Saturday, 5:23 PM
Call started.
Juan Javier: Kumusta exam, paps?
Joshua Parco: (Sounds of footsteps) Pota. 'Di ko alam. Para akong lumulutang (laughs).
Juan Javier: (Chuckles) Normal 'yan. Gan'yan din ako dati. Pagkatapos pa lang ng first day, gusto ko na umiyak.
Joshua Parco: (Laughs) Dami error ng exam. Dami na namang ibo-bonus ng examiners...
Juan Javier: Awit. Ano ba subject mo ngayon, paps?
Joshua Parco: Law saka Tax. Ubos utak na agad, unang araw pa lang. Bukas ay FAR saka MAS. Medyo madali ng konti.
Juan Javier: Galing. Iba din 'tong manok ko, eh (chuckles).
Joshua Parco: Sira!
Juan Javier: Pauwi ka na?
Joshua Parco: Oo. Naglakad na ako palabas ng building.
Juan Javier: Sunduin ka namin? (laughs)
Joshua Parco: 'Wag na.
Juan Javier: Paano ba 'yan, nandito na kami sa labas (laughs hard).
Joshua Parco: Ha? Ano?
Dave (shouting on the background): We're here, manager! Kita ka na namin!
Joshua Parco: Kayo ba 'yung may pa-banner? (chuckles)
Juan Javier: Uu.
Joshua Parco: Gago (laughs). Sige na, lalapit na ako dyan. (Sounds of exaggerated cheering on the background) Kakahiya kayo! (laughs) Bye na.
Call ended.
BINABASA MO ANG
If You Asked Me To (An Epistolary Novel)
Novela JuvenilWith you, I can reach the stars. ~Olivia Del Castillo ✴✴✴ Epistolary Series # 4 Makulit pero seryoso. Mabait at responsable. Iyan si Joshua Parco Dimaano, ang manager slash accountant slash taga-alaga ng lasing sa barkada. Simple lang naman ang pang...