Chapter 06: First kiss

0 0 0
                                    

THEA's POV

**KINABUKASAN**

Maaga akong nagising dahil siguro namamahay ako pag tingin ko kasi sa oras ay 4 pa lang pero kahit 4 pa lang ay lumabas na ako nang k'warto at pumunta sa pool nila.

"Ahhh, lamig nang tubig" sabi ko nang basain ko ang paa ko.

"Masarap siguro manirahan dito malamig, maaliwalas, madalang ang mga bantay parang natural lang" naalala ko na naman tuloy ang sinabi ni Clyde.

Wag mong isipin na kalaban mo kami. Ayaw ko lang ang ginagawa niyong sobra sa pag gamit nang kakayahan...

Hang'gang ngayon ay iniisip ko pa din kung anong mali ang ginawa namin.

"Hindi naman pala sila tulad nang inaakala ko"

"bakit ano bang akala mo samin?"

"Hmm, akala ko kasi say–WHAAAAAAA!" muntik pa ako mahulog sa gulat kaya lang ang pown ko hindi naka ligtas nahulog sa tubig, ano ba kasing ginagawa n'ya at nanggugulat!

"WHHAHAHAHHAHAHAHAHA napaka magugulatin mo talaga"  sabi nang magaling na Axequel.

"Bakit ba nang gugulat ka?" mataray na tanong ko.

"Oy, hindi ah sumagot ka naman sa'kin di'ba? hindi nga lang natuloy" arggg ang siraulo n'ya!

"Tingnan mo kung ano ginawa mo! Edi nahulog yung cellphone ko!" sigaw ko sa kan'ya.

"Huh? Phone lang 'yan eh, bibili na lang tayo mamaya" sabi n'ya at tatalikod na sana pero pinigilan ko s'ya.

"Sa'n ka pupunta?"

"Mag swimming tara sama ka"

"Siraulo kaba mag swimming alas 4? 'tsaka eto yung pool oh, saan ka pupunta?" kunyareng mataray na sabi ko para naman may kasama ko.

"Sa table maghuhubad ako alangan mag swimming nang nakadamit" pabalang n'yang sagot.

"bakit p'wede rin naman ah"

"Wag na nga lang" pag mamaktol niya. Parang babae amputa!

"Hoy, hindi, joke lang sige sama ko" sabi ko at mabilis na pumunta sa table para sana mag hubad nang pigilan n'ya ko.

"What do you think you're doing?" Tanong n'ya. nakakunot na agad noo n'ya, mga mainitin ang ulo.

"Di'ba mag su-swimming tayo" malamya kong sabi.

"Siraulo kaba eh kung magising na yung dalawang tamad edi nakita nila 'yang katawan mo" sigaw n'ya sa huli.

"Eh, ano! Naka damit ako? Wala naman akong dalang damit engot kaba" mataray na sagot ko.

"Engot ka rin ba?! Naligo ka kagabi di'ba? 'Tsaka hindi naman sayong damit suot mo ngayun p'wede kang mag palit nang damit sa closet, engot!" sabi n'ya tsk, Aba't oo nga ano hehe may pag ka engot lang minsan.

"Okay" tipid na sabi ko gusto ko pa naman pakita sa kan'ya yung sexy ko.

"Oh, sige gan'to na lang p'wede ka mag hubad" nakangising sabi n'ya.

"Talaga p'wede ba?" parang batang tanong ko.

"Oum" sabi n'ya na may tango pa, kaya mag huhubad na sana ko pero natigilan ako dahil sa narinig.

"Pero pag nag hubad ka yakap ko mag kokober sa katawan mo" nakangisi parin n'yang sabi at nag hubad. Sa taranta ko ay tumalon na lang agad ako sa tubig para hindi rin n'ya makita na namumula ko.

Buset kasing Axe 'yan bigla na lang babanat nang ganun.

"Hindi ko alam na ganyan na pala kayo ka close" huk! Tangina muntik na ako malunod sa narinig ko, hayup na 'yan bakit ba ang aaga nila gumising?

Hunting You Is My HobbyWhere stories live. Discover now