Chapter 49 - I love you

658 13 3
                                    

Sera's POV

"I love you. I love you. I love you." Gabi gabi niyang ginagawa yan. Palagi niyang sinasabi kung gaano niya ako kamahal tuwing tulog na ako.

His phone rings.

"Tss. I told you thousand times." Ang alin? Na mahal niya ako? Saka sino ba yung kausap niya? Nagpanggap akong tulog dahil gusto kong malaman kung anong kulo neto ni Lewis.

"Walang mangyayari sa kanila at hanggang maaga pa ginagawan ko na ng paraan. Ayaw ko ng lumala 'to." Ano ang lalala? Nakaramdam ako ng kaba. Nakabuntis ba siya? Hindi. Mahal niya ako, mahal ko rin siya. Imposible. Imposible pero hindi ko pa rin maalis sa isip ko na may iba siyang babae. Ayoko.

"Ok"

Naramdaman kong papalapit na siya saakin kaya inayos ko ang higa ko.

I suddenly felt his lips on my forehead. He kissed me.

"Kahit anong mangyari mahal na mahal kita." Sabi niya at hinalikan din niya ako sa labi. Naramdaman ko ang luha ko na bababa na kaya tumalikod ako sa kanya. Ayoko ng ganito. Gusto ko malaman ang nangyayari. Ayokong mag-mukhang tanga.

Niyakap ko siya. Nakita ko ang gulat sa mukha niya. Tuloy tuloy na 'ring tumulo ang luha ko. "W-what happened?"

"I love you" I said.

"I love you too"

Kinalas ko na ang pagkakayakap ko sa kanya.

"We? Hindi mo naman ako mahal eh. Bakit kailangan mo pang itago sakin ang lahat? Ano bang pagkukulang ko?" Kita ko ang pagkagulo ng mukha niya.

"Kasi naman eh! Wag mo kong ganyanin Lewis. Sabihin mo. Naghahabol ba siya sayo?"

"What?!" Gulong gulo ang mukha niya.

"Babae ba o lalaki? Papanagutan mo ba? Iiwan mo na ba kami ng mga anak mo? Ayoko." Niyakap ko siya.

''Hahahahahaha"

Kinalas ko ang yakap. "Wag mo akong tinatawanan. Ayoko pang masira ang pamilya natin."

"Hahahahahahaha"

Tinarayan ko lang siya. Bakit ba tinatawanan niya ako!? Mas gusto ba niya sa babae niya?! Ayaw na talaga niya saamin!

Tuloy-tuloy pa rin ang pagtawa niya hanggang sa tumahimik siya at may tumutulong luha sa mga mata niya.

"Ang cute mo baby kapag ganyan ka. Sana makikita pa rin kita ng ganyan araw araw." Makahulugang sabi niya.

"Ano bang sinasabi mo? Ayaw mo na ba talaga saamin?" Tumulo na naman ang luha ko.

"Sshhh baby wala na akong babaeng mamahalin pa pwera lang sa inyo ni Eris. Kayo lang." Sabi niya at niyakap ako.

"Eh sino yung tumatawag sayo?"

"Loui"

"Bakit naman?"

"Pinapaalalahanan niya lang ako." Sabi niya at nag iwas ng tingin.

"Tungkol naman saan?" Sabi ko habang titig na titig pa rin sa kanya.

"Random things. Let's sleep." Akmang magsasalita pa ako pero hindi na natuloy dahil humiga na siya.

Tatanungin ko na lang siguro si Loui tungkol dito. Besides, hindi rin naman masama kung palihim ko siyang kakausapin. Hindi naman sa wala akong tiwala sa asawa ko. Oops. God knows how I love Lewis. I will do anything just to stay with my family. I won't let someone will ruin this family. Never.

Loving a pervert (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon