CHAPTER 12

697 5 0
                                    

WARNING: *Rape case

If not easy to you to read this and you're sensitive for this topic, you may skip this Chapter.
—————————

ANG WEIRD PA RIN.

Namalayan ko nalang na nasa passenger's seat na ako ng kotse ni Vensley. Wala pa ang mag-ama na nauna na akong lumabas at napadpad dito. Ang dami kong iniisip na ang gulo na ng ulo ko.

Bumukas ang pinto sa likod na pumasok si Demi na pinagbuksan siya ng pinto ng Daddy n'ya. Umikot si Vensley na nasa driver seat na siya ngayon nakaupo.

“Ililipat ko na ng school si Veme,” biglang salita ko. Napatingin naman sa akin si Vensley na naguguluhan at saka n'ya tiningnan sa likod si Veme na ngayon ay nakatingin na sa akin.

“Hindi pwede. Nabayaran ko na ang buong school year n'ya,” bagot ko siyang tiningnan.

“Nag-usap na kami ni Veme kanina.” Napa-tsk si Vensley sabay tingin sa ibang direksyon. Tiningnan namin si Veme sa likod. Nang makitang nasa labas ng bintana nakatingin ang bata, sinamaan n'ya ako ng tingin. His deadly glare.

“Wala akong paki sa desisyon mo. Hindi aalis si Veme ng school. Kawawa ang bata, palipat-lipat ng School.”

“'Pag sinabi kong maglilipat siya ng School, maglilipat siya. Huwag mo na akong kontrahin. Alam ko kung ano ang mas nakakabuti sa anak ko.” Nakita ko na napapikit ito na nagtitimpi. Alam kong gustong-gusto n'ya na akong sigawan sa mga sandaling ito. Pero hindi n'ya magawa. Dahil nasa likod ang anak n'ya. Mabuting ama kasi siya. Napangiti nalang ako.

“Kahit na, Pam. Ikaw nalang palagi ang nasusunod. Hindi ako papayag.” Nanlilisik na ani nito sa akin. Kaya nagsukatan kami ng tingin dalawa.

“Ako ang palaging nasusunod, Vensley? Hindi sa lahat ng oras... Eh, ikaw ba? Lahat ng gusto mong mangyari— Nasusunod! Ako na sunod-sunuran sa 'yo!”

“Mom,” biglang tawag ni Veme sa akin sa malambot na boses nito.

“A-ayaw ko na... pong l-lumipat ng S-school...” Nakita ko na nakaramdam ng kaginhawaan ang daddy nito. Kaya uminit ang ulo ko at masamang binalingan ang anak ko ngayon na nakaawang ang bibig na nakatingin sa akin.

“TUMAHIMIK KA, VEMEEE! Lilipat ka ng school!” Napapitlag ito sa malakas na sigaw ko. Dahilan para umangat ng sabay ang magkabilang balikat n'ya na nabigla.

Tiningnan ko ang anak ko. Wala akong ibang nababakas kung hindi awa sa dalawang mata nitong lumaki na nakita ko. At tumulo ng sabay ang kaniyang mga luha.

“Pamela!” Saway sa akin ni Vensley at saka hinila si Veme papalapit sa kaniya para yakapin. 'Yong hikbi ni Veme, biglang humagulgol. Kumirot ang puso ko habang nasaksihan ang anak ko ngayong nasasaktan sa pagsigaw ko sa kaniya. Para akong tinakasan ng espiritu at nahimasmasan na ngayon.

Kaya napahawak ako sa aking ulo at saka hinawakan ang handle ng kotse na ito dahil lalabas ako.

“Mauna na kayo. Magpapalamig lang ako. Iuwi mo na si Veme,” ani ko na sa mga mata ni Vensley nakatingin na masama akong tinitingnan ngayon.

Yakap n'ya pa rin si Veme na humahagulgol pa rin na hindi na makahinga. Nadudurog ang puso ko. Lalayo muna ako.

Wala namang may nasabi si Vensley pagkalabas ko ng sasakyan n'ya. Hinintay kong makaalis ang kotse bago ko ginalaw ang mga paa ko para humakbang.

Napapikit ako na nababaliw na ako. Kasalanan ko. Hindi ko sinasadya na maiyak ng gano'n ang anak ko. Wala akong kwentang ina.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta nagpaiwan nalang ako rito sa Parking lot ng School kung saan ako iniwan bago lang ng mag-ama ko. Hanggang sa nakita ko ang lola ni Angela kasama ang mommy na anak n'ya siguro na papalapit dito. Silang dalawa lang. Napadako sa akin ang tingin ng matanda. Nagkatinginan kaming dalawa. Hanggang sa pumasok ang anak nito na nanay ni Angela sa isang Van at saka umandar paalis ang Van.

To be Forbidden from loving ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon