Chapter 11: Clyde

1 0 0
                                    


AXE's POV

"Tsk, oh, s'ya tara na nagugutom na ako eh" Aya sa'min ni Clyde.

"Blade, Blaze hintayin n'yo munang makaalis sila prof bago kayo umalis ah" Sabi ko naman at lalabas na sana pero bigla na lang kaming nakarinig nang putok nang mga baril.

**Beng beng ratattatataatta tatatattata beng beng ting**

"Ano 'yon?" Gulat na tanong ni Iya.

"Sa labas" Sigaw ni Clyde, habang tumatakbo kami palabas ay nakasalubong namin ang isang tauhan ni Prof.

"Ano nang yare?" Tanong ko.

"Yung mga adik habang tinatali namin nagwala sila" Hinihingal namang sagot n'ya.

"Fvck, Axequel kilos na"

"Iya, Thea, may mga dala ba kayo?"

"Meron" tipid na sagot ni Thea.

"Tara na"

Paglabas ay nakita naming nag kakagulo sila.

"Tangina nasa'n 'yong mga sniper?" Seryosong tanong ni Clyde na may bahid na galit.

"Hinahabol pa din sila pero may mga dala silang mahaba madilim din" sagot ni Prof.

"Axequel, Range sarado n'yo agad hindi p'wedeng may makatakas kahit isa" sigaw ni Clyde kaya agad kaming kumilos para walang makatakas. May isang makatakas lang ay mawawalan nang silbi ang ginawa namin ngayon. May kapit sila kay Raven kaya malamang ay 'yon ang gagamitin nila sa oras na makatakas silang lahat. Kailangan naming mag madali...

THIRD PERSON's POV

"Nasa'n si Brix?" tanong nang binatang si Clyde na kanina pa galit na galit.

"Nang pumasok kayo ay nagising s'ya at pinagbabaril ang mga tauhan ko. Nabigla kaming dahil hindi namin inasahan ang galaw niya" Sagot naman ni Professor.

"Tim naisara na namin at sigurado akong wala pang nakakatakas dahil nakita namin silang sa kabilang gilid tumungo" Singit ni Axe pag tapos sundin ang inuutos ni Clyde.

"Puntahan n'yong lahat, Ako sa likod sigurado akong nandun si Brix" Hindi na hinintay ni Clyde ang pag sagot nang kasamahan umalis na s'ya kaagad.

Ang totoo ay may halong kaba ang nararamdaman ni Clyde. Pinaubaya ni Deitros ang laban sa pagitan nila kaya naman sobrang kaba ang nararamdaman n'ya ngayon. Lalo na't alam n'yang may makalabas lang na isa ay masasayang ang mga ginawa n'ya.

Hindi pa man s'ya nakakalayo ay marami na s'yang nakasalubong na mga tauhan ni Brix ngunit kada kasalubong ay agad n'yang pinapaputukan. Nang malapit na s'ya sa dulo ay bigla s'yang pinaputukan ni Brix na kaagad n'yang naiwasan.

"hahaha Salvian ayus ka din 'no, manang mana ka sa mga magulang mo. Hindi ko makalimutan kung ganon sila kabilis at namana mo pa talaga" sigaw nang nag tatagong si Brix kasama ang mga bataan n'ya.

"Brix alam ko namang alam mo na hinihintay ko lang si Iya, Thea at Yumi para simulan kayo. Pero bakit ang tanga mo hindi mo manlang naisip na kinakalaban din kayo ni Yumi kaya hindi kayo kinakanti?" Sigaw na sagot ni Clyde.

Mabilis s'yang umakyat sa isang puno at mabilis na tumalon sa isa. Sobrang ingat s'yang bumaba at dahan dahang umikot sa likod ni Brix para hindi mapansin. Para s'yang hangin, ni wala manlang kaluskos kang maririnig.

"Clyde ikaw na lang ang Salvian dito at sisiguraduhin kong ngayong gabi mauubos na ang Salvian na kinakatakutan nang lahat hahaha" balik na sigaw ni Brix at sumenyas sa bataan n'ya na sugurin ngunit ni isa ay walang lumabas mula sa dilim. kaagad ang lilingon si Brix sa likod nang may matigas s'yang metal na maramdaman sa likod nang ulo n'ya.

Hunting You Is My HobbyWhere stories live. Discover now