I'm Foina Marielle Dela Cruz, simpleng dalaga sabi nila mukha daw akong nerd ng kaunti.
Dahil yun sa ayokong magayos at para na din maiwasan ang pagka humaling ng boys sa akin maganda daw kasi ako.18 years old na ako matangkad naman ako, maputi at makinis ang kutis ko, bagsak ang mahaba kong buhok, matangos ang ilong ko na namana ko kay daddy.
Iwas ako sa lahat ng boys lumaki kasi akong si mama lang ang kasama, kabit ang mama ko ng isang mayamang negosyante sa buong Pilipinas.
Ako yung tipong hindi friendly pero si mommy ay gusto akong nakikihalubilo sa iba habang ako iwas sakanila.
Naging iwas lang naman ako sa lahat simula ng mamatay ang daddy at magkaroon ng bagong boyfriend si mommy.
Nagalit ako sakanya dahil pinalitan agad si daddy, galit ako sa boyfriend nya dahil nagawa nyang gawing kabit ang mommy ko at sinira nya ang pamilya nya.Lumala nung nagpakamatay ang asawa ni tito dahil sakanila ni mommy, natakot ako aminin sa sarili ko na may kasalanan ang mommy sa dahilan ng pagpapakamatay ng asawa ni tito :'( kung hindi pumayag ang mommy na gawin syang kabit ay sana buhay pa ang asawa ni tito.
Mayaman kami marami kaming business sa buong mundo dahil kay daddy.
Mayaman ang pamilya nila daddy at ni mommy at ako ang nagiisang anak at tagapagmana nila.Kung sana nandito lang ang daddy ay hindi ako magagalit sa mga lalaki at sa lahat ng tao at lalong hindi ako matatakot na masaktan.
Matapang ako at hindi ako umiiyak dahil yun ang bilin ng daddy ko mahal na mahal ko sya pero iniwan nya kami ni mommy..Ayaw ko maging malungkot kaya ayaw ko magkaroon ng boyfriend dahil sakit lang sa ulo yan.
Nagbibigay problema sa mga babae kaya ayoko magkaboyfriend.
Takot ko lang masaktan no
*********************************************
I'm Generyle Chua anak ng isang kilalang negosyante. Isang rebelde sa pamilya dahil lang sa daddy kong sinira ang pamilyang meron kami. Kung dati ay idol ko sya ngayon kinamumuhian ko na.Ang mundo ko ay puno ng kalokohan, tulad ng pakikipag laro sa iba't-ibang babae gabi-gabi. Hindi syempre mawawala ang proteksyon dahil mahirap na makabuntis.
Wala akong balak magseryoso sa babae. Ang gusto ko ay maghirap ang kabit ng aking daddy tulad ng paghihirap namin ni mommy.
Pagbabayarin ko sila dahil sila ang dahilan ng magpapakamatay ni mommy at kung bakit ako mag-isa na sa buhay.Ipinamana sa akin ni mommy ang mga business namin dito sa Pilipinas kaya't hindi na ako tumatanggap ng kahit ano galing kay daddy.
21 years old na ako at graduate ng BSBA major in Finance
Matangkad, matangos ang ilong, may 6 packs abs ako dahil may sarili akong gym sa sarili kong bahay, maputi dahil ito na talaga ang kulay ko na namana ko kay mommy.
BINABASA MO ANG
Fate brought us together into FOREVER
RomanceKaya mo bang pumasok sa isang relasyon na tutol ang lahat? Relasyon na sa tingin mo ay bawal? Alamin natin kung kaya ni Foina Marielle Dela Cruz kung oo paano nya haharapin ang bawat pagsubok kaakibat ng pinili nyang landas? basahin at alamin ...