Part 2

18 2 0
                                    


"Pre?? Nabalitaan mo na ba?"
Tanong ni Richard kay Bryan.

"Na ano?".

" May shooting dun sa sikat na swimming pool!!"

" Maraming swimming pool dito sa atin, san ba banda??"

" Dyan sa Grand Tiera resort,at alam mo ba kung sinong artista ang darating si Shaine! si Shaine lang naman, ang maganda at sikat na artista na bumighani ng puso ko ".

" Sino ba un?." sagot ni Bryan

"Badtrip ka talaga pre, hindi mo ba kilala yun, si Shaine Madrigal,yung artista, ang hina mo sa balita pre''

"Ahhh ganun ba!! sorry pre hindi ko talaga alam ehh"

"Yan kasi,sa subrang sipag mo huli kana sa balita" payabang na sabi ni Richard.

" Kailangan pre eh, may sakit pa naman si nanay ngayon, at isa pa hindi naman ako babaero tulad mo" Tawang sabi ni Bryan.

"Hindi na yan uso sa akin pre, alam na alam ko na yan, makita ba naman nila ang kapogehan kong to, siguradong mahuhulog silang lahat"

"Ikaw na pre!!bilib na ako sayo, sige alis na ako kailangan ko pang mamasada para makarami"

Paalam ni Bryan kay Richard.

"Geh,good luck sa pasada pre, magpapapoge na din ako para magustuhan ako ni Shaine"

" Ipatuloy mo, wag pasubra haa, baka matuluyan ka"

Patawang sabi ni Bryan at pinaharurut ang tricycle palayo.

"Nay, nandito na po ako" Magalang na tawag ni Bryan sa kanyang nanay Emma.

"Ginabi ka ata"paalalang tanong ng kanyang nanay.

" Sayang po kasi, marami yung pasahero dahil araw ng pamamalengke"
Pahinahong sagot ni Bryan.

"kumain kana ba?".

"Hindi pa po, gusto ko po kasing kasabay ko po kayong kumain, bumili pala ako ng pancit alam ko pong paborito nyo ito, kaya kakain na po tayo"

"Sige-sige mag hahain na ako"

"Sige po,magpapalit na rin muna ako ng damit"

Habang nagliligpit ng plato ay kina-usap ni nanay Emma si Bryan.

"Nak, salamat ha?"

"Para san po?, at isa pa bakit po kayo magpapasalamat dapat ako po ang gumawa nun dahil binigyan ako ng nanay na kasing bait mo nay kaya salamat po." sabay hawak sa kamay ng kanyang nanay.

"Alam mo nak ang swerte ko,ako na siguro ang pinakaswerteng nanay dahil biniyayaan ako ng anak na katulad mo mabait,maalagain masipag at higit sa lahat gwapo pa.Naalala ko pa nun noong una ka naming nakita ng tatay mo....

**********FLASHBACK************

"Pagod ka ba?"

Tanong ni nanay Emma sa kanyang asawa na si Pedreto habang naglalakad sa gilid ng dalampasigan pauwi sa kanila.Katatapos lang kasi nitong mangisda sa dagat.Mag-aalas nuwebe na ng gabi kaya tahimik na ang paligid maliban na lamang sa mga alon tumatama sa batohan.

"Medyo, pero pagkasama ko ang pinakamamahal kong asawa ay hindi ko maramdaman ang pagod".

"Palabiro ka talaga, hala cge bilisan na natin at cguradong naiinip na ang mga bata sa kaaantay ".

"Naglalambing lang!!"

"Palusot kapa naghahanap ka lang ng butas para makatabi mamaya''

"Nandun na din yun''

My 2 in 1 MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon