BARAKUDA DAW KUNO...(>____<)*!

50 5 0
                                    

   Ito na po ulit ang third entry sana magustuhan niyo po!!!!(^__^)

   Nagsimula na ang takbuhan sa may matao na lugar kung saan marami ang nagtitinda ng kung anu-ano. Hinahabol ako ng mga bakulaw!!!! \(> O < )/!!!

   Mabuti mabilis akong tumakbo...tumakbo ako sa may sikip na daan pero matao, sinadya ko talaga na dito dumaan para kung magkataon hindi nila alam saan ako tumakbo, may isang malaking basurahan sa may isang sulok sa kaliwa ko, itinulak ko iyon sa dinadaanan ng tatlong bakulaw para pangpahina sa pagtakbo nila. Sinipa lang nila ang basurahan , tao ba sila?...ang lakas kasi kung makasipa.

  Maraming tao ang nasa daan...

"Excuse mepo, excuse me po" tumatabi naman sila. Pagtingin ko sa may likod ko, ang tatlong bakulaw tinutulak nila ang mga taong humaharang sa dinadaanan nila ganyan sila kapag nagrerespeto sila sa mga taong dinadaanan nila...kaya nga nabansagan ko silang bakulaw, nanghaharass ng mga tao.

"HOY!" sigaw ng isang manong.

   Doon ko na lang namalayan na papuntang park ako. May nakita ulit akong,malaking basurahan itinulak ko ulit iyon. 

Bago pa man ako nakarating sa park nakakita na naman ako ng malaking basurahan, tinulak ko ulit iyon papunta sa dinadaanan nila.

TAKBO ULIT...

TAKBO, TAKBO...

TAKBO...

(ISIP)..

(ISIP)

(ISIP)...

   May nakita akong isang lalakeng matangkad sa may tabi ng isang puno. Matangkad ito, nakavarsity jacket siya ng itim at puti naman sa may bandang braso de-zipper tila bukas ang zipper at makikita mo ang puting t-shirt niyang suot....ang varsity jacket niya ay may letter R na naka old english font style...teka nakavarsity jacket?...(- __ -)??

TING!! (O D O)* 

YES! mabuti gumagana ang coconut shell ko. Lumapit ako sa lalaki itnabi ko muna ang basket kong dala-dala sa may puno at bumalik ulit sa kanya..

"Walang personalan kuya, SORRY NA LANG"

SOMEONE'S POV

   bakit ang tagal dumating ng mga mokong na iyon at ano ba naman 'to....bakit naisipan pa nila na dito ako paghintayin sa karami-raming lugar na puwede akong paghintayin....

   BA'T DITO PA SA PARK?!

   Humanda ang mga mokong na iyon...tingnan mo hah...kanina pa ako pinagtitingnan ng mga babae dito kasama ang boyfriend nila, langhiya oh, gusto pa ata ng isa, meron na ngang isa magdadalawa pa...may plano atang mag-twotimer. Meron ngang grupo ng mga babae...apat ata sila o lima ...siguro wala silang mga boyfriend kasi kanina pa silang kakachismiss tungkol sa akin...' di naman sila kalayuan, sa totoo lang naririnig ko nga ang pinagsasabi nila konti lang naman...

"Ang guwapo niya" (HMM! NAMAN!)

"May girlfriend ba iyan?" (subukan niyo kaya akong tanungin)

"Siguro meron" (Ay, shet meron ba ako?)

"OO siguro nga sa guwapong niyang iyan masayado pang ma-appeal" (porket guwapo, ma-appeal may gf kaagad 'di ba pwedeng magmumove-on pa lang)

"OMG!!!" sigaw nung isa, lakas nun ah....

"Yan, ata G.F. niya"

( - _ - )?

( . _ . )??

HUH? GF ko? SINO? ASAN?.,.

Pagtingin ko may isang babae sa harapan ko...( - _ - )??? Sino ba 'to? May dala-dala siyang basket itinabi niya ito sa puno at bumalik siya sa akin... pawisam itong babaeng ito ano kaya ang ginawa nito?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ms. MuKhANG 'JE'pERa (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon