Chapter 86

66 1 0
                                    

Kinabukasan kung saan ito na ang araw na magbubukas ako ng aking Restaurant. Nakahanda na ang lahat at maraming tao ang dumalo para makipag-celebrate sa house blessing na gagawin.

Narito rin si Mike na masayang sumusuporta sa akin at tumutulong sa bawat gawain ko rito lalo na at bagohan pa lamang ako sa ganito. At mas kailangan ko pa ang mga tulong at teknik niya sa pag-manage ng ganitong negosyo.

Matapos basbasan ng pari ang pagbukas ng aking Restaurant gayon din ang malugod na pagsalubong nito ay nagsimula nang kumain ang mga bisita na dumalo. Samantalang ako ay patuloy lang sa pag-entertain ng aking mga bisita na dumalo.

Mayamaya pa habang nakikipag-usap ako sa isang bisita ay may nakita akong dalawang batang pulubi na nakatunganga lang sa labas ng aking Restaurant. At natitiyak kong nangungulupot na sa sakit ag mga sikmura nito dahil sa gutom.

Nagpaalam muna ako saglit sa mga bisita ko at agad na pinuntahan ko sa labas ang dalawang bata na siyang kaawa-awa tignan.

Pinatuloy ko sila sa loob at pinaasikaso sa aking mga tauhan upang bigyan sila ng makakain at maiinom. Ito naman ay hinangaan ako ng lahat dahil sa kabutihang palad na aking ginawa sa mga bata.

Nang papasok na ako sa loob ng entrance ng Restaurant ay aksidenting may nahagip na tao itong mga mata ko na siyang umagaw sa akin ng atensyon.

Diritso na sana ang paglakad ko papasok sa loob ng tila parang pinipigilan ako ng aking mga paa na 'wag muna pumasok sa loob hanggat hindi ko magawang makalingon muli sa taong nakita kong nakatayo sa ilalim ng puno na hindi lang kalayuan sa aking Restaurant.

Dahil dito ay napagdesisyonan ko na lamang na lumingon at muling tingnan ang taong iyon. At sa hindi ko inaasahan ay magugulat ako sa aking makikita sa aking ginawang paglingon nang maaninag ko at matanaw sa aking mga mata na ang taong nakatayo sa ilalim ng puno at nakaharap sa akin ay walang iba kun'di si Troy Madrigal.

Nanlaki rin bigla ang aking mga mata at bumilis ang pagtibok ng aking puso dahil sa labis na aking pagkabigla at pagkagulat na muli kaming magkikita ni Troy sa hindi ko inaasahan na mangyari at pagkakataon.

Hindi ko akalain na muli siyang magpapakita sa akin despite of everything he done to me.

Nagkatitgay kaming dalawa ni Troy sa isat-isa kahit na medyo malayo ang kaniyang distansya mula rito sa akin. Subalit nakikita ko sa kaniyang mga mga at mukha na parang may lungkot siyang nararamdaman sa hindi ko alam na dahilan.

Natigilan din ako ng nga sandaling iyong habang nakatulalang nakatingin sa kanya. Tila para ba tinutulak ako ng aking sarili na lapitan ko siya subalit pinipigilan naman ako ng aking isip na hindi.

Ilang saglit pa ay lumapit sa akin si Mike at hinawakan ako sa aking balikat dahilan upang ako'y magulat at mabalin ang tingin ko at atensyon ko sa kanya.

"Ayos ka lang ba Kristina? Kanina pa kita tinatawag sapagkat tumatawag sa telepono ang Mommy at Daddy mo subalit parang hindi mo man lang naririnig ang bawat pagtawag ko ng pangalan mo dahil sa nakatulala ka lang dito at malayo ang iyong tingin. Sino ba ang tininan mo diyan?" Pagtatakang tanong pa ni Mike sa akin habang may kaka-ibang reaskyon na makikita sa kaniyang mukha.

Huminga naman ako ng malalim sabay umimik at nagsalita. "Oh I'm sorry, kasi may nakita akong mga bata roon na naglalaro at parang nawili kasi ako sa kapapanood sa kanila kung kaya't hindi ko na napansin na kanina pa pala ang pagtawag mo sa akin," palusot ko pa sa kanya sabay tumingin sa ilalim ng puno kung saan hindi ko na nakita si Troy doon.

"Where are you Troy?" Bulong ko pa sa aking sarili habang palihim na nilibot ng tingin ang paligid.

"Ow kaya naman pala. Siguro ay na alala mo 'yung kabataan mo rati," ani pa ni Mike sabay ngumiti na halatang naniwala talaga sa naging palusot ko sa kanya.

Bigla naman akong napatingin sa kanya habang patuloy lang sa pagpapalusot at pagkukunwari.
"Ah, oo nga kaya parang natulala lang ako kanina kakatingin sa kanila habang naglalaro sila," ani ko pa sabay ngumiti ng kunti.

"Nakatuwa naman talaga panoorin na naglalaro ang mga bata. Anyway before I've forgot kanina pa pala sa linya ng telepono ang Mommy at Daddy mo. They want to talk to you,"

"Nako baka kanina pa iyon naghihintay sa akin," sabay pumasok kami ni Mike sa loob ng Restaurant.

Matapos ang araw ng pag-celebrate sa pagbukas ng aking Restaurant ay gabi na akong nakauwi sa aking bahay sapagkat marami rami rin kaming nilinis doon matapos ang naging okasyon.

Pagadating ko ng bahay ay pagod at inaantok na ako. Subalit kailangan ko pa rin na maligo bao matulog lalo pa at amoy pawis na ako.

Matapos kong maligo ay agad binuksan ko ang aking aparador para kumuha ng aking masusuot na damit pantulog. Habang sinasarado ko na ang pintuan ng aking aparador ay napatingin ako sa salamin at tiningnan ko ang aking sarili.

Hanggang sa bigla-bigla na lamang na  pumasok si Troy sa aking isipan lalo na ang aming pagkikita kanina nu'ng ginanap ang selibrasyon.

"Hindi ko alam na nandito pala sa General Santos si Troy. Pero bakit nga ba nandito siya subalit wala naman silang bahay o tahanan dito. Dapat sana ay naroroon siya sa Laguna kasama ang lolo niya. Ano naman kaya ang ginagawa niya rito at higit sa lahat ay bakit siya pumunta sa lugar na iyon at nagpakita pa sa akin?" Bulong ko pa sa aking sarili habang napapaisip ng husto patungkol dito.

"Bakit ka nga ba muling nagpakita sa akin Troy? Dapat sana ay hindi ka na lang nagpakita pa. Ngunit hindi ko maunawaan ang aking nararamdaman kanina ng makita kita Troy. Alam kong masama ang loob ko sa iyo at malaki ang naging galit ko sa iyo subalit nagawa ko naman iyong kalimutan ng dumating  si Mike sa buhay ko na siyang naging dahilan upang ako'y maka move on ng tuluyan sa iyo at mabura kita rito sa aking puso at isipan," sabi ko pa sa aking sarili habang panay lang ang aking tingin sa salamin.

ABOUT LAST NIGHT ( Tagalog )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon