papa-cute ko sa kanya.
Walang ano-ano ay tumango sya. "sige, two hundred forty nalang" Pa simple nitong bulong sa akin. Baka pag narinig ng iba manghingi rin sila ng discount kahit na hindi sila suki.
Tumango ako sa kanya at nag wink. Iniabot nya sa akin ang binili ko gayun din iniabot ko sa kanya ang bayad ko.
Sa terminal ng bus na kami nag kita ni Bryan. May dala narin sya'ng gulay at prutas. Habang ako karne at mga shampoo, colgate at sabon. Dumaan ako kanina sa mumurahing mga shampoo at sabon eh.
"Sa inyo ako mamaya kakain ha" Sambit ni Bryan habang paakyat kami nang bus. Walang ano-ano'y hinampas ko ng wallet ko ang ulo nya.
Kapal pes!
Lagi nayan sya'ng nasa bahay at kulang nalang mag pa ampon sya kay mama eh!
"Aray! Biro lang naman, tska gagalitan ako ni mama ko kapag kumain ako sa inyo ng hindi nag papaalam" Sabi nito at tuluyan na kaming naupo sa bakanteng upuan.
---
Ala-sais na ng hapon ng makarating kami sa bahay. Madaling inilapag ni Bryan ang mga bitbit nya sa mesa at nag paalam kay mama at sa akin. Baka daw pagalitan na sya ng mama nya dahil gabi na eh.
Yes po opo strict yung mama nya pati narin yung papa nya. dagdag mo pa yung mala demonyong ugali ng Kuya Brythe nya. hahaha! piece! Totoo naman eh, Napaka sungit non at kung maka titig ay para bang handang pumatay ng sampong baka.
"Ma.. Si Tita Nash lang ba at si Tito Julse ang mag babakasyon dito?" Tanong ko kay mama habang nag hahalo ng sabaw ng tinola.
"Oo" Maiksing sagot ni mama. Hm? Dahan dahan akong lumakad para sumilip sa salas kung nasaan si mama. Para akong isang magnanakaw na naka silip sa may-ari ng bahay at pinapakiramdaman kung kailan titingin sa direksyon ko.
Naka titig lang sya sa keypad nya'ng cellphone habang nanlulumo ang mata. May problema nga! Magpapa-kita na sana ako sa kanya at dadamayan sya ng tumunog ang cellphone nya. Sinagot nya iyon at lumabas ng bahay.
"Hulyito?" Huling narinig ko kay mama bago sya mag laho sa paningin ko.
Hulyito?
Parang narinig ko na ang pangalan na iyon ah. hindi ko lang alam kung saan at kailan. Bumalik ako sa kusina at itinuloy ang pag luluto. Isinasalin ko ang mainit na ulam sa mangkok ng bigla nalang nag pop-up sa utak ko kung gaano ka swerte si Narnalya at Kuya Jerex.
Pareho silang may Ama at Ina, bukod pa roon maginhawa ang buhay nila. Eh ako? Bukod sa simple lang ang buhay namin ni mama eh wala pa akong ama. Nag iisa lang din akong anak. Hindi ko na nakilala ang Ama ko pero ang sabi ni lola at ng iba kong mga pinsan ay iniwan na kami nun ni mama. Sumama sya sa ibang babae at bumuo ng pangalawang pamilya.
Nabalik ang utak ko sa reyalidad ng maramdaman ang hagod ng likod ni Chuchi sa paanan ko. Binend ko ang legs ko para magkasing tangkad nalang kami.
"gutom kana ba Chuchi?"
End of part one.
Thank you for reading!!
Vote and Comment 💛

BINABASA MO ANG
The day you came
Fiksi RemajaThis when Alitha's life change when he met Kiel Jaden Syrma. The Play boy but good boy. The Boy who like's to love but don't know how. --- Crdts. to the real owner of picture. Nakita ko lang sa Pinterest yan then it cought my heart. charot! Bagay ka...