She always feel out of place on their own home and family. She doesn't have any circle of friends or even a permanent best friend to say that she's belong on someone's world, maliban na lang sa long, lost best friend niya nang tinawag na si Jashin. Walang matatawag na kaibigan sa kasalukuyan, may trust issues, palaging kinakain ng family problems dahil napaka-sensitive nito, minsan naiisip niya na ring favorite child siya ni problema. She developed emotional problems at a young age, hindi lang 'yon nahahalata dahil ikinukubli niya ito gamit ang kaniyang mga mapanlinlang na ngiti.
"Saan ka na naman ba pupunta?" ma-awtoridad na tanong ng kaniyang ina, habang isinusuot ni Niana ang converse shoes nito.
"In a place where I can find peace, sanity and love." matipid na sagot niya at saka na tumayo. Kinuha nito ang jacket niya na naka-hang sa aparador at dagliang isinuot 'yon.
"Aalis ka na naman? Can't you see gabi na? Nagiging hobby mo na ang paglabas tuwing gabi, tell us may boyfriend ka na ba?" ani, Daniella, ang mommy nito.
"My goodness ma, I don't even have friends, and you're accusing me for having a boyfriend?" mahinahon ngunit mararamdaman mo ang sama ng loob nito. Tumayo ang ina nito at pinamaywangan siya.
Ibinaling nito ang tingin sa sahig, pinipigilan ang sariling huwag umiyak sa harapan ng kaniyang ina.
"Sumasagot ka na rin ngayon? Mabuti pa si Ashera 'yong pinsan mo, mabait, magalang at maaasahan!" panenermon nito.
Tinapunan lang siya ni Niana ng isang malungkot na titig at saka ngumisi.
"Siya na lang anak mo, ma. Sige, aalis na po ako." tumalikod na siya at agad bumaba ng hagdanan. Nadatnan naman niya ang Dad nito na nakikipag-usap sa kaniyang mga kaibigan, hindi man lang siya pinansin, hindi na 'yon bago sa kaniya. Dedma na lang, ang unang masasaktan ang siyang magiging talunan
Tinanggal nito ang kadena sa kaniyang bisikleta, binuksan naman ng guard ang gate nila para makadaan ito. Tahimik lang niyang tinahak ang daan palabas ng kanilang subdivision, maliwanag naman ang bawat kalye dahil maraming nakatayong mga streetlights, may mga colorful lights rin na madaraanan sa parke, may mga nag-di-date rin doon na magkasintahan. Bukas pa rin ang mga fastfood chains, coffee shops, malls at iba pang mga public establishments.
Napasinghap ito habang patuloy lang sa pagpadyak. Dinama niya ang malamig na simoy ng hangin, dinig na ding niya ang hagikgikan ng mga tao sa paligid at ang kanilang masasayang pag-uusap. She prefer staying at noisy places than in silent one's, kahit bigo siya palagi sa social communication, hindi na niya lang 'yon masyadong iniisip.
"Nakakahiya ka! Mas mahal ang tuition ng SouthDen kaysa sa Westbrook University tapos ano? Ipapatalo mo lang ang chess game? You're very professional on that game, right? Bata ka pa lang kabisado mo na 'yon. We didn't expect na matatalo ka pa rin pala." pagbibigay kritisismo ng kaniyang Ama. Nakaupo lang siya sa sofa at hindi na lang pinapansin ang mga sinasabi nila. Pagod na siya sa ganitong senaryo, immunized na ito. She's becoming numb as time goes by. Pasok sa tainga labas sa kabila, wala na siyang pakialam kahit ano pang ibato sa kaniya.
"You're right, Nial. Ashera told me nanalo siya sa volleyball game niya kahapon, and guess what? They celebrated, invited naman talaga tayo actually, kaso nga lang nahihiya ako, masyado ka nang nagiging talunan, Niana." pag-sang-ayon ng kaniyang ina.
"Sige po, matutulog na ako." untad niya at tumayo na, tinalikuran sila. Hinintay nito ang pagpatak ng luha sa kaniyang pisngi bago tumakbo sa loob ng kaniyang kuwarto.
Narinig pa nito ang pagsigaw ng kaniyang ina ng "bastos"
"It wasn't your fault, Niana. You did your best." pagkausap nito sa sarili. Tumigil siya sa ilalim ng isang matayog na streetlights.