Napailing ako sa ilang ulit na ring ng cellphone ko. Kanina pa siya tumatawag. Sinagot ko siya kanina pero agad ko rin na pinatay dahil busy pa ako. Nasa isang Divisoria ako at naghahanap ng pwedeng maisuot sa interview ko. Triny kong mag-apply sa ibang kompanya dahil gusto ko ng makapagtrabaho.
Ayokong tumambay buong summer dahil mauubos lang ang pera na naipon ko. I kept convincing Phoebian na hindi na ako papasok as his personal cleaning lady dahil nakakahiya na. Sinagot ko na kasi siya at ang weird nun na cleaning lady niya ako and at the same time, girlfriend.
Sinagot ko siya dahil gusto kong itry na magkaroon ng boyfriend. May feelings din ako sa kanya. Hindi man ganun kalalim pero seryoso ako. Ako yung tipo na siya lang talaga ang para sakin. Stick to one ako na tao. Kung hindi magwork yung relationship namin sa susunod na mga araw then tatanggapin ko. Masaktan man ako, okay lang yan. After all, minsan lang kasi na magkatuluyan ang isang mayaman at isang dukha. Sa fairytale lang yun nangyayari. Sa fiction. Pero sa real life, ang daming natatalo.
Pero try lang ako. Parehas naman kami ni Phoebian na matured na. I'm already grown-up lady. Hindi pa full grown-up pero malawak yung pag-iisip ko. Rerespituhin ko si Phoebian.
Umikot-ikot pa ako sa buong Divisoria para maghanap ng masusuot. Kahit mura lang ay okay na. Hindi naman fashion week ang pupuntahan ko. Job interview at kapag pumasa ay swerte ako. May nabili akong pencil skirt na maganda ang tela at hindi madaling mapunit. At may nahanap akong magandang formal shirt na pwedeng isuot at maganda din. No one would notice naman.
Pag-uwi ko ay natulog muna ako dahil napagod ako sa kakalakad kanina sa Divisoria. Dalawang oras yung nap ko at nagising ako ulit sa tunog ng cellphone ko. Nakakunot ang noo ko ng kinapa ko ang cellphone ko. Yung pangalan ni Phoebian ang nakarehistro sa aking cellphone. Sinagot ko ang tawag niya.
"Hello." Panimula ko.
"Hey, where have you been earlier? I kept calling your contact number but I couldn't catch up. Looks like you've been outdoor." Ang husky ng kanyang boses. Parang bagong gising.
Tinanong ko siya kung nasaan siya.
"I'm outside of your apartment. Come out please. I bought something." Utos niya sakin na ikinanunot ng noo ko.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Sumilip nga ako sa bintana.
"Nandito ako sa kwarto. Tumingala ka." Sabi ko. Nakita ko siya na nasa harap sa hindi kataasan na gate.
Ako yung nahiya sa height ni Phoebian dahil hindi siya bagay na tumayo sa lugar ko. Sa taas niyang 6'5 ay para siyang hari kung makatayo sa harap ng apartment ko. Inayos ko muna ang sarili bago ako bumaba. Pinatay ko muna ang tawag. Yung suot ko kanina ay yun lang din ang suot ko, hindi ako nagbihis agad dahil inaantok ako pagdating ko sa apartment.
Binuksan ko yung pinto at nakita ko agad yung mukha niyang halos hindi na maipinta.
"Ang tagal." Reklamo niya.
Nakasimangot akong binuksan yung gate at pinapasok siya.
"At bakit ka naman pumunta dito kung magrereklamo ka."
"Got a little confident coming here to give you these."
Linabas niya ang tinatagong bouquet ng pink roses.
"Salamat." Nakasimangot kong sabi.
Sabay kaming pumasok. Padilim na ang langit.
"Alam mo, pumunta ka dito ng gabi. Alam mo naman na matutulog ako. Dapat bukas ka nalang pumunta." Naiinis kong sabi pero biro ko lang yun.
"You're going to sleep? At this hour? It's still early. Can we eat first before I go home? I'll order."
"Okay."
BINABASA MO ANG
Phoebian (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series I) Mahirap ang buhay ni Maia. Bilang isang kolehiyala ay dapat kumayod din siya para may ipakain sa sarili at makabili ng kanyang pangangailangan. Isa siyang clerk sa isang convenience store. Masuwerte siya dahil tinangga...