PRIMA'S BAKESHOP
Nakaupo na sa upuan n'ya ang lalaking kikitain ko ngayon. Malayo palang tanaw ko na ang mala icing na ngiti nito na ang tamis.
Tumayo siya pagkalapit ko na tinawanan ko lang siya. Napakamot lang siya sa ulo n'ya at saka bumalik ulit sa pag-upo.
“Mabuti, nandito ka sa Pilipinas.”
“Oo nga, e... Nahihirapan din akong kontakin ka kung makikipagkita ka ba sa akin.”
“Haha! Ano pasalubong ko?” Tiningnan n'ya lang ako sa pagiging walanghiya ko sa kaniya. Minsan lang naman ako humihingi.
“Good health.” Tumaas ang dalawang kilay ko sa sinabi nito na ngumingiti pa siya ngayon.
“Thank you.”
“Nabalitaan ko ang tungkol sa nangyari sa 'yo sa News.” Lumungkot ang mukha ko nang maalala. Para akong na-trauma na kapag maiisip ko binabalik ako sa ganung eksena na ayaw ko na mangyari ulit sa akin. Iyon na ang last.
“Buhay pa ko, 'no?”
“Oo, masama ka kasi.” Hinawakan ko ang isang kamay nito para hilahin na tumawa lang siya. Ganito ako mainis sa kaniya.
“Ikaw, Tim, ha...” bumuntong-hininga ako. “Buntis na ba asawa mo? Ako magiging dalawa na...” Napa-O ang bibig nito at maging ang dalawang mata n'ya ay lumaki.
“Good for you. ‘Di naman ako nakikipaghabulan sa ‘yo. Ninong na naman ako.”
“Ha? Ninong ka na ni Vem. ‘Di pwede dalawa.” Sumimangot ito na tinawanan ko. Parang baliw.
“Kumusta na kayo?” Tumikhim ito bago nagsalita.
“Okay naman...” kahit malungkot ang mga mata n'ya.
“Tim? Pwede mo naman sabihin sa akin. Sino ba ako para sa 'yo?”
“Haha! Balita ko ‘di ka raw pwede bigyan ng sama ng loob?” Napa-tsk lang ako sa sinabi nito.
Alam ko na may problema ito sa asawa n'ya. Halata naman sa kada tawag n'ya sa akin. Tapos ang gusto n'ya ako makita para may makausap daw siya. Nagkataon lang ngayon dahil nandito siya at sa susunod na araw babalik din siya sa China. Kung saan doon na sila nakatira ng asawa n'ya ngayon.
Matagal man nakasagot. Pero ipinaliwanag n'ya sa akin ang lahat.
“Pagbigyan mo na si Yen. Baka... masakit pa rin para sa kaniya ang... nawala ang pinagbubuntis n'ya noon.” Pait itong ngumiti na alam kong gusto n'ya na magkaroon ng anak.
Ayaw ni Yen. Dahil sa dati ng nakunan si Yen, Hindi si Timson ang ama nang pinagbubuntis n'ya noon. Ang boyfriend n'ya na biglang namatay. Dahil mabait itong kaibigan ko. Inako n'ya ang responsibilidad na panindigan si Yen at ang pinagbubuntis nito. Pero ‘di madali ang lahat. Dahil five months ang pinagbubuntis ni Yen nang tuluyang sumunod ang Baby sa daddy nito.
Yen experienced depression and muntik ng dalhin sa Mental Hospital. Dahil sa hindi matanggap ang lahat ng nangyari sa kaniya.
Alam ko naman na inuunawa siya ni Timson. Mabait itong kaibigan ko. Dati nga nang nalaman n'ya na buntis ako, gusto n'ya ring akuin ang batang dinadala ko. Sobrang bait n'ya na ayaw n'yang may taong kawawa na tatanggapin n'ya talaga.
“Kumusta na ang mommy mo?”
“Mommy mo rin kumusta?”
“Hoy, Tim!” abnormal talaga. Kinumusta ko lang naman ang mommy n'ya. Tawa siya nang tawa ngayon na nasisiyahan.
Alam n'ya na rin na okay na kami ni mama. Masaya siya para sa akin. Alam ni Timson lahat lalo na tungkol sa relationship ko kay mama. Lahat sa kaniya ko rati sinasabi. Siya takbuhan ko no'n para magsumbong sa nararamdaman ko.