"This painting is called Amor Eterno, this was the first painting of Porous McIntosh when he was living in France back in the 17th century." Wika ng lalaking nag tou-tour guide rito sa Museum.
I look at the painting na nasa harapan ko, nakalagay ito sa isang malapad at may kalumaang brown frame. Ipinapakita rito and ilustrasyon ng isang babaeng pilit itinutulak ang hugis pusong bato paakyat sa isang matarik na bangin samantala ang lalaki naman ay nasa taas at sinisipa nito pababa ang babae kasama ng pusong tulak-tulak nito. It shows that the girl on the painting is in so much pain and weary, Idon't know but I felt a sudden sting on my left chest just by staring at it.
Napasinghap ako ng hangin at saka iniwas ang paningin ko roon.
"This painting symbolizes--"
Naputol ang sasabihin niyang iyon nang biglang mag-ring ang hawak kong cellphone.
Sinipat ko iyon at saka napapahiyang nag-excuse at saka humakbang palayo.
"Hello, l-love? h-huuuk." napangiwi ako sa boses ng nasa kabilang linya na iyon.
"Hehehehe w-where are you?" sabi pa niya sa malambing na tono na siyang bahagya kong ikinatawa.
"You're drunk again?" I ask while making my way outside the museum.
"Hmmph! no, I'm not- just a little. huuuuk"
"Diba I told you already na 'wag kang iinom lalo kapag 'di mo ako kasama? ang kulit mo!"
Natahimik siyang bigla kaya may halong kaba at pag-aalala ang umusbong sa dibdib ko.
"Hey! Louis." pabulong kong sigaw sa telepono saka iyon inilayo para tignan kung na disconnect ba.
Louis is my best friend, my childhood friend to be exact at hindi na bago saakin ang ganitong tono at pagtawag niya lalo na ngayong mukhang may tama siya.
He's giving me a headache again! last time na naglasing siya ay inilagay niya kaming pareho sa sobrang kahihiyan. Muntik na kaming ipapulis dahil inagawan niya ng lollipop iyong bata at hindi pa nakuntento inasar niya pa ito hanggang sa pumalahaw ng iyak na siya namang nakapukaw atensyon sa lahat ng naroon kasama ang ina ng bata na bigla kaming sinugod at pinagduduro. Lumapit naman ang ama ng bata at saka nito binuhat ang anak.
"Ipapapulis kita!" sigaw ng babae na lumapit pa kay Louis na tatango-tangong nakaupo sa silya.
"Ang baho ng hininga mo." saad niya saka kunot ang noong tinakpan ang ilong.
Sa puntong iyon ay mas lalong lumala ang tensyon ng daklutin siya ng lalaki sa kwelyo at pahampas na isinandal sa malapit na pader, agad naman akong pumagitna para awatin sila pero tinulak ako ni Louis.
"Best friend huuukk, 'wag kang matakot andito naman ako eh." lingon niya sakin saka ngumisi ng malapad.
Sumesenyas na ako sa kaniya na kailangan na naming sumibat dahil kung hindi ay baka padapuan na siya ng kamao ng lalaking ito na halatang kanina pa naghihimutok sa galit.
Gusto ko na siya kotongan para bumalik siya sa reyalidad.
"Oo-ohh! I'm seeing Shrek and Fiona!" papalit palit niyang turo sa mag-asawa saka bumaling saakin.
Hindi ko alam kung alam ba ng mag-asawang iyon ang tinutukoy ni Louis kaya wala akong sinayang na oras at saka ko siya hinila palapit saakin.
Nanghingi ako ng dispensa sa mag-asawa na hindi pa rin maipinta ang mga mukha, hindi ko na sila inantay na makasagot pa dahil mabilisan kong hinugot ang kamay ni Louis pero bago pa man kami makalabas sa pinto ay hindi na naman niya napigilan ang katarantaduhan niya!
"Ang papanget niyo!" pahabol niyang bulalas, lumaki naman ang mata ko ng makitang humabnit ng vase ang lalaki. Sinusubukan siyang awatin ng mga customer na naandon pero nanggagalaiti siyang nagsisisigaw at pilit lumulusot sa mga humaharang sa kaniya.
Sa estado namin ngayon ay walang dudang pareho naming matitikman ang sinasabing "maghahalo ang balat sa tinalupan."
kinginang 'to anlakas mambuyo pero hindi makalakad ng diretso. Binalikan ko pa ng tingin ang lalaking iyon pero walang nagbago sa reaksyon niya at mas lalo pang lumala dahil pati ang asawa niya ay nakikisali.
Natatarantang inakbay ko ang kamay ni Louis sa balikat ko at saka siya inakay papalayo, napakabigat nitong hayop na 'to, lakad at takbo ang ginawa ko makaalis lamang sa lugar na iyon samantala ang bwisit na 'to tila abnormal na pangiti-ngiti lang.
Nang matiyak kong nakalayo na kami ay pahampas ko siyang ibinaba sa damuhan, napatukod na lamang ako sa pareho kong tuhod dahil sa pagkakahingal at pagod. Siya naman ay ganon pa rin ang ngiti at tumagilid pa sa pagkakahigang ginamit ang dalawang palad bilang unan.
"Kung di lang kita best friend, iiwan na kita rito!" padabog kong sigaw sa kaniya at saka pasalampak na naupo sa tabi.
"L-love? Huuk I miss you na!" nabalik ako sa wisyo ng sumigaw siya sa kabilang linya.
"Where are you? I'll call Ate Maiah para sunduin ka na--"
Napapikit na lamang ako ng biglang umihip ng malakas ang hangin, nasa bandang exit na ako kaya walang masiyadong tao.
Hindi ko na rin nabigyan ng pansin ang kausap ko sa cellphone nang tuluyan na akong makalabas. Nakakamangha sinalubong ako ng kumpulan ng mga mayayabong puno na tila sumasayaw sa saliw at ritmo ng bawat isa. Napakarelaxing nitong tignan lalo na at palubong na ang araw sa mga oras na ito, dumagdag pa sa ganda ng tanawin ang mga nagliliparang ibon sa di kalayuan.
Muling umihip ng malakas ang hangin sa sobrang lakas ay walang dudang kung mapayat ako ay baka kanina pa ako sumama sa pagbuga ng hangin.
My scarf on my neck fell, I was about to pick it up when someone got it before me.
Nagsalubong ang paningin naming dalawa habang papatayo. "Here," inabot niya saakin ang scarf.
This familiar face standing before my eyes is making me feel a mix of emotions. Hindi ko nagawang abutin ang scarf na iyon at walang kaano anong tinalikuran siya.
"Hey!" habol niya na hinawakan pa ang braso ko.
Hindi ko siya nililingon kung kaya't siya na mismo ang pumunta sa harapan ko at isunot saakin ang scarf na nahulog ko kanina.
May kung anong kuryente akong naramdaman ng madampian ng kaniyang daliri ang leeg ko, his familiar scent is making me lose my breath while he's presence is making my knees weak and feeble.
I'm not looking at him but I know that he's looking directly into my eyes, I don't know how to react. O dapat bang mag react ako?
Ilang beses ko nang pinaghandaan ang sitwasyong 'to dahil may katiting na pag-asa sa puso kong darating din ang oras na ito. Pero lahat ng sinaulo kong linya at salita ay hindi ko maibigkas at mapakawalan sa bibig ko.
Tangina! masiyado akong mahina pagdating sa'yo!
![](https://img.wattpad.com/cover/306656147-288-k52462.jpg)
YOU ARE READING
Yesterday's
Romance"First love never dies." They say first love happens at the most unexpected time, and everything just falls into place. It's beautiful as a sky, pure and innocent. What will happen if the two then lovers cross each other's path again? When Chelsea...