Part 2

9 3 0
                                    

Kanina pa ako hindi mapakali sa kwarto kakaisip sa sinabi ng Spencer  nayun. Baka  totohanin niya talaga yun.

Sanay naman akong may namb-bully sakin, pero parang mas nakakatakot at nakakakaba na ang isang Spencer ang mang-aaway sayo. Parang hindi ko yun carry.

Ngayon pa talagang last year ko na sa AU??

Tapos ngayon magiging katabi ko pa siya the whole year. Baka kung ano ang gawin niya sakin grabe pa naman mang bully yun, lahat ata ng binully nun, e na depressed.

Kawawa naman ako pagna- depress din ako. Mawawalan ng anak sina mama at papa. Mawawalan ng magandang nerd na kapatid si Nikolas. Ayoko pa.

Anong gagawin niya sa itsura ko? Tiningnan ko ang itsura ko sa  salamin.

Tinitigan kong maigi ang itsura ko at talagang napakapangit ko. Ako na ata ang hindi pinalad na makasalo ng kagandahan ng magpasabog ng kagandahan si Lord.

Well, wala akong pimples pero sing kapal ng jacket na itim ang kilay ko kasing itim din ito ng puwet ng kaldero. Magulo ang kulot kung buhok na parang nasabugan ng bomba sa kung saan, at parang patay ang labi ko sa sobrang putla, at mata ko naging apat dahil sa malaki kong eyeglasses malaki narin ang eyebags ko sa kakapuyat kakabasa ng libro.

"Hay naku Erika, tanggapin mo na na ang pangit pangit mo. At asa ka naman na gusto ka ng Nathan na yun e hindi ka naman kagandahan para magustuhan niya. Diba? Sino ang magkakagusto sayo? Wala. As in wala. E taga mo yan sa ulo at puso mo hopya"

Wag kayo mag-alala ginigising ko lang sarili ko sa realidad. Tama naman ako diba? Mula noon hanggang ngayon ni wala akong kaibigan kasi nga pangit ako, kasi nga bobo ako. Walang may nagtatangkang magkagusto dahil hindi ako kagandahan na hinahanap nila.

A basta. Mabubuhay ako sa kung ano ang gusto ko hindi sa kung ano ang gusto nila na maging ako.

Bahala na kung ano plano ng Spencer Mondrado na yun. Pero sana hindi matuloy huhu.

Kakatapos lang namin kumain. At nasa kwarto na ako ngayon tulog narin siguro sina mama at papa pati narin si Nicolas.

Bukas na naman siguro ako magbabasa ng libro para may kunting space naman. Nag open nalang ako ng Facebook account ko at nagulat ako ng makita kong nag friend request sakin si Nathan Salvador.

Nathan R. Salvador sent you a friend request.

Sa sobrang kakiligan ko napatalon ako sa gulat. Totoo kaya yun sinabi niya kaninang umaga.

"I hope maging close tayo"

Ayiiiiiiii... Baka ito na nga. Erika sanaol!!!

Agad kong in-accept ang friend request niya.

Walang pang 1 minutes simula ng in-accept ko siya ng biglang nag message siya agad.

From: Nathan R. Salvador

         Hi Good eve! Thanks for accepting me.

                                            You:
                       You're Welcome!

From: Nathan R. Salvador

   Btw, musta ang paa mo? Sumasakit pa ba?

                                             You:       

                          Ito kunti nalang ang sakit. Oi salamat ulit pala kanina. Buti nandon ka at tinulungan mo ako dun sa hambog mong kaibigan.

My Seatmate, My LoverWhere stories live. Discover now