Chapter 3

101 7 0
                                    

Foina's POV
Maaga akong pumasok. Tulog pa si gene ng umalis ako kaya di na ako nag paalam sakanya may pasok naman daw yun sa opisina nya mamaya. Naglalakad na ako papunta sa room ko ng biglang dumating si charlene na may kasamang dalawa pang babae.

"Hi! Foina(^__^)" masiglang bati ni charlene sakin

"Hi" walang ganang sagot ko ayaw ko kasi maging malapit sakanila baka ginagamit lang nila ako tulad ng dati kong kaibigan.

"Foina ito si jenica at danica kambal sila classmate natin sila sa iba nating subject" pakilala ni charlene

"Hi I'm jenica nice to meet you (^___^) " sabay lahad nya ng kamay at tinanggap ko naman

"Ako si danica nice to meet you foina(^__^)" inilahad nya rin ang kamay nya at tinanggap ko din naman

"Ahh sige mauna na ako" paalam ko sakanila

"Teka lang foina maaga pa naman sama ka sa tambayan namin" sabay na sabi ng kambal at hinila ang magkabila kong kamay

Nanay ba ko ng dalawang to!? Nako naman ......

Nakarating kami sa likod ng school at nagkanya-kanya na silang pwesto sa ilalim ng puno at :O naglabas ng pagkain!?ano to pinaghandaan nila? Tumabi nalang ako kay charlene.

"Hindi naman halatang ready kayo no? " sarcastic kong sabi

" hahah hindi naman yang kambal kasi excited ngayon lang kasi kami ulit nagkaroon ng kaibigan eh kaming tatlo kasi laging magkasama" paliwanag ni charlene

"Bakit? Wala ba kayong ibang friends dito? " tanong ka

"Wala ayaw kasi namin sakanila eh ang plastik masyado" sabi nya, parehas pala kami siguro okay lang naman kung magtitiwala ako sakanila mukha naman silang mabait eh tsaka ang hirap kaya ng hindi ngumingiti atleast ngayon may dahilan na ako para ngumiti ditomsa school noh.

"Charlene bakit naka nerdy glass kayong tatlo? Malabo ba mata nyo?" Tanong ko napansin ko kasi sila na pare-pareho kaya ayan apat na kaming nakasalamin.

"Hindi ayaw lang namin na lagi kaming napapansin ,eh ikaw? Malabo mata mo?" Tanong nya at nakita kong tapos na mag ayos ang kambal at nakikinig na sila sa pag-uusap namin

"Hindi rin ayoko lang din nakukuha ang atensyon nila para iwas gulo" paliwanag ko

"Edi tanggalin na muna natin mga salamin natin, tara kain tayo habang nagkwe-kwentuhan para masaya" sabi ni danica

Tinanggal na namin ang mga salamin namin at inabutan ako ni jenica ng sandwich.

"So magkwento muna kayong kambal tungkol sa sarili nyo then si charlene then ako para makilala ko kayong tatlo" nakangiti kong sabi sakanila sabay kagat sa sandwich ko.

"Ako si danica, mas matanda ako ng 30 seconds kay jenica dalawa lang kaming magkapatid. Mayaman naman kami pero mahirap kasi laging wala sila daddy sa bahay. 18 years old na kami sabi ni charlene childish daw kami pero sya din naman heheh" nakangiting sabi ni danica sabay takbo dahil inambahan sya ni charlene ng batok. Hahah mga baliw ayun naghabulan na silang dalawa.

"Foina magpapakilala pa ba ako? Parehas lang naman kami ni danica eh" sabi ni jenica

"Okay lang, wag na HOY! MAGKWENTO NA AKO!!" Sigaw ko sa dalawa kaya napatakbo na sila

"Naghome school ako simula highschool ko ayoko kasi nakikisalamuha simula ng mamatay ang daddy ko tapos ang mommy nag boyfriend ang boyfriend nya eh yung may-ari ng school na ito. Nasa business trip ngayon sila kaya ang kasama ko sa bahay eh si gene at mga katulong bahay yon ng daddy ko at minana ko yun sakanya. Gusto nila mommy na lumipat kami sa bahay ni tito pero ayoko sumama kaya hindi nalang sila bumukod gusto kasi ni mommy na nababantayan nya ako baby nya parin daw kasi ako eh. Nag iisang anak lang ako kaya wala akong kasama pero ngayon si gene na ang kasama ko. " natapos na akong magkwento eh nakatulala parin silang tatlo kaya nag snap ako ng finger sa harap nila.

"Graaabbbeeeeee !!!!!! Magkasama kayo sa bahay ni gene???" Patiling tanong ni charlene sakin

"Wwaaaaahhhhh !!!!! Gusto ko sya makita ! !!!!! " patiling sabi naman ni danica

"Iiiieeeeeehhhhh!!!!! Ako rin ! Ako rin! Ako rin!" With matching taas kamay pa na sabi ni jenica.

"Okay next time mag over night kayo sa bahay para makita nyo sya" nakangiti kong sabi sakanila

Napatingin ako sa relos ko at 5 minutes nalang eh time na.

"Tara mag start na ang klase natin" yaya ko sakanila

Classmate ko pala silang tatlo ngayon kaya magkakasama silang tatlo kanina. Pagkarating namin sa room ay biglang dating naman ng prof.kaya sakto lang naman.

Kaunting discussion lang then nag exam kami. Madali lang naman eh kaya nakaperfect kami ni charlene habang ang kambal ay tig isang mali.

D I N G ! D O N G !

Bell yan kaya nag dismiss na yung prof. Mamaya pa ulit ang klase ko at yung kambal ay may klase kaya humiwalay kami ni charlene sakanila. Pumunta nalang kami ng library ni charlene ng may makabangga ako.

"Ouch! Shocks ! Ang sakit !" Daing ko at may naglahad ng kamay sa harap ko

Napatingala ako, (°.°) ako yan. Ang gwapo !!! Gosh !! Ang puti, ang tangos ng ilong, ang gandan ng katawan, ang ganda ng mata at ang pula ng lips nya grabe!!! Ang sarap tikman !!!

Bad! Foina! ! Bad ! Naging malandi ako. Sorry Papa God ..

"Sorry miss hindi kita napansin, my fault. May masakit ba sayo? Gusto mo dalhin kita sa clinic?" Napabalik ako sa realidad ng magsalita sya, ang kisig ng boses nya buong buo.

"Ahh okay lang ako sige salamat :-)" simpleng ngiti ko sakanya sabay alis na baka kasi di ako makapag pigil eh

"Ang gwapo nya noh? Sya si andrew captain ng basketball team ng school mvp yun." Biglang salita ni charlene, ngayon ko lang naalalang may kasama pala ako kaya kinalimutan ko na yung nangyari.

Nang makarating kami sa library ay hinanap na namin ang mga librong kakailanganin namin para sa assignment namin.
Sabay kaming gagawa para malaman namin kung may mali o tama para sure na perfect kami mamaya.
Balak na din namin na dito na magreview dahil may exam kami mamaya, tutulungan ko lang sya hindi ko naman kailangan na magreview eh.

"Hi! pwede makishare ng table? " biglang salita nung nakabangga ko kanila kaya tinanguhan ko lang sya hindi dapat ako na-a-attrack sa mga lalaki dahil masisira lang focus ko sa study.

"Andrew nga pala miss ikaw?" Tanong nya. Hindi ko nalang pinansin dahil ginagawa ko ang assignment ko.

"Bago ka lang ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita dito eh." Tanong nya ulit, pa flirt ang boses. alam ba nya ang salitang istorbo?

"If you don't mind, nag sasagot kasi ako eh. Nakakaistorbo ka kung gusto mo sa iba ka magpakilala, I'm not interested alam mo ba yun? Library kasi to eh kaya pwede ka na umalis dyan sa kinauupuan mo at lumipat ka sa iba." Kalmado kong sabi sabay balik sa sinasagutan ko ganun din ang ginawa ni charlene.

"Oh! I'm sorry." Sabay alis nya.

Natapos na kami ni charlene kaya pumunta na kami sa next class namin. Natapos ang araw namin na ganun lang kaya sabay-sabay na kami umuwing apat. Sa di kalayuan ay nakita ko yung driver namin.

"Una na ko girls, bye ingat kayo ha" paalam ko

"Bye! Ingat!" Sabay na sabi ng tatlo.

Nang nakarating ako sa bahay ay wala pa si gene kaya naligo na muna ako at natulog busog pa naman ako.

Fate brought us together into FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon