140

389 8 0
                                    

THURS at 10:01 PM

Juan Javier:
Hoy erp

Joshua Parco:
Ano? Haha

Joshua Parco:
Bakit may pag-PM pa? Hahaha

Juan Javier reacted 😂 to this.

Juan Javier:
Hahaha

Juan Javier:
De, may sasabihin lang ako

Joshua Parco:
Kakabahan ba ako dyan?

Juan Javier is typing...

Joshua Parco:
Nakabuntis ka ba gago hahaha

Juan Javier:
Awow salamat sa tiwala

Joshua Parco reacted 😂 to this.

Juan Javier:
Seryoso, di mo kursunada si Mareng Olivia? Haha

Seen 10:08 PM.

Juan Javier:
Maganda naman siya, maputi, matangkad, mayaman, mabait, sexy din

Seen 10:13 PM.

Juan Javier:
Independent haha

Juan Javier:
At halatang gusto ka

Juan Javier:
Wag mo ko iseen gago hahaha

Joshua Parco:
Hahaha

Juan Javier:
Alam kong ayaw mo sa mga tulad naming mga influencers 😔

Joshua Parco:
Siraulo anong ayaw? Haha

Juan Javier:
Hahahaha I mean, alam naming ayaw mo ng jowa na nasa showbiz industry kasi gusto mo lowkey lang

Juan Javier:
Although hindi naman talaga showbiz industry, but more on media ganon

Juan Javier:
You know what I mean

Joshua Parco:
Oo, gets kita

Juan Javier:
Isang tanong isang sagot. Gusto mo o hindi? Sagot!

Juan Javier:
Nang magkaalaman na HAHAHA

Seen 10:18 PM.

Joshua Parco is typing...

Joshua Parco:
Oo...

Seen 10:20 PM.

Juan Javier:
Mukhang may reservations yang ellipsis mo manager ah haha

Joshua Parco is typing...

Juan Javier:
Uunahan na kita, wag kang gumaya kay Mayor at Mayora hahaha wag kang magpadala sa takot

Joshua Parco:
Gago haha

Juan Javier:
Ako ang iyong guardian angel

Juan Javier:
And I say: go for it 😚✊

Juan Javier:
Gusto ka naming makitang masaya haha

Joshua Parco:
Akala mo may jowa ka ah kung makapagsalita hahaha

Joshua Parco:
Di ka naman pinapansin ng crush mo hahaha

Juan Javier:
Luh foul

Joshua Parco reacted 😂 to this.

Juan Javier is typing...

Juan Javier:
Pag isipan mo mabuti erp

Juan Javier:
Bihira lang dumating mga perfect na tao hahaha

Joshua Parco:
Perfect amp

Juan Javier reacted 😂 to this.

Joshua Parco:
Sige, salamat sa concern sa lovelife haha

Juan Javier:
At your service

Juan Javier:

Seen 10:27 PM

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Seen 10:27 PM.

If You Asked Me To (An Epistolary Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon