CHAPTER 1 (edited)

1.4K 56 27
                                    

IMELDA

Tumunog ang aking alarm dahilan para magising ako. Agad ko itong inoff at umupo sa pagkakahiga.

5:30 pa lang ng umaga, ang kasanayan ko na oras na magising araw-araw except Sunday.

Kasalukuyan akong isang principal sa isang school at lilipat na rin soon sa ibang school.

Bumaba na ako sa bed ko at ina-arrange ko na rin ito dahil isa 'yan sa rule ko 'dapat malinis, organized and arranged'.

I'm 25 years old at nakatira pa rin dito sa mansion ng daddy ko kasama ang kapatid ko na si Alita na isang nurse.

Matagal nang wala si mommy, bata palang kami ng mga kapatid ko ay namatay na ang mommy ng dahil sa malubhang sakit.

All the happy memories are still here and will never be forgotten. Pero may masasakit at takot na ala-ala pa rin na kahit anong pilit natin itong kalimutan ay babalik at babalik pa rin ito na para bang isang bangungot.

Daddy was a politician back then, pero natigil iyon ng may masamang nangyari sa akin noong bata pa ako, at mas lalong natigil iyon ng namatay si Mommy. At ngayon, company business na lang namin ang matagal na nyang inaatupag.

Naligo, nag-ayos at nag bihis na ako. Naka suot ako ng white button down long sleeve na naka insert sa brown pencil skirt, pinaresan ko na rin ng nude sandals with heels.

Naglagay lang ako ng kaonting lipstick at blush on. Naka pusod rin ang aking mahabang buhok.

Tapos na akong nag ayos at nagspray na ako ng perfume sa aking wrist, neck, chest and thighs. Kinuha ko na rin ang chanel bag ko, books, and folders with papers inside para sa transfer ko bilang principal sa ibang school.

Lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba sa hagdanan. Agad naman akong sinalubong ni Sky, my baby pet dog, he's a boy at regalo sya galing kay Alita noong christmas.


Dahil daw sobrang boring at lonely ng life ko dahil walang akong boyfriend, binigyan nya ako ng puppy para daw may matawag naman akong baby araw-araw pag uuwi ako galing trabaho, heh.

Nilapitan ko si Sky na naglalambing sa aking paa, dinidila-dilaan pa nito ang aking legs. Lumilikot-likot pa ang tail nya, he's so cuteee.

Hindi ko na ito binuhat dahil naka white ako ngayon, kaya hinahaplos haplos ko lang ito.

"Good morning baby, you're so cute and pogi everyday baby." pag usap ko nito na parang anak ko na tao.

Bumaba na ako sa hagdan at sumunod naman ito sa akin papuntang sala.

Natigilan ako ng nakita lo si Daddy sa dinning table, kumakain ng breakfast nya habang may katawag sa phone at may mga papeles, agad ko naman syang nilapitan dahil minsan ko lang sya maabutan pag breakfast.

"Good morning, dad." pagbati ko sa kanya.

Itinaas nya ang kabilang kamay para sabihing intayin ko muna sya matapos sa kanyang tawag.


Matanda na sya pero ang kompanya parin namin ang ikina-busyhan nya, simula pa ng mawala si mama at ng tumigil na sya sa politics. Nag alala lang ako sa health nya, he has no time to rest and relax, puro nalang trabaho.

"Okay thank you, Architect De Guzman, okay..." sabi nya sa kabilang linya bago ibinaba ang kanyang cellphone.

"Goodmorning Remedios anak, sorry may importanteng discussion lang sa kompanya, anyway... going to work?" nakangiting sabi nya sa akin.


My DestinyWhere stories live. Discover now