Simula

763 38 1
                                    

Ang istoryang ito ay pawang gawa ko lamang. Galing lamang ito sa malawak kong imahinasyon. PLAGIARISM IS A CRIME!!!


Simula


Nakilala ko si Amako 2 years ago sa Manila, Philippines. Isa siyang player ng famous volleyball team habang ako ay captain sa basketball. Intrams 'yon kaya madaming sports events.


Maganda si amako, mapayat pero hindi pangit tignan, makurba ang katawan, mapula ang mga labi, maikli ang buhok na siyang bumagay sa height niya, Mahaba ang mga pilikmata, maputi at makinis ang balat, makapal ang bulsa at sukat ang bulsa, pero hindi yan ang nagustuhan ko sakanya, hindi importante saakin kung anong itsura niya, panget ba siya o maganda, mataba o mapayat, makinis o hindi, wala akong pake elam sapagkus, ang kaniyang kabutihan at pag katao ang nag pabihag ng puso ko sakanya.


Ako si Lorenzo, 19 years old, isang captain ng basket ball team sa isang paaralan. Sa paaralan kung saan ko nakilala ang babaeng nag paramdam saakin ng kaligayahan. Ang babaeng nakasama ko ng mahigit apat na taon.


Masarap kasama si amako, malambing, masayahin, parating naka ngiti na tila'y walang pinoproblema. Niligawan ko siya noong April, 9, 2018 na tumagal ng isang taon. Hindi siya mahirap paki Samahan, ineenjoy niya ang bawat oras na lumilipas ng mag kasama kayong dalawa, pakikinggan ang problem mong hindi masulusyonan, mag bibigay oras para matulungan ka sa mga bagay bagay na hindi mo matapos tapos. 


At higit sa lahat, makakasama't makaka ramay mo sa hirap at ginhawa, masasandalan sa oras na ika'y hirap na hirap na.


Sinagot niya 'ko noong April, 9, 2019. Sobrang saya ko na parang nanalo sa lotto, higit pa nga ata sa lotto. Mahal namin ang isa't isa. Mahal niya ko, mahal ko siya. Gusto ako ng pamilya niya, gusto siya ng pamilya ko. Supportado kami ng mga kaibigan niya maging ang mga ka-team player niya, at ganoon din ako.


Para lang kaming mag kaibigan ni amako. Nag kakasabay kami lagi sa mga trip naming dalawa, kung iiyak ako ganoon din siya. Hindi siya maarte at mas lalong hindi siya nakakairita o nakakainis. Sa ano mang bagay, mararamdaman mo ang pag mamahal na ibinibigay niya sa'yo araw araw. 


Sabay kaming grumaduate ni amako, ako ay napangaralan bilang balediktoryan, at siya naman ay salutatorian. Pareho kami ng kursong kinuha para sa kolehiyo; STEM. Siya'y mag do-doktor at ako naman ay mag e-engineer. 


Mataas ang pangarap namin dalawa. Hindi lang para sa sarili naming dalawa at para sa kinabukasan naming dalawa, kundi para din sa pamilya naming sumuporta saamin simula una.


Nakatatak na sa isipan ko na si amako, si amako ang makaka sama ko sa hirap at ginhawa. Ang babaeng makakasama ko sa harap ng altar, at sabay na kikilananin ang diyos bilang isang ganap na mag asawa.


 Ang makakasama ko sapag tupad ng aking mga pangarap, ang babaeng magiging ina sa aking mga magiging anak.


Bago mag pasko ng taong iyon, napag pasyahan namin ni amako na tumira sa iisang bubong. Hindi pumayag ang mga magulang naming dalawa, ngunit sa kalaunan, napawi din iyon ng malaman nilang nag sasama na kami ng palihim.


Sa totoo lang, para na kaming mag asawang dalawa. Wala mang perpektong pag sasama para sa mag kasintahan, ngunit para sa'kin, Ako, Si Amako, at ang magiging anak namin ang isang perpektong pamilya.


Isang gabi, napauwi ako ng malalim na ang gabi, nag ka ayaan kasi ang mga tropa ko na mag inuman kami ng sandale upang mawala ang stress sa aming katawan. Hindi ako masyadong nag lasing dahil alam kong hindi magugustuhan ni amako. 


Pag kadating ko sa aming tinutuluyan, bumungad saakin si amako na nanginginig ang mga kamay na naka patong sa bibig nito at mahinang humahagulgol. Tumakbo ako at hindi na inisip ang mga natataman at nalalaglag na mga gamit.


Pinatahan ko siya sa aking bisig at sinoportahan ang katawan niyang nanghihina. Nang kumalma siya ng kaonti, doon ko nalaman na namatayan kami ng anak. 


Aksidente man kaming naka gawa ng bata, minahal at inalagaan padin namin ito.


Ang sabi ng doctor, mag wa-one month ng buntis si amako ngunit sa kasamaang palad, pumutok ang panubigan niya at siya'y nakunan.


Ngunit hindi ito naging suliranin saaming dalawa upang kami'y mag hiwalay. Lumipas ang isang taon na ginugulgol namin ang isa't isa sa ibang bagay upang makalimutan ang hindi kaakit akit na nakaraan.


March 9, 2021. Lumipad si amako papuntang America upang doon ipag patuloy ang pag aaral ng medisina. Hindi ko siya pinigilan sapagkus alam kong iyon ang mas maka bubuti at makaka tulong sakanya at sap ag aaral niya. May nabago man, normal padin ang pagiging mag kasintahan namin dalawa.


 Nakakapag usap kaming dalawa gamit ang iba't ibang apps, nag tatawagan kapag may bakanteng oras.


Hindi din nag tagal ang pagiging ldr naming dalawa.


Sinabihan ko si amako na dadalawin ko siya sa America. Masaya siya sa balitang iyon naka ngiti ngunit hindi katulad ng dati niya ngiti. Hindi ko sinabi sakanya kung kalian, basta ko nalang sinabi na dadalawin ko siya sa dadaang araw.


Sabado, Abril ika-siyam sa taong din 'yon, nag tungo ako ng America ng hindi sinasabihan si amako. Nalaman ko ang bahay na tilutuluyan niya na bahay din ng pamilya niya. Si Amara ang tumulong saakin; iyong nakakabatang kapatid niya.


Dumating ako sa bahay nila ng 9:45 ng gabi. Hindi ako makaramdam ng kahit ano mang gutom dahil sa saya na sa wakas ay makikita ko na ulit ang pinaka mamahal kong babae. 


***

Pahimakas (Short preview Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon