Chapter 28: President

0 0 0
                                    

𝐀𝐗𝐄𝐐𝐔𝐄𝐋'𝐬 𝐏𝐎𝐕

Kaasar! Dapat hanggang alas singko kami ni Thea do'n eh. Kung hindi ba naman siya siraulo, pinayagan niya kaming lumabas ngayon at sinabi kona rin sa kaniyang baka gabihin kami. Tapos alas 2 pa lang tumawag na at pinapapunta kami sa.... Sa.... Anak nang! Hindi niya sinabi kung saang lugar.

Dali dali kong kinuha 'yong cellphone ko na nasa bulsa ko. Tinginan ko muna 'yong katabi ko, payapa lang siyang nakatingin sa labas nang bintana nang kotse. Oo nasa kotse na kami, kakaalis lang namin sa restaurant.

Tinuon ko na lang ulit ang tingin sa kalsada. Pasulyap sulyap na lang ang nagawa ko dahil tatawagan ko si Clyde. Kung hindi ka ba naman tamaan nang lintek hindi ko mahanap ang pangalan niya. Tiningnan ko ulit si Thea, kahit ayaw ko siyang guluhin ay wala na akong magagawa.

"Baby" mahinang tawag ko. Humarap naman siya sa 'kin nang nag tataka.

"Ahmm p'wede bang tawagan mo si Clyde, hindi kasi ako maka pag focus sa pag mamaneho eh" sabi ko na nasa kalsada ang tingin.

"Sige pero hindi ko pa alam ang number ni Clyde eh" sabi niya. Kaya ang cellphone kona lang ang inabot ko.

"Eto na lang gamitin mo" sabay abot ko nang cellphone. Nang maabot niya ang cellphone ko  ay bigla na lang utong nag ring. Nakita pa naming pangalan ni Clyde ang naka lagay kaya agad n'yang sinagot at ni loud speaker.

"Oh, bakit?" Agad na tanong ko kahit alam ko na kung bakit siya tumawag.

[Nakalimutan kong ibigay 'yong address] baliwalang sagot niya.

"Oo nga, tatawagan na sana kita buti naman naisipan mong sabihin 'yong address" mapakla kong sagot.

[Tss, connected na sundan niyo na lang] hindi na n'ya ako hinihintay na makasagot binaba na n'ya 'agad.

"Putek tama pala 'tong dinadaanan natin eh" natatawa kong komento. Nag-nod na lang si Thea kaya hinayaan ko na lang. Siguro napagod siya, para kasing batang ngayon lang naka punta sa ganon eh. Pero ang kyutt niya kanina, 'kala ko talaga hindi n'ya magugustuhan lalo na nung sinabi niyang lagi sila don.

Napaisip ako. Pa'no silang nakakatakas eh lagi ko naman silang nakikita. Hindi kaya pag maaga silang nagigising? Ayss bahala na nga sila sasabihan ko na lang silang isama ako next time at delikado.

Nag focus na lang ako sa pag dadrive. Medyo malayo na 'to sa highway, yung nilikuan namin kanina. Tiningnan ko ang mapa, ang layo pa nila samin. Sa tancha ko ay nasa isang oras ang layo no'n kaya kung bibilisan ko mga nasa 30-45 minutes lang makakarating na kami.

Buti na lang talaga si fifo ang dala ko.

Hindi ko alam kung ano 'to pero siguro isang turbo energy ultra magnetic dynamic fuckening shit.

Basta kaya daw kinabit 'yon para kalahati nang bilis lang ang magamit. Pero ngayon tatanggalin ko na para mapabilis kami. Pag ka tanggal ay ramdam ko ang dahan dahang pag smooth nang makina ni fifo.

Ang galing ko talaga sabi na nga ba at pang smooth ito eh...

**45 minutes later**

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Clyde, papuntahin daw ba kami sa gubat. Hindi naman siya gubat may mataas na pader ang naka palibot sa gubat. Malinis naman tingnan ang gubat parang garden nga eh. Pero ang pinag tataka ko ay ang dalawang butler na kaharap ko ngayon.

Ayaw akong papasukin at pilit hinihingi ang code ko daw.  Ginamit ko naman 'yong code nang Claxton ang G.U.N pero ang siraulo hindi daw sakop nang Claxton ang Salvian. Sinabi ko kasing Salvian ako napagkamalan pang impostor.

Hunting You Is My HobbyWhere stories live. Discover now