Part 3

13 2 0
                                    

11 am ng dumating sila Shaine sa naturang lugar. Bakas sa mga mukha nila ang pagod na dinulot ng kanilang biyahe.

Nag antay sila ng ilang minuto sa waiting area para sa kani-kanilang susi. Halatang naiinis parin si Shaine kay Bryan dahil hindi niya ito kinikibo. Maya-maya binigay na sa kanila ang number at susi ng kani-kanilang mga room.
sampung room ang kinuha ng kanilang derektor.Ang isang room ay para kina Shaine at Carla dahil magkaibigan ang dalawa hindi nagkakahiwalay ang mga ito.palagi nila itong ginagawa kung mayroon silang out of town project na magkasama silang dalawa, ang isa naman para kay Kent ayaw nitong may kasama dahil may kaartehan ito,isang room din para sa magkaibigang Denice at Jessy na pareho ring artista at yung iba naman para sa ibang artista,staff,PA at iba pa....

Pagod na pagod sila Shaine at Carla ng pumasok sa kanilang silid ngunit binalewala nila ito dahil may plano pa ang dalawa na ikutin ang buong Resort.Nawala ang pagod ng dalawa ng makita ang magandang view ng resort.

Kunti lang ang tao kaya may panahon silang makapag-ikot ng walang pangamba na dudumugin sila ng mga taong nakakakilala sa kanila.

"Besh bilisan mo, excited na akong umikot" Pambibilis ni Carla kay Shaine.

"Wait,hinahanap ko pa sun-glasses ko."

"Beshhhhh".

"Hay thanks eto na, let's go?".

"Salamat naman, tara na"
At agad umalis ang dalawa.

Habang naglalakad sa gilid ng pool nakasalubong nila si Denice na naglalakad din kasama ang matalik na kaibigan na si Jessy. Malayo palang ay halata na sa mukha ni Denice na naiinis ito na makita ang dalawa.

"Small world" Parinig ni Denice kina Shaine at Carla.

"Small world nga naman, kahit san mag punta nandun ang mga strangers" Mataray na sabi ni Carla.

"Besh!, wag mo ng patulan". paawat ni Shaine kay Carla.

"Owwws really,? tama ba ang pagkarinig ko na stranger raw tayo friend?". Tanong na pataray ni Denice kay Jessy.

"So what?Ok lang maging strangers friend wag lang maging sipsip, tulad ng iba dyan" dagdag ni Jessy.

"Big fact!!!!"
Response ni Denice at nagtawanan ang dalawa.

"Ulitin mo nga yang sinabi mo?, kami sipsip?" taray na tanong ni Carla.

"Hindi naman siguro benge yang dirty ears mo nuh, narinig mo naman cguro?, but dont worry VP ka lang naman ng mga sipsip at yung katabi mo ang presidente, ". Sabay tawa ng malakas.

"Anong sabi-......" Naputol ang sinasabi ni Carla ng biglang inawat ito ni Shaine.

"Besh tama na yan," awat ni Shaine dito. And you!! What your problem? para sabihin ko sa inyo hindi kami sipsip sadyang may tiwala lang ang mga direktor sa amin, at isa pa kailan pa naging bida ang kontrabida aber,!? hindi nyo ba nakikita ang mga sarili nyo kahit sa totoong buhay ubod na kayo ng sama,
Lets go besh??.
Inis na sabi ni Shaine at agad iniwanan ang dalawa.

Inggit at selos ang nangingibabaw sa puso ni Denice kung nakikita niya si Shaine.Para sa kanya si Shaine ang malaking hadlang sa kanyang kasikatan. Hindi nya matanggap na hanggang kontrabida na lamang ang kanyang mga role sa pelikula kaya ganun na lamang ang pagkamuhi nito kay Shaine.

Pagkatapos ng eksena ay pumunta sina Shaine at Carla sa isang kubo na malapit sa gilid ng dagat.

"Galing mo besh, bilib na ako sayo"
Hangang sabi ni Carla kay Shaine.

"Inunahan nila tayo kaya dapat lang yun sa kanila,walang magawa sa buhay kundi mangialam ng buhay ng iba,kainis nasira tuloy ang araw ko".

" Ganun talaga ang babaeng yun besh hndi na ba yun magbabago? kasing itim ng budhi nya ang kanyang ugali,hay!!, bakit ba kasi pinanganak pa ang babaeng yun" patawang sabi ni Carla.

My 2 in 1 MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon