"Paliwanag? Oo ipinaliwanag mo nga sa akin subalit hindi mo sinabi na matagal na pala kayong engaged dalawa and you supposed to be married with her kung hindi lang sana siya tumanggi noon sa pag-aalok mong kasal para sa kanya. And there's more, noong magkaibigan pa lang taayo at nagsisimula kang magtapat sa akin ng iyong pag-ibig ay nagkunwari kang wala kang karelasyon bagkos meron naman pala at engaged kana pala. Last year December pala nag-alok kana sa kanya ng kasal at tapos this year February 27 ay naging officially in a relationship tayo Mike."
"My God! One month Mike? One month lang ang nagdaan at naging tayo. Tapos sasabihin mo sa akin na wala kang pagmamahal na nararamdaman para sa kanya? Wala kang nararamdaman kahit kunting pagmamahal sa kanya na naging karelasyon mo for almost 5 years?
May laban pa ba ako na naging girlfriend mo lang for 7 months compare to her na 5 years?""And if I'm not mistaken. Tama nga siya na walang break-up ang nangyari sa inyong dalawa. I think nag-stop lang ang komunikasyon niyong dalawa dahil sa iyong galit at pagkabigo na mas pinili niya ang kaniyang career sa Japan kesa sa magpakasal siya sa iyo at mamuhay dito sa Pilipinas which is hindi pa siya ready. At gayon nga ay makalipas lang ang isang buwan ay agad ka nang pumasok sa isang relasyon, I mean pumasok ka sa buhay ko. Actually, simula pa lang noong may nangyayari na sa ating dalawa ay stable pa pala ang relationship niyong dalawa ni Savannah. The point is niloko mo siya at niloko mo rin ako at pinaniwala sa mga kasinungalingan mo."
"You lied to me Mike. Akala ko ay malinis kang tao at walang gusot subalit nagkamali ako. Akala ko ay wala akong kahaharapin na problema sa iyo subalit sobra-sobra pa pala ang problemang kinakaharap ko ng dahil sa iyo."
"Itinago mo sa akin ang lahat at pinaniwala mo ako sa mga kasinungalingan mo. I can't believe you will do this to me. I can't believe na hahantong ang lahat ng ito sa ganito. Hindi ko akalain na ikaw pa mismo ang magiging dahilan upang bumalik ang traumang natamo ko noon. Why Mike why?"
Naging emosyonal ako ng mga oras na iyon sapagkat hindi ko na talaga kinaya ang bigat na aking nadarama sa aking puso.
Natulala naman at natigilan si Mike kung kaya't parang hindi niya magawa ang makapagsalita.
Mayamaya pa ay dahan-dahan na lumapit sa akin si Mike habang may makikitang lungkot sa kaniyang mukha. "I don't want to hurt you Kristina. Please let me explain at aayusin ko ang aking nagawang gusot at naibigay na problema sa iyo."
"'Wag mo akong lapitan Mike!" Galit at palakas na boses na pagsabi ko sabay itinulak siya palayo sa akin dahil sa sobrang galit ko sa kanya.
"You're right 5 years nga kami ni Savannah. And also you're right na nag-alok na nga ako sa kanya ng kasal. She reject my marriage proposal to her which is hurt me the most. Oo aminado akong nagsinungaling ako sa iyo na wala akong karelasyon bagkos meron naman pala. We're in a long distance relationship at marami kaming napagdaanan na mabigat na hamon at pagsubok sa aming relasyon. Until one day she suddenly change. She didn't spend much time for me until I found out that there is one guy who always entertained to her. And obviously magagalit talaga ako sapagkat ayaw kong mapag-iwanan sa ere. That's why agad akong nag-alok sa kanya ng kasal para makauwi siya rito ng Pilipinas at
makasama ko na siya sa buhay. Subalit mas pinili niya ang career niya roon sa Japan over me. Mas punamukha niya sa akin na mas importante ang career niya kesa sa akin.""And those times ay may magagandang nangyayari sa ating dalawa which is muling bumuhay sa aking nangungulilang puso. And also those times ay wala na kaming komunikasyon dalawa ni Savannah kasabay na roon ang pagiging malamig namin sa isat-isa. Bigla-bigla na lamang na hindi siya nagparamdam sa akin. At sa hindi ko inaasahan ay dumating ka sa buhay ko. Aminado nga ako na una pa lang ay minahal na kita Kristina kahit na mayroon kaming relasyon dalawa ni Savannah. Sadyang plinano lang talaga ng tadhana na maging malabo kami ni Savannah upang ilapit niya ako sa iyo."
"May pagkakamali man akong nagawa sa buhay lalo na sa iyo. But believe in me Kristina. Ikaw ang mahal ko at wala na akong pagmamahal pa kay Savannah. In fact, hindi ko na siya kayang mahalin dahil sa may mahal na akong iba at ikaw iyon. Maniwala ka man o sa hindi basta't nagsasabi ako ng totoo."
"Ikaw na rin mismo ang nagsabi sa akin na hindi basehan ang tagal ng inyong relasyon at haba ng inyong pinagsamahan. Isa lang din ang punto sa aking sinasabi na mas pipiliin ko ang 7 months relationship compare to 5 years. Mas pipiliin kita kaysa sa kanya Kristina. At maiipapangako ko iyan sa iyo. So please forgive me and make me fix all this mess."
"Nasira ko man ang iyong paniniwala at tiwala sa akin subalit hindi ko naman sisirain ang aking mga pinangako sa iyo noon na ikaw lang ang tanging babaeng mamahalin ko at wala ng iba."
"Please Kristina patawarin mo lang ako at bigyan pa ng pagkakataon at handa akong gawin ang lahat ano man ang mangyari. Aayusin ko ang break-up namin ni Savannah and I will promised to you na after this happened ay babalik na sa dati ang relasyon natin dalawa." dahan-dahan siyang lumapit sa akin kinatatayuan malapit sa mesa.
Napatingin naman ako sa ibabaw ng kisame habang napapaisip sa kaniyang sinabi kasabay na rito ang pagpigil ko ng aking mga luha na tumulo. "Bakit pa nga ba humantong sa ganito ang lahat Mike? Bakit sa iba ko pa malalaman ang lahat. Bakit sa simula pa lang ay hindi mo ito sinabi sa akin at mas ninais mo itong itago sa akin. Para ano? Para lamang mapaniwala mo ako at masaktan mo ng ganito? You know Mike muli mo lamang ipinadama sa akin ang sakit at hirap na napagdaanan ko noon."

BINABASA MO ANG
ABOUT LAST NIGHT ( Tagalog )
RomanceAksidente at hindi inaasahan na mangyayari ni Kristina na basta-basta niya lamang maibigay ang kaniyang iniingat-ingatang Dignidad at Kalinisan bilang isang babae sa binatang nakilala niya lamang ng isang gabe. In short Kristina got a One Night Stan...