Krrrriiiiiinnnnggggg !!!!!!! Krrrriiiiinnnnggggg !!!!!!
Ay tae! Ouch ! Kainis na alarm clock naman oh! Ang ingay ! Nalaglag tuloy ako sa kama!
Tok! Tok! Tok!
"Young Lady handa na po ang agahan naghihinatay na po sa baba ang mommy nyo.""Susunod ako!" Sigaw ko sa katulong
Mag- aasikaso na muna ko first day ngayon sa bagong school na nilipatan ko.Naligo na ako at nagawa na lahat ng rituals ko tuwing umaga. Simple lang ang suot ko isang t-shirt na may tatak ni patrick ^___^
Paborito ko kasi sila ni spongebob hahaha, at isang simpleng jeans at flat shoes.
Wala akong make up pulbo lang ang nilalagay ko sa mukha ko.Nang bumaba ako ay nakita ko ang aming mahabang mesa at maraming pagkain habang nasa magkabilang dulo si mommy at tito
"Good morning mommy, tito"
Sabay kiss ko sakanila sa pisngi."Kain na iha" sabi ni tito
Sabay upo ko sa tabi ni mommy"Baby diba ngayon ang unang araw mo sa school? Susunduin ka namin ng tito mo ha may dinner tayo mamaya kasi darating ang stepbrother mo na si Gene mamayang gabi" sabi naman ni mommy
Tumango lang ako. Di ko pa nakikita ang anak ni tito simula ng naging sila ni mommy eh tutol kasi sya kaya ganon.
Nag paalam na ako sakanila pagtapos ng agahan namin.May driver pa ako kasi ayaw ni mommy na ako ang mag drive baka mapano daw ako.
Walang tiwala talaga yun si mommy.
Pagdating sa parking lot ng GC University ay bumaba ako agad.
Habang naglalakad ako sa first subject ko ay ang daming nagbubulungan.
"Eewwww !! Sino yan? Transferee? Ang pangit ng fashion nya ha " girl 1
"Sinabi mo pa " girl 2
"Pano nakapasok yan dito? " si girl 3 naman
Ang sarap sagutin ang mga to! Kung di lang masisira ang pangalan ni tito ay ginawa ko na.
Ang school na to ay pag-aari ni tito pinangalan nya sa anak nya.
Hindi ko nalang pinansin ang mga nagbubulungan wala naman akong mapapala sakanila eh.
Pagdating sa room ay naghanap lang ako ng bakanteng upuan at ang nakita ko ay sa bandang likod katabi ng bintana sa tabi nun ay may nerd na nakaupo habang nagbabasa ng libro.
Tumungo lang ako sa desk habang wala pang prof.
Kung nagtataka kayo kung bakit ako pamilyar dito at di na pumunta sa office ay dahil si tito ang nasa office at na-i-tour nas nya ko dito kahapon.
May aasikasuhin lang sya sa office ngayon bago sila umalis ni mommy bukas para sa business trip nila.
"Good morning class " biglang dating ng prof.
"Good morning" bati namin
"I'm prof. Myles your prof in accounting, please introduce your self start sayo miss" sabay turo sakin.
Pumunta naman ako sa harap
"My name is Foina Marielle Dela Cruz" tahimik sila na para bang hinihintay ang susunod kong sasabihin pero tiningnan ko lang ang prof. ng tapos-na-ako -look
"You may take your seat " sabay lakad ko na pabalik
Sunod-sunod na ang nagpakilala hanggang sa i- dismiss na nya kami ng maaga.
Ganon lang ang naging flow ng day ko ang boring dapat talaga nag home school na lang ako napapagod lang ako dito eh
Nag-uwian na at nasa parking lot na sila mommy at tito.
BINABASA MO ANG
Fate brought us together into FOREVER
RomantikKaya mo bang pumasok sa isang relasyon na tutol ang lahat? Relasyon na sa tingin mo ay bawal? Alamin natin kung kaya ni Foina Marielle Dela Cruz kung oo paano nya haharapin ang bawat pagsubok kaakibat ng pinili nyang landas? basahin at alamin ...