CHAPTER 29

732 53 262
                                    

IMELDA

Nagising ako sa sakit ng ulo ko. Hang-over na naman. Dahan-dahan akong umupo sa pagkakahiga at hinilot-hilot ang ulo ko.


Bumuntong hinga ako ng makitang hindi pala ako nakabihis kagabi. Yuck. Baka sobrang lasing ko nga last night at nakalimutan ko nang magbihis.


Bumaba ako sa kama ko at nagtungo ng bathroom para maligo. Nang matapos akong magbihis ay bumaba naman ako sa pool area para kumain, kung saan madalas kami doon kumain ng breakfast ni daddy.


Im hungry, 11 am na at alcohol mula kagabi lang ata laman ng tyan ko.


Kumakain ako habang tulalang nakatingin sa kung saan-saan, inaalala ano na naman ang ginawa kong kahihiyan habang lasing ako kagabi. Ano nga pala ang nangyari kagabi?


"Meldy anak, kanina pa ako nagsalita rito." sabi ni dad dahilan para matauhan ako, nagbabasa sya ng newspaper.



"Oh, yes dad? sorry i was just uh, trying to remember what happened last night." sabi ko at hinilot ang sentido ko dahil wala akong maalala.



Ibinaba nya ang hawak nya na newspaper at sumipsip ng kape.



"I was just asking... do you have any goals to achieve this year, next year and so on?" biglaang tanong nya sa akin.


Napaisip ako, siguro ang magka-asawa at magka-anak? dahil 30 na ako? para naman hindi ako tatandang mag-isa? pero alam ko naman na kahit boyfriend nga ay walang wala ako? kaya imposible?



"Uhh... i want to be a successful business woman." sagot ko.
While im in Spain, na ako ang nag-aasikaso sa kompanya namin doon, nalaman ko na lang sa sarili ko na nagustuhan ko ang trabaho na iyon. Yes its stressful at nakakapagod, pero everytime after ko na achieve ang kahit konting bagay na nagustuhan ko ay feeling ko ang sarap sa pakiramdam, na parang para sa akin talaga ang bagay na ito, ang trabaho na ito, ang lahat ng ito dahil pinaghihirapan ko'to. It's not about the money, name and popularity. Its about how you love in what you are doing and how you give so much time and hardwork for it in order to achieve it.



"Then, ikaw ang magiging kapalit at bagong Chief Executive Officer sa pinakamalaking kompanya natin dito sa Pilipinas." sabi ni dad.

Muntik kong maibuga ang kinakain ko at napaubo dahil sa biglaang sinabi ni daddy.



"H-ho? Dad, i mean, what about auntie Sally? bakit biglaan at bakit... bakit ako." parang naguguluhan ko na tanong.


Eldest sister ni daddy si auntie Sally, sya ang ceo ng kompanya namin dito sa Pilipinas noon pa man na nawala ang grandparents namin. At naguguluhan ako dahil bakit naman papalitan nalang sya bigla, baka nag joke lang itong si daddy.



"I went and talked with your auntie Sally the other day. Gusto na daw nya mag retire dahil matanda na sya. Nag-iisip kami ng ipapalit sa pwesto nya, you know... wala na si uncle Robert, ayaw rin ni auntie Ellena. Your cousins also ayaw nila ang mag business dahil busy sila sa mga trabaho nila, they're also not good in business or not business minded."


Oo nga pala, they're doctors, lawyers and professionals yet they don't like business things or whatsoever, yung iba nga nasa ibang bansa.


"And? Nandyan naman si Alita at Daniel, ikaw daddy ikaw na lang. Bakit kasi ako, at tsaka how about yung kompanya natin sa Spain." tanong ko ulit. Oo gusto ko ang business, pero minsan kasi nagdududa at wala akong tiwala sa kakayahan ko at baka hindi ko talaga kaya. At may kompanya pa akong aasikasuhin sa Spain, baka babalik pa ako roon.


My DestinyWhere stories live. Discover now