Part 5

8 1 0
                                    


1 week simula ng mag transferred dito yung Ian and guess what? Campus prince na agad sya, walang award ha, pero famous ang loko, agad agad? Wala tayong magagawa gwapo e!. At simula rin nag pag transferred nya dito, 1 week nya din akung tour guide, nililibut ko sya dito sa school, para maging familiar sya, iwan ko parang swerte naman nito, sino bato? At kailangan talagang may special attention sya dito. Si spermo nga wala e, transferred student din. And speaking of spermo?? 1 week nadin nag tatampo dahil yun nga minsan kasama ko si Ian. Nag seselos kaya to? Ayoko maging assuming ha, pero baka lang naman, gaya nalang ngayon,

"Hoy spermo ba't nandyan ka"

Nasa canteen kami ngayon, recess namin, kasama ko si spermo, pero ang spermo nyo nandun naka upo sa kabilang bakanting mesa, nagtatampo nga.

"Dito na ako, baka mamaya sumulpot na naman ang ian mo" parang bata na nagpangalumbaba sa mesa, problema nito, pinagseselosan si ian? Or baka insecure to kay ian, palibhasa si ian ngayon ang sikat sa buong school. Wawang spermo..

"Hindi yun pupunta dito, sigurado akong busy yun sa mga girls nya" mahina kung sabi sa kanya, mahirap na baka may maka rinig at baka ma issue, echosira pa naman mga student di'to.Parang nagliwanag ang mukha ni spermong tumingin sakin, tatayo na sya sana para lumipat sa mesa ko, ng biglang--

"Oy miss pres," sigaw ni Ian ng makita ako. Sa wakas tapos nadin ang pagiging guardian angel ko dito sa lalaking to. Kaya pala may pa tour to sa school kasi anak pa pala ng mayor to, at nalaman ko din na kaya nandito to kasi na kick out sa dati nyang school dahil nga parating cutting at away ang ginagawa nya dun, kaya pinatapun dito. Sayang private pa naman yun. Gusto ko din mag private school dati e, pero buti nalang nag change decision ako,

"Oi Ian, ano ginagawa mo dito"

"Mag r-recess, recess diba?" Bara ako? Ang sama talaga nito.

"Uy kasama mo din pala buntot mo? Hi spermo , " sabi nito ng mapatingin kay spencer , lagut pinagtripan naman si spermo, besit talagang Ian to. Nagtitigan silang dalawa, halatang inis na si spermo.

"Ah oo, basug pa pala kami, mamaya na kami kakain" tumayo ako hinila si spermong umalis na pero hindi padin natitinag ang tinginan nila, kung hindi koto ilalayu mapapa away talaga to. Pikon pa naman to.

"Spermo wag munang patulan, yung ian nayun"

"I swear kunti nalang ang pasensya ko sa lalaking yun, nakakainis talaga sya," sigaw pa nito, ng medyo malayo na kami sa canteen

"Wag mo na kasing pansinin, papansin lang yun"

-

Kasalukuyang nag d-disscus ang teacher namin sa Math subject, nakikinig ako ng mabuti dahil nga may exam pagkatapos. Pero wala akong maintindihan, sa totoo lang hindi ako friendly number guys, i hate Math talaga, legit yan. Masipag ako mag-aral pero hindi ko sinabing matalino akong tao. Sa lahat ng subject math ang pinaka ayaw ko iwan koba, pero kung magaling na teacher ang magtuturo sakin ng math siguradong magiging favourite ko ang math, kaya lang ang teacher namin ngayon malakas pa ang tunog ng electric fan kesa sa boses nya, nasa likurang bahagi ang upuan ko dito kase mas komportable ako. Parang gustong kong sabihan si ma'am na 'ma'am pakilakasan naman po boses n'yo' , pero nahihiya ako, may katandaan narin kase tong teacher namin, kaya iintindihin ko nalang baka mahirap na sa kanya ang maglakas ng boses. Mahirap na baka mahimatay ko habang nag ka-klase, ako pasisihin nun kasi sinabihan ko sya na lakasan ang boses na, kaya wag nalang ayokong masisi.

"Eggs, ka bored naman nito" bored na bored na sabi ni spermo " wala tayong magagawa, may exam pagkatapos", mahinang sabi ko. Sa totoo lang parang gusto kong mag cutting class sa subject na to. Totoo naman na i love learning, i love to be challenge pero nauumay ako pagdating sa subject na math at dagdagan mo pa ng napakahinang boses ng teacher namin, sinong hindi mauumay dun?

Sa sobrang bored namin ni spermo nag pagandahan nalang kami ng drawing, "spermo, ganito ang tamang pag drawing ng sapatos , oh tingnan mo ganito dapat! Dba ang ganda? Haha", nagbubulungan lang kami ni spermo, pinapakita ko sa kanya ang drawing kung sapatos, ang kanya kasi parang alaga nya ang hugis, CHARR di'ko nakita ha!!

"Ngek ang pagit naman nyan mas maganda pa akin e"

"Anong maganda sa gawa mo? E parang talong yang gawa mo."

"Anong talong? ito ang tamang hugis ng sapatos noh"

"Basta mas maganda ang akin parang totoo talaga"

"Mas maganda sakinnnnn"

Hanggang matapos ang 1 hour na klase namin sa math subject nag drawing lang kami ni spermo, at yun nag exam nga si ma'am. At alam nyo ba ilan ang score namin?? Hahaha naka perfect lang naman kami, di ko alam na nakikinig pala si spermo habang nag loloko kami kakadrawing, aba! Ang spermo nyo WAIS din pala, nangopya nako sa kanya minsan lang naman e. Kesa ma itlog ako?! Pero bakit ngaba di nalang ako nag paitlog? Edi sana mag ulam ako mamaya. Hyss.

"Okey, class you can go now."

Sa wakas, uwian na! Ngayon lang ata ako na excite umuwi noon gustong gusto ko talaga na nasa school lang ako noon sinasabi kopa na dapat wala nalang uwian. Pero ngayon, nagbago na ang lahat, nag bago na ang buong paligid ko, nagbago ang mundo ko.

"Oh? San na tayo nyan?"

"Malay ko sayo, sumusunod lang naman ako"

"Gagi, e sumusunod lang din naman ako sayo"

"Yan na naman tayo spermo?!"

"HAHAH totoo naman kasi sinusundan lang ki--"

"Miss pres, uwi kana?"

"Oh Ian! A maya-maya pa mag m-meryenda muna kami"

"O? Talaga sama ako ms pre"

"Si Spencer tanungin mo kung papayag sya."

"Sorry Ian pero moment namin to ng egglot ko kaya pasensya kana", siniko ko si spermo sa sinabi nya, "arayy naman egglot" , "chee!!!"

"Ms pres•́ ‿ ,•̀, kawawa naman ako kung di ako sasama, kita mo naman oh, napaka lonely ko uuwi akong mag isa nih hindi man lang nakakain kasi walang kasama" ༎ຶ‿༎ຶ

Aba nagpapaawa ang Ian nyo haha. "Pasamahin na natin sya spermo kawawa naman ang bata" bulong ko kay spermo

"HAHAHHAHA BATAA HAHAHHA BATAAA"

"Oyy anong nakakatawa? Pinagtatawanan moba ako?" Tanong ni Ian. "Luh hindi ah hahahah pero segi na nga sama kana kawawang bata HAHAH"

"What did you just say?"

"Wala, sabi ko basta libre mo. Okiee? Okiee! Hehe"

Spermo nga talaga. Tsk tsk tsk. Sinabunutan ko si spermo loko-loko talaga.

To be continued..

My Seatmate, My LoverWhere stories live. Discover now