BNN 3✨

105 5 0
                                    

Maaga ulit akong nagising dahil sa excite na nararamdaman ko ngayon. So much for the excitement this school year huh. Siguro dahil may gusto na akong makita sa araw-araw na pagpasok ko.

Sumabay pa din ako kay kuya kanina, kasi wala pa daw sa mood si momcee na magdrive. Kaya iniiwan niya muna ang kotse niya sa company at nagpapahatid sa driver namin na dapat ay ang tagapag- hatid sundo saakin. Okay lang naman yun sakin dahil ayaw ko din namang maOver- fatigue si momcee.

Naglalakad na nga pala ako dito sa field papuntang room. Hindi ako ngayon inaantay ni Gretch dahil ang sabi niya sa text niya kanina sakin eh baka daw malate siya kasi may dadaanan pa daw siya inalok ko siyang ako na lang mag-aantay sa kanya sa bench but she refuse it. Kaya ngayon diretso na ako sa room. Dahil malayo pa ang lalakarin ko at maaga pa naman mag sasound trip muna ako. Hinanap ko agad sa Ipod ko ang playlist ng mga paborito kong kanta. Then I wear my fave headphone.

"This love has taken it's toll on me

She said goodbye too many times before

And her heart is breaking in front of me

I have no choice cause I won't say

goodbye anymore"

Napapaheadbang na ko habang sumasabay sa This Love nang maroon 5. Nang may naramdaman akong kumalabit saakin mula sa aking likuran. Tinanggal ko naman agad ang headphone ko at hinarap ang kung sino mang nangalabit saakin.

Sinalubong ako ng walang emosyong mukha ni Kiel. Everyday problemado? Ano naman kaya ang kailangan nito sakin?

"What?" Tanong ko kasi mukhang walang balak magsalita eh. Natarayan ko tuloy.

"Do you mind if I join you?" Ano? Sasabay siya sakin? At bakit naman anong rason?

"No, bakit di mo kasama ang kaibigan mo?" Tanong ko lang kasi diba? kaibigan niya si Clifford? Nakakatuwa namang isipan kinaka-usap ako ng kaibigan niya. Nag patuloy na kami sa paglalakad.

"Bakit ikaw? Where's Lia?" Balik tanong niya saakin. Aba tinanong ko tapos tinanong din ako ayos ah.

"She will be late, that's why I'm here alone. If you don't joined me. I don't know what will happen. hehe" Madramang lintanya ko, baka sakaling magpakita ng ibang ekspresyon. Poker face kasi eh feeling ko tuloy ang bored niyang kausap. Kaya inaaliw ko na sarili ko.

"Oh I see." Sabi niya na parang OIC. Wala kasing katono tono parang tamad na tamad mag salita. Di man lang sinagot yung tinanong ko aish.

Nakarating na kami sa room na-una akong pumasok nilingon ko siya sa likod ko at tinanguan niya na lang ako. May narinig akong tumawag ng pangalan niya kaya hindi na muna siya nakapasok. Nilapag ko muna yung bag ko sa upuan tsaka umupo at tumingin sa labas kung nasaan si Kiel at si biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang tumatawang mukha ni Clifford habang pabirong sinusuntok si Kiel.

Titig na titig lang ako sa mukha niya. Hindi ko talaga maiwasang di siya titigan kasi tuwing nakikita ko siya parang tumitigil yung ikot ng mundo. Di ko na kasi bigla na mamalayan yung nangyayari sa palagid ko. Ganto ba talaga yun? I don't really sure if I'm in love. Kasi ngayon ko lang ito nararanasan.

Biglang lumingon si Clifford sa direksyon ko at nakita ko siyang ngumisbi saakin. Paktay ka Queencee nahuli kaniyang titig na titig sakaniya. Tapos nakangiti ka pa hala nakakahiya. Hinampas ko ng palad ko yung noo ko sa kahihiyan. Nakita ko namang natawa siya sa ginawa ko kaya nagtakip na ako ng mukha. Bakit nag iinit yung cheeks ko? Tapos parang gusto kong tumili. Kyaaaah! Tili ko sa isip ko.

Sinilip ko uli siya ng bumalik na sa dati ang kondisyon ko kaso wala na siya. Bigla naman akong nalungkot dun. Nakita ko na ding pumasok si Kiel na nakasmirk sakin. Hala? Baka sinabi sakaniya ni Clifford na tinitigan ko siya kanina. Hala. Nakakahiya, nahihiya na tuloy akong makita si Clifford =_=.

Bahala Na Nga [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon