"Matagal ko na rin itong sabihin sa iyo at kumukuha lang ako ng lakas ng loob para sabihin sa iyo ang napakahalagang bagay na ito." dahan-dahan na tumayo si Mike sa kaniyang kina-uupuan at hindi ko inaasahan na luluhod siya sa aking harapan at sabay sabing. "Kristina, will you be my girlfriend?"
Nagulat ako ng husto sa kaniyang ginawang pagluhod lalo na sa sinabi niya. Subalit hindi ko maikakaila sa aking puso na sobrang na-touch ako sa ginawa ngayon ni Mike. Dahil sa sobrang napakapormal ng kaniyang paglahad ng kaniyang pag-ibig sa akin gayon din ang kaniyang pagtanong na "Can I be here girlfriend."
Hindi na ako nag-isip pa at nag-aalinlangan na sagutin agad ang tanong ni Mike kung kaya't agad kong sinabi sa kanya ang salitang. "Yes Mike," emosyonal na pagsabi ko habang pinipigilan ang aking sarili na umiyak dahil sa tuwa na aking nadarama ngayon.
Mayamaya pa ay biglang tumayo si Mike at aking ikinagulat at ikina-bigla nang bigla-bigla na lang siyang tumalon at sumisigaw dahil sa tuwa at saya na kaniyang naramdaman nang sagutin ko ang kaniyang paglahad ng pag-ibig sa akin o ang pag-alok niya sa akin na maging girlfriend niya.
Tila hindi alintana kay Mike ang mga taong nakapalibot sa kanya na siyang nagulat at nagtaka sa kaniyang biglang pag-ingay sa harap ng maraming tao.
Tila hindi alintana sa kanya na napakaingay niya ng mga oras na iyon at kahit na mga pagpipigil ko at pagpapahinto sa kanya at hindi niya na pansin dahil sa kaniyang umaapaw na saya at tuwa sa puso. Dahil lamang sa sinagot ko na siya.
Mayamaya pa ay dahan-dahan na huminto si Mike sa kaniyang pagsisigaw at agad na niyakap ako ng mahigpit. "So, tayo na nga talaga Kristina. Wala nang bawian at magkarelasyon na tayong dalawa simula ngayong araw hanggang sa huli. Pinapangako ko sa iyo na hindi kita sasaktan. Hindi kita lolokohin at aasahan mong wala kang may ilabas na luha mula sa iyong mga mata. Iingatan kita at hindi kita pababayaan Kristina. Ipapangako ko na hindi ko gagawin ang ginawa sa iyo ng ex-boyfriend mo. Ipapangako ko na ikaw lang ang babaeng aking mamahalin magpakailanman. Tandaan mo at asahan mo ang lahat ng sinabi kong ito sa iyo Kristina. Nandito lang ako palagi para sa iyo. Mahal na mahal kita Kristina," wika pa ni Mike habang isa-isang nagbibitiw ng mga pangako sa akin sabay hinalikan ako sa aking noo.
"Oo Mike tayo na nga," maikling sabi ko sabay niyakap siya nang mahigpit habang napapaisip.
"Sana nga ay hindi ka matulad kay Troy Mike. Sana nga ay hindi mo gawin sa akin ang ginawa ni Troy noon sa akin. Mahirap man na magtiwala muli subalit sisikapin ko at gagawin ko ang magtiwala sa iyo," bulong ko pa sa aking sarili habang biglang sumagil sa aking isipan ang mga ipinangako noon ni Troy sa akin na siyang magkasing-katulad din sa mga sinasabing pangako ngayon ni Mike sa akin.
"Nag-iingat lang ako at naninigurado Mike sapagkat minsan na akong nagkaroon ng trauma ng dahil lamang sa pag-ibig at iyon ang pinaka-iniiwas iwasan ko na mangyari muli sa aking buhay. Sapagkat hindi ko na talaga iyon makakaya pa. Mahal na kita Mike at tunay itong pagmamahal at pag-ibig ko sa iyo subalit hindi na muna ako magtitiwala ng lubos sa iyo at ibibuhos itong pagmamahal ko sa iyo. Kahit na sabihin na nating naibigay ko na sa iyo ang aking pagkababae o ang aking buong katawan sa iyo. Kailangan ko pa rin na manigurado at mas pahalagahan ang aking sarili para maging handa man ako ano mang oras. Oras na mangyari na naman ang hindi ko inaasahang mangyari," bulong ko ulit sa aking sarili habang palihim na nag-iisip ng kaka-ibang bagay.
Mayamaya pa ay matiim akong tinitigan ni Mike sa aking mukha habang nakangiting hinahawakan ang aking mukha. "Hindi ka talaga magsisisi na sinagot mo ako Kristina. Sisiguraduhin kong hindi mo pagsisihan ang iyong mga naging desisyon. Sisikapin ko na hindi ka manghihinayang na ipagkatiwala mo sa akin ang iyong puso at pagmamahal. Handa kong gawin ang lahat para sa iyo Kristina. Handa akong magsakripisyo para sa ating relasyon dalawa. Nagpapasalamat talaga ako na naging akin kana Kristina. Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala na naging tayo na. Noon ay pangarap ko lang ito subalit ngayon ay nagkakatotoo na. I'm so happy because of you Kristina," wika pa ni Mike habang dahan-dahan na inilapit ang kaniyang mukha sa aking mukha at unti-unting inilapat ang kaniyang labi sa aking labi hanggang sa maghalikan kaming dalawa ni Mike sa isat-isa.
"Naniniwala ako sa iyo Mike. Mahal kita Mike!" Emosyonal na pagsabi ko kay Mike habang may ngiti sa aking mga labi sabay niyakap siya nang mahigpit.
Naging officially on or in a relationship kami ni Mike buwan nang February 27 at sinagot ko siya at exactly 8:30 in the evening. Nu'ng gabing iyon ay pareha kaming sumaya, natuwa at kinikilig sa kadahilanan na nag-isang dibdib kami.
Hindi ko akalain na ang pagiging magkaibigan namin ni Mike ay hahantong sa pagmamahalan.
Hindi ko rin in-expect na ang aking turing at tingin sa kanya bilang isang kaibigan ay magbabago at magkakaroon ng mas higit na turing ko sa kanya bilang isang kaibigan.
Hindi ko inaasahan na mahuhulog ako kay Mike at mamahalin ko siya nang ganito.
Dahil dito ay nabigyang linaw na rin ang tanong sa aming isipan at puso dalawa ni Mike. Nabigyang kasagutan na rin kung ano ang meron sa pagitan naming dalawa.
Hindi kagaya nu'ng dati na basta-basta na lang may mangyayari o may magaganap sa amin ni Mike na wala man lang kaming label at relasyon sa isat-isa na nagsasabing magkarelasyon kaming dalawa.
Basta't ginusto namin at ikakasaya namin pareho ay ginagawa namin kahit na wala pang pormal ang aming relasyon dalawa. Tila ba parang masasabi kong friends whuth benifits kami ni Mike dati.

BINABASA MO ANG
ABOUT LAST NIGHT ( Tagalog )
RomanceAksidente at hindi inaasahan na mangyayari ni Kristina na basta-basta niya lamang maibigay ang kaniyang iniingat-ingatang Dignidad at Kalinisan bilang isang babae sa binatang nakilala niya lamang ng isang gabe. In short Kristina got a One Night Stan...