Chapter 3: Third Encounter

29 4 3
                                    

Hindi na hinintay ni Niana na matapos sa pag-aayos ng sasakyan ang family driver nila, napagpasiyahan nitong mag-commute na lang dahil sampung minuto na lamang ay start na ng first subject nila, nasa business trip ang parehong mga magulang nito, kaya naiwan lamang siya sa bahay na mag-isa, tanging ang mga maids lang nila at drivers ang kasama nito.

"Manong, magco-commute na lang po ako." ani nito kay, Bert, ang personal driver na kinuha mismo ng kaniyang Ina, pitong taong gulang pa lang siya ay driver na niya ito.

"Sigurado po kayo, Madam?" nag-aalangang utas ni Bert.

Tumango lang si Niana at ngumiti.

"Sige po, Madam, mag-ingat po kayo."

Agad nang tumakbo si Niana palabas ng gate nila nang mamataan nito ang paparating na taxi. Sa tanang kasi ng buhay niya bilang estudyante ay hindi pa siya nahuhuli sa klase, kaya hindi siya makakapayag na unang pagkakataon ay mangyari ito sa kaniya.

Binuksan nito kaagad ang pintuan ng taxi, wala siyang kaalam-alam na may kasama rin siyang pasahero sa backseat, nakita nito ang kaonting dumi na kumapit sa white socks niya, kaya yumuko siya upang punasan 'yon.

Ilang minuto pagkatapos niyang gawin 'yon, ay napaisip siya sa pamilyar na pabangong naaamoy niya ngayon, ito ay 'yong sa katabi niya. Nag-angat siya ng ulo at tumingin sa rearview mirror, halos pumutok ang lahat ng ugat niya sa katawan nang magtama ang patingin nila ng lalaki sa rearview mirror, the guy is none other than, Kyler Jack Monterivas, again. That's when she realized kung bakit pamilyar ang amoy na 'yon, that belongs to him, kung hindi siya nagkakamali that perfume is Versace Eros Eau de Parfum, one of the most expensive men's perfume, its scent captures the exhilarating rush of love.

Umiwas siya ng tingin sa rearview mirror upang pansamantalang humugot ng malalim na hininga, at nang lingatin niya ulit ang naturang salamin ay naroon pa rin ang mga mata ni Kyler, hindi pa nakuntento ang binata ay bigla na lamang itong kumindat. Bumilis ang tibok ng puso ni Niana, kaya ibinaling niya ang tingin sa labas.

"Hindi mo man lang ba ako babatiin ng good morning?" binasag na ni Kyler ang katahimikan.

"Bakit, teacher ba kita?" pagtataray ni Niana.

Napaatras ng kaonti si Kyler at saka nito itinaas ang dalawang kamay. "Ang sungit mo talaga, saan ka ba ipinaglihi?"

"Bakit mo tinatanong?" ani Niana.

"Wala lang, gusto ko lang malaman, parang kagabi lang mabait ka pa sa akin, sabi mo pa nga sa parents mo friends na tayo." wika ni Kyler. He's right, Niana said that last night, nadatnan kasi ng mga magulang ni Niana na magkasama silang nakatayo sa food area kagabi, kaya wala ng naging choice si Niana kung hindi ang ipakilala si Kyler bilang kaibigan niya.

Niana heaved a deep sigh, turned his head and meet his eyes. "Friends na tayo, pero please lang, huwag mong sisirain araw ko ngayon."

"Sa guwapo kong 'to? Hindi ba dapat maganda at kumpleto na araw mo, kasi nakita mo na ako?" ngumiti si Kyler ng abot tainga.

"As far as I know, this is our third encounter already." dagdag pa niya.

"Wala na akong masabi." walang ganang sabi ni Niana. She hates talking a lot if its still early in the morning, she feels like, it'll consume her whole energy for the whole day, wala naman siyang mapapala kung makikipag-ubusan siya ng laway kakasalita sa isang 'to.

"Sabihin mo na lang, ang guwapo mo, Kyler." he said, while flashing a kiddy smile.

"Manong, dito na po ako."

Napatingin si Kyler sa labas, at saka lang nito namalayang nasa eskwelahan na sila, hindi mabuksan ni Niana ang pintuan sa tabi niya, kaya kaagad siyang lumabas at pinagbuksan ito, inilahad pa nito ang kamay niya upang alalayan si Niana sa pagbaba, pero hindi siya pinansin ni Niana.

"Hey!" tinawag niya si Niana, pero nagpatuloy lang ito sa paglalakad.

"Niana." tinawag niya ito sa pangalawang pagkakataon, pero hindi pa rin siya lumingon.

"Miss, Sungit." aniya pa rin.

"Oo na Kyler, guwapo ka na, okay?" Papasok na ako, late na ako oh." itinaas nito ang wrist watch niya, upang ipakita kay Kyler.

"'yong bayad mo raw, sabi ni manong." untad ni Kyler.

Napatiklop na lang ng bibig bigla si Niana, nakaramdam siya doon ng matinding hiya. Lumapit siya sa taxi driver at iniabot ang pamasahe nito.

"Babayaran sana kita, kaso ang sungit mo, ayaw ko nga." anas pa ni Kyler.

"So what?" hindi naman nagpatinag si Niana.

"Did you just said, ang guwapo mo Kyler?" ismid ni Kyler sabay ngiti.

"Binabawi ko na 'yon." naglakad na muli si Niana, sinundan naman siya ni Kyler.

"Can I ask you a favor pala?" wika ni Kyler.

"What?" iritadong sagot ni Niana.

"Puwede bang manood ka ng game ko bukas? After lunch naman 'yon, I'm sure free time ninyo." ani pa rin ni Kyler.

"Why are you inviting me?" takhang tanong ni Niana.

"Gusto ko lang ng inspiration, malay mo ako pa maging MVP kapag nandoon ka." Kinindatan ni Kyler si Niana, sabay ngiti at tumakbo na ito palayo, malamang ay papasok na rin ito sa eskwelahan nila na katapat lang mismo ng eskwelahan nila Niana.

Naiwan si Niana na nangangamatis ang mukha, habang nakatayo sa gitna ng school ground nila.

Nagising lang siya sa hustong huwisyo nang matamaan siya ng bola sa ulo, galing 'yon sa arogante, dakilang bully, at nuknukan ng sama ng ugali na Team Captain ng Basketball Team nila, walang iba kung hindi si David Montefiore. Napahawak si Niana sa ulo niya nang maramdaman ang pagkirot nito, nakaramdam din siya ng panandaliang pagkahilo.

Mabuti na lang at may umalalay sa kaniyang tumayo. "Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Kyler.

"A—akala ko ba pumasok ka na?" nauutal na usal ni Niana.

"Dadalhin na ba kita sa clinic?" hindi talaga siya mapakali.

"Ayos na ako." nakatayo na ng maayos ngayon si Niana at pinagpag na rin ang skirt nitong nakapitan ng damo.

"Bruh, girlfriend mo?" sarkastikong tanong ni David, parang may halong pang-aasar ang tingin nito.

"Oo, bakit?"

Nagulat naman si David at ang mga kasama nitong nasa likuran niya.

"Ang pangit ng taste mo." ngumisi ang walang hiyang lalaki.

"Magkita na lang tayo sa court bukas, ang matatalo, alam mo na." tinapik ni Kyler ang balikat nito, halatang galit si Kyler ngayon, pero nakuha niya pa ring ngisian ang isang ito. 'yong klase ng ngising nakakatakot, ngising parang nagdidikta na huling araw mo na ngayon.

"Let's go, love." bumaling siyang muli kay Niana, kinuha niya ang kamay nito, hinawakan at naglakad na sila paalis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FadedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon