Umagang Chika
Your Weekly Dose of Blind Item to Keep You Guessing for the Week 😉
Ni Maylen GandanghariManila -- Juicy Tuesday! mga sismars! Heto na ang ating blind item for the week!
Sinetch itey itong isang well-known model and influencer na ngayo'y vuma-vlog na rin ang na-aktuhang nagtaray daw sa isang fan! Like, shocking! 😱 True, ba???
Itago natin si ate girl sa pangalang *ehem* Olive Oil. Oh, clue na 'yan ha, mga chikana!
Nagpost ang isang netizen diumano sa tokitoki, ang kinababaliwang site ng mga kabataan ngayon, na sinasabing hindi raw siya nginitian at ini-snob daw siya ni ate mong Olive Oil nang lumapit siya rito para magpa-picture!
Teh, baka naman kasi feeling paparazzi ka???
Anyway, tuloy ang chika. Alam naman natin na parang celebrity na rin ang turing sa mga vloggers or influencers lalo pa at laganap na sila ngayon. Marami rin silang following sa mga social media sites na nakadadadag sa algorithm nila. Doon din sila binabayaran mga sis kaya dapat no no no way to snobbing talaga! Or else, babush ka na sa industry!
Ang sa inyong kumare lang naman mga sis, mukha namang mabait si ate mong Olive Oil. Napakaganda at sweet magsalita. Hindi naman mukhang magtataray nang walang dahilan. Pero syempre, hindi natin alam ang buong istorya. Baka pala nasa loob nga ang kulo, 'di ba?
Kaya sa iyo, Ms. Olive Oil, kung mababasa mo man ito, baka mabibiyan mo kami ng explanation kung bakit 'di mo raw pinansin si ate mo girl! Mukhang dinibdib niya ito at talaga namang nagalit nang lubos kaya naglabas ng sama ng loob sa tokitoki! Madami pa namang mga kabataan ang mabilis maniwala sa mga fake and unverified news!
Ito ang umagang chika for the week. Nasasainyo kung kayo ay maniniwala. Mwehehehe.
Ang ating motto for the week ay: Life is short, make it shorter. Laban, mga baccla! 💃
See you next week sa isa na namang blind item! Rawr.
BINABASA MO ANG
If You Asked Me To (An Epistolary Novel)
Teen FictionWith you, I can reach the stars. ~Olivia Del Castillo ✴✴✴ Epistolary Series # 4 Makulit pero seryoso. Mabait at responsable. Iyan si Joshua Parco Dimaano, ang manager slash accountant slash taga-alaga ng lasing sa barkada. Simple lang naman ang pang...