Hi guys, first special chapter. Terrence first followed by Trish. I don't know exactly when will I publish her PoV.
TERRENCE
"Saan ka na naman pupunta ha?! Pupuntahan mo siya at magmamakaawa ka?! Are you fucking insane?!" she spilled. I was thinking about the ways to shut her mouth. Naiinis ako dahil ayaw niya akong tigilan. Can't she see? I was thinking about the stupid ways to clear her from my mind pero hindi ko magawa.
Three months ago, I have decided to let go of her but I want to stay with her too. Sobrang gulo ko! Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong mag-move on pero mahirap. Paano? Paano ako magmmove on kung parati siya ang nasa isip ko? Alam kong mali. Mali na iwan ako sa mismong kasal ko pero... I want to clear things out. Hindi sapat 'yung huling usap naming dalawa.
Nagbakasyon ako at lumayo para maialis siya sa isip ko. Sobrang nadurog ang ego ko that time. Siya na mismo ang nagsabi na hindi niya ako mahal. Iniwan niya pa ako sa mismong kasal namin. Sinong tao ang hindi mapapamura noon? Alam kong sobra akong nasaktan pero shit lang talaga, bakit mahal ko pa rin siya hanggang ngayon? Ano bang antidote ang kailangan ko para matanggal 'yung kamandag ng freak na 'yun sa sistema ko? Habang patagal nang patagal ang pag-mmove-on ko sa kanya ay mas lalong nakakatangina 'yung feelings ko. Jusko freak, ano bang laway meron ka at hanggang ngayon ay hindi kita makalimutan? Shit lang kasi! 'Yung mapula niyang labi, namimiss ko na. 'Yung kamay niya na fit na fit sa kamay ko. 'Yung pag-iinarte niya. 'Yung pagiging sweet niya na once in millennium year lang mangyari. 'Yung lahat ng bagay na may kinalaman sa kanya, namimiss ko.
"So, sayang lang 'yung effort ko na inilaan sa'yo para makalimutan mo siya?" tanong ni Ate sa akin. Pero bahala na si Batman, ano pa nga ba ang magagawa ko? Siguro, hindi niya pa naman ako nakakalimutan. Bahala na talaga, siya pa rin kasi hanggang ngayon.
Hindi ko siya sinagot at inayos ang mga damit ko at isa isang nilagay sa maleta. Bahala siya sa kakasermon sa akin. Tutal, magsasayang lang siya ng oras para sermunan ako. Eh? Hindi naman ako makikinig sa kanya. Buo na talaga ang desisyon ko. Nasaktan na nga ako noong hindi niya sinipot 'yung kasal namin tapos sasaktan ko pa ang sarili ko ng paulit ulit? Nasasaktan ako lalo kapag namimiss ko siya. Eh paano 'to ngayon? Tatlong buwan akong lumayo at lagi ko siyang namimiss. Mas lalo lang akong nasasaktan sa ginagawa ko. Bangis talaga ni freak, hanggang ngayon siya pa rin.
"Grabe, Terrence! Gusto kitang sabunutan!" gigil na sabi ni Ate Denise. Kailan ba siya titigil?
"Ang ingay mo naman ate!" sita ko sa kanya. Inayos ko ang pagkakabutones ng polo shirt ko at tumingin sa salamin, "Alam mo, mas nahihirapan lang ako ng ganito. Ang layo layo natin sa syudad. Isinama mo pa ako sa boring na probinsiya na ito. Mas mababaliw lang ako! Bumalik na tayo sa Manila." Sabi ko sa kanya.
Pinanliitan niya ako ng mata, mas lalo tuloy sumingkit ang mata niya.
"Ang adik mo?! Nag-aadik ka na ba?!" tanong niya sa akin. Bumalik ako sa kinalalagyan ng maleta ko at isinara ang zipper nito.
Everyone has addiction. Mine happens to be with her..
NAGING mabilis ang biyahe ng eroplano mula Cebu papuntang Manila. Hindi ko alam ang gagawin ko pagkalapag ng eroplano, magpapahinga muna ba ako sa condo ko? O pupuntahan kaagad siya? Miss ko na si freak pero may parte pa rin sa puso ko at utak ko na sinasabing huwag muna. Durog na nga ang ego at puso ko noong sinabi niyang hindi niya ako mahal at iniwan niya ako sa kasal namin tapos ako pa ang lalapit sa kanya. Pero wala na talaga akong pakialam sa sasabihin ng iba, tanga na kung tanga. Ang importante, masaya ako sa gagawin ko.
Siguro naman ay mahal niya pa rin ako kahit papaano. Ayos lang kahit 30% na mahal niya ako, ako na bahala sa natitirang 70%.
Sinundo ako ng driver nila dad. Sinabi ko sa kanya na ibaba aka bahay nila freak. Noong una kumunot ang noo niya pero noong nakita niya ang pagsama ng tingin ko ay napangiti na lang siya.
Hindi naman masamang magbigay ng second chance. Life always offers us a second chance, that's why we have a word 'tomorrow'. I think this is the best way to do because losing her is one of my biggest fear in my life. I will be always fall in love with her. She have changed my life more than I could ever asked for.
I fell in love with her... not sure when, why or even how.
I just did.
Tumigil ang kotse sa mismong harap ng bahay nila. Sobrang lungkot ng bahay nila. Wala na si Tristan. Nariyan si Papa. Shit, bakit ba Papa pa rin ang tawag ko sa Papa niya? Sobrang feeling close ko naman. Nakiki-Papa pa ako sa hindi ko naman Papa.
"Iwanan niyo na ako dito, mauna na kayo sa bahay." Bilin ko sa driver. Tumango siya sa akin at sinabihan pa ako ng 'good luck'. Pakilamerong driver na 'to, mas kinakabahan tuloy ako.
Nag-doorbell ako ng isang beses. Oo, isang beses lang. Aba, gwapo ako e. Dapat pinagbubuksan kaagad ako ng gate. Tama nga ang hula ko, bumukas kaagad ito.
Napatulala ako sa babaeng kaharap ko ngayon. Maikli na ang buhok niya. Hindi na kagaya ng dati na hanggang gitna ng kanyang likod. Ayaw kong magpagupit siya dati dahil gusto ko na mahaba ang buhok niya, pero bakit hanggang ibaba ng tainga na ito ngayon?
"What happened to your hair?" agad na lumabad sa bibig ko dahil sobrang apektado ako sa nangyari sa kanya at sa kanyang buhok. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Tangina naman Terrence, nawala 'yung pinractice mo kanina sa plane. Naasan na ang line na, "Mahal na mahal kita, Trish?". Seriously? Bakit ganito ang nasabi ko after three months na pagkakalayo naming dalawa? Badtrip naman.
"Ha?" tanong niya. Natawa ako bigla. Siguro hindi niya rin ini-expect 'yung tanong ko.
"Pwede mo ba akong papasukin?" tanong ko sa kanya. Sasagot na sana siya sa tanong ko kaso may dinagdag ako sa tanong ko sa kanya, "Diyan sa puso mo?" napalitan ng ngiti ang kanina'y malungkot na emosyon sa kanyang mga mata.
Hinampas niya ako sa dibdib ko at nagulat ako noong isinubsob niya ang mukha niya sa dibdib ko, "Freak, umiiyak ka ba?" tanong ko at niyakap ko siya. Sinungitan niya ako at pinaghahampas ang dibdib ko.
"H-hindi a-ako u-umiyak. Bakit naman k-kita iiyakan?" tanong niya sa akin. Imbis na matawa sa sinabi niya dahil literal na binabasa niya ng luha ang polo shirt ko ay mas lalo ko siyang ikinulong sa mga bisig ko.
"Bakit ba sobra kitang mahal?" tanong ko sa kanya. Mas lalo siyang naiyak sa tanong ko at ako naman ay sobrang namiss siya na mahagkan ng ganitong kahigpit.
Well, I guess. I really need a hug, I actually need a hug from her.
Happy ending always takes place on the last page. I guess, I have found my happy ending with her.
BINABASA MO ANG
My Greatest Downfall (Published under Summit Media)
Teen FictionSequel of Famous Meets Bad Girl: "I can admit, I'm a different person now than I was three years ago.." she said. She was intently looking at the man she left three years ago, those dark pools of eyes were staring at her, "You want the truth? I stil...