"I'm so tired of this Ark..." She said while sobbing.
Ramdam ko na rin ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko. Pagod na sya sakin, samin... Parehas naman kami nahihirapan pero siguro nga, ang insensitive ko para hindi sya intindihin.
I was about to answer her and agree to whatever she wants but my phone rings.
I'm waiting for an important call tonight kaya naman agad kong kinuha iyon at saka tumalikod sa kanya.
Buti na lang at may tumawag kung hindi ay pumayag na sana akong makipaghiwalay sa kanya nang hindi pinag iisipan nang maayos. We need space before talking about it, maybe we are just too emotional.
"Hello." Sagot ko dito saka pinihit ang siraduhan ng pinto para makalabas.
"Good evening Sir, this is CN hospital. Your son Nathaniel Zamudio is in the ER right now. According to the person who saved your son, Nathaniel committed suicide by jumping from the bridge. Please be here as soon as possible, the doctors are doing everything to revive your son-"
Nanginginig ang kamay kong pinatay ang linya. Isa lang ang nasa isip ko ngayon, ang mapuntahan sya agad. Bumaling ako sa asawa kong patuloy pa ring umiiyak habang nakaupo sa gilid ng kama.
"Cal... Nate is in the ER, he committed suicide." Tanging nasabi ko na lang
Natagpuan na lang namin ang sarili namin sa sasakyan. Mabilis ang pagmamaneho ko papuntang hospital.
"This is your fault! Ikaw ang may mas oras satin pero pinabayaan mo si Nate!" Sigaw nito sakin habang umiiyak.
"Hanggang ngayon ba naman Callie magsusumbatan pa rin tayo!?" Sagot ko sa kanya at pinilit mag focus sa daan.
"Dahil kasalanan mo naman talaga! Did you ever check if he's ok? No! because you don't have time for him! I know you alway go home late kahit 8hrs lang naman ang work mo! Tell me anong ginagawa mo sa mga oras na yun?"
"If having no time for him is the reason then why don't you say that to yourself? Whose more busy? Diba ikaw? you barely spent dinner time with us!"
"Wag mong ibalik sakin dahil I'm working to pay for everything we need! Samantalang ikaw wala kang maitulong!"
marahas kong hinampas ang manibela.
"Damn Cal! Hindi na ba talaga titigil ang pagsusumbat mo? Okay fine! ikaw na may malaking sahod! ikaw na ang nagtatrabaho para buhayin ang pamilyang ito! Oo na ikaw na lahat! ako na ang walang kwenta!" Binalingan ko sya ng masamang tingin."Ark..." gulat itong nakatingin rin sakin. Minsan ko lang sya pag taasan ng boses. Sa tuwing mag aaway kami ay ako ang umaalis para di na lumala pa. Pero hindi ko na mapigilan ngayon.
"Hindi ko pinabayaan si Nate." Madiing sabi ko sa kanya.
Hinding hindi ko pinabayaan ang anak namin. Ang daming sacrifices ang ginawa ko para kay Nate, ang lakas ng loob nyang sumbatan ako. Wala syang alam, WALA.
Pag balik ko ng tingin sa kalsada ay hindi ko inaasahan ang curve road. Ang bilis ng pagmamaneho ko at kung bigla kong ililiko ay siguradong babaliktad ang sasakyan namin. Kung wala naman akong gagawin ay tyak na babangga kami sa barricade at mahuhulog sa bangin. Pero hindi pwedeng wala akong gawin!
"Ohmyghad Ark!" She shouted
No... Please god no...
YOU ARE READING
Love Loop
FantasyLark Zamudio and Callie Jill Falzaro-Zamudio got married at the age of 18, fresh out of Senior High School. It's because Callie got pregnant. After 19 years of being married and having a son, life was not easy for them. Both became busy with their o...