Prologue

26 3 0
                                    

"ANOTHER shot!" I waved my glass at the bartender. Prente lamang akong nakaupo sa may bar counter habang sumisimsim ng tequila. It was my first time tasting this drink pero feeling ko ay naaadik na ako sa pakiramdam na naibibigay ng inumin sa akin. I am not really an alcoholic. Sa totoo lang ay bibihira akong uminom dahil hindi ko gusto ang nagiging epekto ng alak sa sistema ko, lalo na pagkagising ko kinabukasan.

Sa katunayan ay kadalasang cocktail drinks lang talaga ang iniinom ko. Mahina rin kasi ang alcohol tolerance ko kaya hindi ko na binabalak pang sumubok ng malalakas na alak. But right now, I feel like this is all I need. I believe that this situation will save me. I remember someone told me that a hard drink could really help you to forget. And that's exactly what I wanted to do right now. Ang makalimot.

So, nevermind the after effects. Bahala na talaga!

Imbes na ang bartender na nag-serve sa akin kanina ay iba ang lumapit sa akin. Kakapasok lang niya sa bar counter. Hindi ko mapigilang titigan ang lalaki at tila ba may magnet na humahatak sa akin para bigyan siya ng pansin. I must be losing my mind now or there must be something with this man na hindi ko maipaliwanag.

Nang makalapit siya sa akin para magsalin ng inumin ay bigla kong ibinaba ang baso at saka hinawakan ang bote na hawak niya. Nakaramdam ako ng kakaibang elektrisidad nang aksidenteng magdikit ang mga kamay namin. Pero imbes na bitiwan ang bote ay hinigpitan ko pa ang pagkakahawak doon at nakangiting tumitig sa lalaki na ngayon ay nakakunot na ang noo sa akin.

"Miss?" Seryoso ang gwapo nitong mukha at halos magkadikit na ang mga makakapal na kilay habang nakatitig ang malalalim na mga kulay kapeng mata nito sa akin. Matangos din ang ilong nito at mamula-mula ang manipis na mga labi na tila ba inaakit ako para halikan. Natigilan ako at napapikit sa naisip.

'Why the hell am I thinking of kissing this guy when I have broken up with my ex just a few weeks ago? Damn, Stacey!'

Ipinilig ko ang aking ulo at nang makabalik na sa huwisyo ay muling tinitigan ang seryoso pa ring mukha ng lalaki sa harapan ko. I'm actually wondering kung bago ba siya sa bar. May iilang beses na rin kasi akong pumupunta rito lalo na kapag nagkayayaan kami ng mga kaibigan ko pero ngayon ko lang siya nakita. Napansin ko rin na imbes na pangkaraniwang uniporme ng mga nagtatrabaho rito ay simpleng puting t-shirt at rugged blue jeans lang ang suot nito.

Pinasadahan ko siya ng tingin. The man is actually tall. Sa palagay ko ay humigit kumulang na nasa six feet ang tangkad niya. Despite his rugged style and a piercing on his right ear ay malinis naman siyang tingnan. Sakto lang ang laki ng kaniyang katawan pero kitang-kita ang pag-flex ng mga muscles nito sa bawat paggalaw. He also has a gothic design tattoo on his right arm which made him look even hotter.

'Ugh! Ano bang naiisip mo, Stacey?!'

"I'll just have this bottle instead. I'll pay, don't worry." I chuckled after saying that. Muli ko rin siyang nginitian. Umiikot na ang paningin ko at mukhang may tama na talaga ang iniinom ko sa akin. Ilang minuto na ang lumipas ay seryoso pa ring nakatitig lang sa akin ang lalaki. Parang may malalim itong iniisip. "Are you just going to stare at me?"

"Pero, miss, mukhang lasing ka na," seryoso pa ring sabi nito at saka akmang hihilain na palayo ang bote. Nang magtagumpay itong mailayo sa akin ang inumin ay matalim ang tinging ibinigay ko sa kaniya. Ang kaninang admirasyong nararamdaman ko sa kaniya ay napalitan ng inis.

"Bakit ba nakikialam ka? I want that drink! I will pay, so what's wrong with you?" Halos pasigaw na ang pagkakasabi ko niyon. Naramdaman ko ang tila pag-akyat ng dugo sa aking ulo. I'm just literally pissed right now.

"Excuse me, miss. May pakialam ako dahil hindi kami pabaya sa mga customers namin. Look! You're alone at mukhang hindi mo na kaya ang sarili mo. Okay lang uminom, pero you must know your limit sometimes. Baka kung mapaano ka dito, kargo de konsensya pa kita." May diin ang bawat salita niya ngunit mababakas ang pagtitimpi sa tinig nito. Napabuntong-hininga rin siya matapos magsalita at seryoso pa ring nakatitig sa akin na nilabanan ko naman. Mayamaya ay tinawag nito ang bartender na nag-assist sa akin kanina at ibinigay ang bote ng alak saka ako muling hinarap. "Go home now, miss. You look drunk."

Loved by the HeroineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon