MGD 13 - He's Too Perfect

276K 6.1K 943
                                    

Hay, salamat. Sinapian ako ng kasipagan.

Play the multimedia on the side 

****

MGD 13-He's Too Perfect

Since gabi na ay napagpasyahan ko na bukas ko na lang kakausapin si Terrence. I know I've hurt him but it doesn't mean that I stop caring for him.

I lied..

Hindi ko naman rin masisisi ang sarili ko why I acted that way, I was hurt. Hindi lang ako ang naapaketuhan pati na rin si Tristan. He cursed Terrence to death.

After knowing the truth, para akong tanga na nangingiti habang nagdadrive pabalik sa Manila. Nagpaiwan na rin si Steph sa rest house nila sa Batangas. Gusto n'ya rin raw magpahinga. Gusto ko sanang magstay doon hanggang bukas but my mind was telling me na I should go back to Manila now. I have this urge to reconcile things with him. I want to be happy..and I hope I can make it by making up things with him.

I really don't know why I felt this way. Siguro after ng lahat ng nangyari ay ganun pa rin. Naging matigas ang puso ko. I was too cruel to the point na isusumpa mo ako. I think, ito talaga ang epekto kapag nasasaktan ka. You learn how to use your heart less.

After few hours ay nakita ko na rin ang malaking gate ng bahay. Bigla akong kinabahan, how can I explain things with my brother? Paano na si Liam after? Ugh, bahala na nga. Basta gusto kong sumaya. Tapos ang usap.

Gusto ko na rin ng kapayapaan. Yung kagaya ng normal na buhay ko dati. Yung simple lang at tanging pagmamaldita ko lang ang ginagawa ko sa buhay, yung mag-aaral ka at uuwi ng bahay. All of my routines were changed since I met those jerks; Elite 5.

Sa hinaba haba ng panahon noong nakilala ko sila, halos ganoon pa rin sila. Pero sana talaga ay maayos na ang gusot sa pagitan ng dalawang best friend ko. Ugh, may atraso nga pala sa akin si Carl. I won't forget that. Pero sa ngayon ay aasikasuhin ko muna ang mga bagay na ikakatahimik ng buhay ko. 

Breathe in. Breathe out.

Everything will be fine Trish. Pero h-hindi e. Noong papasok pa lang ako sa gate ay nakita ko pa ang isang problema, bakit ba ang lakas mang-asar ng tadhana? Nakatadhana din bang magkita kami ngayon ni Liam?

Binuksan ko ang salamin ng bintana ng kotse ko, "Hey." I greeted. The way he smile at me, I felt guilty.

I am unfair to him, he courted me for three years and yet, wala pa rin s'yang nakukuhang sagot sa akin. Can I blame myself kung ganito ang naging desisyon ko? I won't lie to myself. Hangga't kaya kong hindi s'ya masaktan ay gagawin ko, I won't make him a rebound. Mas duwag ka siguro kung gagawin mong isang panakip butas ang isang lakaki. Why? Because you are so pathetic, hindi dahilan na magpaasa ng iba kung wala ka naman talagang nararamdaman para sa kan'ya. Never say yes to the person kung hindi ka pa nakakapag-move on.

Bumaba ako kaagad ng kotse ko, "Where have you been?" he asked. Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa likod ko and walk towards him. I felt uneasiness.

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon