Part 1

24 2 0
                                    


"Yaya, dont forget my make up kit ha?".

Paalala ni Shaine sa kanyang yaya Puring habang siya'y nagbibihis.

"Makakalimutan ko ba? alam ko namang hindi ka mabubuhay na wala ang mga ito".

Sabat ng kanyang yaya habang iniimpake ang mga gamit nito.

"Thanks yaya" pangiting sagot nito.

Meet Shaine Madrigal isang sikat at kilalang artista hndi lamang sa Pilipinas kundi din sa ibang bansa.
Maputi at makinis ang balat,matangos ang ilong, mapungay ang mga mata at mahaba ang buhok na abot hanggang likod.Dahil sa angking yang kagandahan ay maraming kilalang lalaki ang nagbalak na ligawan siya ngunit iisa ay walang pumasa, tinanggihan nya ang mga ito.
Puhunan niya ang kanyang kagandahan na para sa kanya isang malaking biyaya ito na ibinigay sa kanya diyos, kaya ganun na lamang ang alaga nya sa kanyang sarili.
20 years old na Shaine ngunit hindi pa ito nakaranas mag BF wala sa bokabularyo ang magkaroon nito dahil ang importante lamang sa kanya ay ang kanyang career. Palagi syang tinutukso ni Carla ( best friend ni Shaine) na baka tumanda siyang dalaga dahil sa ayaw pa nitong mag BF.

Kasama ni Shaine ang kanyang Yaya na nanirahan sa Pilipinas dahil ang kanyang Mommy at Daddy ay nasa State, busy ang mga ito sa kompanya na ipinamana sa kanila ng kanyang lolo Diego kaya minsan lamang siya dinadalaw ng mga ito. Minsan nasabi nya sa kanyang sarili na maswerte pa rin siya dahil adyan ang kanyang Yaya para punan ang pagmamahal na hindi kayang ibigay ng kanyang magulang.
Labing limang taon na naninilibihan si Yaya Puring sa kanila kaya napamahal na rin kay Shaine ang kanyang Yaya. Parang nanay na din ang turing nito sa kanya.

Pagkatapos ng almusal ay dumiretso
nasa labas si Shaine para hatid ng kanyang driver sa airport. May panibagong movies silang gagawin na e sho- shooting sa Cotabato, malayo-layo din iyon kaya inihanda ni niya ang kanyang sarili para sa nakakahilong biyahe.

" Yaya alis na po ako?".
paalam ni Shiane.

" ok Cge, mag ingat ka dun, kumain ka ng madami para may resistensya ka, wag kang mag papagod at-..... "

Naputol ang sinasabi nito ng yakapin siya ni Shaine ng mahigpit..

" Dont worry yaya, kaya ko na ang sarili ko remember, im still 20 na nakakahiya naman na sa ganitong edad hindi ko maalagaan ang sarili ko at diba, tinuruan mo na ako kung paano e care ang sarili ko kaya nagiging strong girl ako" Kaya!!, yaya yung sarili mo nalang ang alagaan mo dahil hindi ko alam ang gagawin ko pag may nangyari sayo, dahil your the best yaya ever, I love U yaya!!??".

Sabay kiss sa pisngi ng kanyang Yaya.

"I love u too.!!? ok cge, alis kana baka maiwanan kapa".

"Cge po, mag-ingat po kayo" Paalam ni Shaine.

Seven o'clock na ng umaga ng dumating si Shaine sa airport sigaw dito, sigaw dun ang kanyang naririnig,. Pagbaba sa kotse ay sinalubong agad ito ng pitong security guard para sa kanyang seguridad dahil siguradong dudumugin ito ng kanyang mga tagahanga.

"Hi besh??" salubong ni Carla at sabay halik dito. " Hows your drive?traffic ba?.

Tanong nito kay Shaine.

" Ok lang, hindi naman masyado" pasimpleng sagot ni Shaine.

"Ganun bah, halika kana nga pasok na tayo, siguradong namamaga na yang tenga mo sa mga naririnig mo" Yaya ni Carla kay Shaine

At dumiretso ang dalawa sa private na waiting area kung saan sila lang ang nakakapasok.

Matalik na kaibigan ni Shaine si Carla Monte Verde simula ng pumasok ito sa larangan ng pag aartista. Maganda ngunit maarte. Nagkakilala ang dalawa ng pareho silang sumali sa isang talent show.
15 years old siya noon ay tinanghal siyang best child performer at 3rd place naman si Carla. Dahil sa galing nilang umarte ay pinasabak agad sila sa pag aartista hanggang sa naging kilala silang dalawa.

" By the way besh, kamusta na pala ang manliligaw, sinagot mo na?".

Pang inis na tanong ni Carla.

" pwede ba besh, ang ganda ng umaga ko, Wag muna yan ang pag usapan natin ok,"

Iritang sagot ni Shaine

"hey!! Calm down, im just asking, at isa pa concern lang naman ako sayo , maging kapartner mo siya sa gagawin nating project baka hindi mo magawa ng maayos ang trabaho mo dahil sa kanya"

" Besh, trabaho lang yun at isa pa artista tayo kaya ko makipagplastikan sa harap ng camera kaya wag kang mag-alala kaya ko sarili ko basta promise me wag mo kong iiwan ha??"

"Of course, best friend kaya kita at ikaw lang ang nag iisang besh sa buhay ko," at agad niyakap ni Carla si Shaine.


Ahhhhh,...
Ang gwapo mo Kent...
Akin ka nalang pleaseee...

Tilian ng mga fans ni Kent sa labas ng airport..

"Talking with kent ayan na pala ang future husband mo besh, pinag aagawan na naman ng mga babae''

Pang aasar ulit ni Carla.

"Besh ayan kana naman"
Inis na sagot ni Shaine.

''Sorrieee".
with puppy face na sagot ni Carla

"Hi babe, hi Carla?" bati ni kent sa kanilang dalawa ng nakapasok na sa kanilang silid.

"hi din Kent" sagot ni Carla na sabay sundot sa gilid ni Shaine.

" Ano ba besh" inis na sabi ni Shaine dahil sa nagulat ito.

"Hey babe, nandito na ako hindi ka man lang ba kikibo". Tanong ni Kent kay Shaine.

" Pwede ba kent Alvariz, tigilan mo na yang pagtawag mo sakin na babe, tumatayo ang mga balahibo ko"
kunot noo na sagot ni Shaine.

"But why? malapit na kitang mapapasagot diba?"

" In your dreams, hindi magiging tayo at never maging tayo sa harap lang tayo ng Camera magiging sweet at hindi sa tunay na buhay, so please stop calling me babe ok?"
Sabay talikod nito kay Kent.

"Ikaw ang bahala, but im telling you this, weather you like it or not magiging tayo"

Natigilan si Shaine sa sinabi nito na para bang may itinatago ito sa kanya ngunit binaliwala nya na lamang ito at patuloy sa paglalakad.

"Besh wait!!, sorry kent sundan ko muna yong best friend ko".
Paalam ni Carla.

"Ok cge"

Si Kent Alvariz ang masalig na manliligaw ni Shaine. Isang sikat na artista at ka love team ni Shaine sa mga pelikulang binibidahan nila.
Dahil sa kanilang kilig tambalan ay nabuo ang Kesha love team na sinusuportahan ng libo-libo nilang fans.
Matagal ng may gusto si Kent kay Shaine at nililigawan niya na ito ngunit ayaw ni Shaine na magpaligaw sa kanya dahil sa bukod na gwapo at matikas ay ubod ng yabang ito. Palaging niyaya ni Kent si Shaine na mag date kaso tinatanggihan ito ni Shaine dahil para sa kanya hanggang sa harap lang ng Camera ang ka sweetan nila dahil parte ito ng kanyang career na magpakilig at magpasaya sa ibang tao.

"Besh!! wait, galit ka ba,yaan mo nalang yun,!! pwede ba hinaan mo naman yang paglalakad mo hinihingal na ako."
Tanong ni Carla habang naghahabol.

Agad namang huminto si Shaine.

Ohh, ano ok kana?? tanong ulit ni Carla.

" Hindi naman ako galit besh eh, naiinis lang talaga ako sa inaasal ng Kent na yan,parang sinong gwapo, nakakainis".

" Alam mo besh wag mo nalang isipin yun, ang isipin mo trabaho lang to ok, relax lilipas din yan"

hayyyyy..

Napabuntong hininga na lamang Shaine.

My 2 in 1 MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon