a: Awe, nasa FINALE na po tayo :,) yoohoo, i will update the *SPECIAL CHAPTER soon kapag di na busy. Anyways, hindi muna ako magda-drama o mag author's note dito dahil alam ko na atat na atat na kayo sa anong mangyayari sa finale na ito:) enjoy reading, xoxo. 💋
btw, ito lang yung Finale na maraming ganap hahahahahahaha, pati special chapter marami-rami din magaganap don T-T
P.S. WAG KAYONG MADAYA, WAG NYO SCROLL DOWN AGAD SA PINAKADULO, SINASABI KO SA INYO😤😤😤
IMELDA
Bumaba ako sa sasakyan at nagtungo sa sadya ko sa lugar na ito.
Maganda ang sikat ng araw, presko ang simoy ng hangin, maaliwalas at tahimik ang paligid, tanging tunog lang ng mga ibon at pagsayaw ng mga dahon sa mga puno.
Dahan-dahan kong inilagay ang dala ko na basket ng sunflowers para sa kanya. Sunflower, ang paborito nya... ang paborito namin...
May mga tuyo na dahon sa ibabaw ng lapida nya kaya inalis ko iyon.
Umupo ako sa tabi ng puntod at napapikit habang dinadama ang presko na hangin.
Diko alam pero dahan-dahan bumagsak ang mga luha sa pisngi ko, napatingin ako sa kalangitan at nasa tabi ko.
"Its been a while since binisita kita rito..." panimula ko.
"Lately... nagtatampo ako sayo. Hindi ka na bumisita sa panaginip ko... takot kase ako na... kapag matanda na ako ay... makakalimutan ko na ang mukha mo, ang boses mo... dahil ngayon habang tumatanda ako, unti-unti nang lumalabo ang boses mo sa isipan ko..." sabi ko at napayuko, pinunasan ang luha sa pisngi ko.
"But i promise... and one thing's for sure is that... i will never forget your face, your love for me... the way you loved me, you cared for me. I will forever treasure that in my heart."
"These days... parang nawalan ako ng gana sa lahat, tiredness... im afraid... worrying, regreting, anxious and feeling down, here in my heart.
Im alone and need someone to rely on, siguro... life gives me lessons, and that life lessons gave me a different kind of pain and loneliness. Makayanan ko kaya to?""Ate..."
Napatingin ako sa likod ko, si Alita at Pacifico. Sinusundan na naman nila ako, na para bang takot sila na magpakalunod ako sa dagat o ilog, o di kaya'y tumalon sa tulay.
Well... malapit na.
"Kumain ka muna ng breakfast... kahapon ka pa hindi kumain, tara na, magkakasakit ka nyan..."
"Ate Imelda, sobra na ang pag-alala namin sayo... kaya kumain na ho kayo at magpahinga. Maawa po kayo sa sarili nyo." sabi ni Paco.
"Why, ikaw Paco... sa tingin mo ba kumain na ang kuya mo kung saan man sya ngayon? puntahan natin ulit sa ilog, hanapin natin sya... please..." umiiyak na pagmamakaawa ko.
Mag 24 hours na ng hindi pa nakita ang katawan ni Ferdinand, ang kanyang sasakyan lang ang nakita at ibang nasali sa aksidente. Paulit-ulit kong ipinahanap sa rescuers ang ilog kung saan bumagsak ang tulay.
Dalawa ang dead on arrival na akala ko na si Ferdinand yon ng nagpunta ako sa hospital, pero hindi...
"Kayo ba ang pamilya sa naaksidente?" tanong ng isang doctor.
YOU ARE READING
My Destiny
Fanfiction❛❛Our future is shaped by the hands of destiny. Do our hearts yearn to intertwine forever, or are we destined to wound, to hurt and to sore? Bunny & Hamster ♡